Bea Alonzo, Gerald Anderson use similar captions on Instagram posts anew; Bea edits it afterwards

by Bernie V. Franco
Feb 23, 2021
Just a coincidence? For the second time around, in just a span of two weeks, former couple Bea Alonzo and Gerald Anderson used the same caption in their respective Instagram posts.
PHOTO/S: PR Photo / @andersongeraldjr on Instagram

What a coincidence.

Sa pangalawang pagkakataon, muling nagkapareho ng caption sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa kani-kanilang recent Instagram posts.

Unang nangyari ang nagkaparehong captions ng dating magkasintahan dalawang linggo ang nakaraan.

Naulit ito nito lamang weekend.

Sa kanyang Instagram Story, nag-post si Gerald ng kanyang larawan.

Makikita ang nakatalikod na si Gerald na nasa loob ng cottage at nakaupo sa higaan.

Animo’y malayo ang kanyang tingin sa labas na tanaw ang luntiang mga puno at halaman.

“Slow down,” tanging caption ng ABS-CBN actor.

Instagram photo: Gerald anderson slow down caption

Continue reading below ↓

Nitong weekend din, nag-post ng larawan si Bea na tila nakahiga sa wooden floorboard.

Tinatamaan ng sinag ng araw si Bea, na hawak ang buhok gamit ang kanyang kaliwang kamay.

Caption niya: “Slow down [snail emoji].”

Pero mukhang nakatunog si Bea sa pagkakapareho ng caption nila ng dating boyfriend kaya in-edit niya ito.

Ang ipinalit na caption ni Bea, “Take a breather [sun emoji]”

instagram photo: bea alonzo slow down caption

Continue reading below ↓

Ang Instagram Story post ni Gerald ay hindi na makikita dahil nag-e-expire ito matapos ang 24 oras.

Pero na-screenshot ito ng kanyang fans at ipinost sa kani-kanilang IG accounts.

Samantala, bagamat binago na ni Bea ang kanyang caption, ni-repost naman ng supporters ng aktres ang original post niya at naroon pa rin ang original caption.

Hindi rin nakaligtas sa mga nakamasid na netizens ang biglaang pagpapalit ng caption ni Bea.

Natiyempuhan nila ang magkaparehong captions ng dating magkasintahan at pinag-usapan nila ito sa comments section ng post ni Bea.

Ang iba, nagtatanong kung bakit daw pinalitan ni Bea ang caption niya.

fans notice same IG caption of Gerald and Bea

Continue reading below ↓

fans notice same IG caption of Gerald and Bea

fans notice Bea alonzo new caption

Continue reading below ↓

Lumalabas naman na si Gerald ang naunang gumamit ng caption dahil may isang fan ni Bea ang nabanggit na inabisuhan niya ang idolong aktres na nagtugma ang captions nila ng aktor.

bea fans throw gaya-gaya shade to gerald anderson

FIRST INCIDENT

Una nangyari ang pagkakapareho ng captions nina Bea at Gerald dalawang linggo ang nakalilipas.

Noong January 7, nag-post si Bea ng larawan niya at may caption na “Trust the timing of your life [clock emoji]”

Continue reading below ↓

Eksaktong isang buwan ang nakalilipas, February 7, ipinost naman ni Gerald ang kanyang larawan na background ang dagat.

“Trust the timing of your life,” parehong caption ni Gerald.

Nagkahiwalay sina Bea at Gerald noong 2019 pagkatapos ng higit dalawang taong relasyon.

Naging kontrobersiyal ang paghihiwalay nila dahil wala silang formal breakup.

Nagkataon namang ang nali-link ngayon kay Gerald na si Julia Barretto ang itinurong third party umano sa breakup nina Bea at Gerald.

Nali-link naman ngayon si Bea sa aktor na si Dominic Roque.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Just a coincidence? For the second time around, in just a span of two weeks, former couple Bea Alonzo and Gerald Anderson used the same caption in their respective Instagram posts.
PHOTO/S: PR Photo / @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results