Kitkat forgives Janno Gibbs over cursing incident: “I choose to be the bigger person.”

by Arniel C. Serato
Feb 23, 2021
Kitkat Janno Gibbs forgiveness
Kitkat on burying the hatchet with Happy Time co-host Janno Gibbs: "Pero sino ba naman ako para hindi magpatawad? Everybody needs a second chance kahit sabi ng iba na ilang chance na 'yan kay Kuya Janno.”
PHOTO/S: Courtesy: @favkitkat / @jannolategibbs on Instagram

Nagkaayos na sina Kitkat at Janno Gibbs.

Ito ang kinumpirma ni Kitkat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng Facebook messaging, ngayong Martes ng gabi, February 23.

Ayon sa co-host ng Happy Time ng Net 25, nahirapan siya noong una pero inisip niya ang kalagayan ng premyadong aktres na si Cherry Pie Picache, na nagawang patawarin ang mga pumatay sa kanyang ina.

Lumaki rin daw siyang isinaisip ang mga salita ng Diyos.

Pahayag niya, “Opo, mahirap sa una, sakit sa dibdib.

“Mabigat pa din. Nung una, naisip ko si Ate Cherry Pie, siya, pinatay ang nanay niya pero nagawa niyang magpatawad..."

Dagdag pa ni Kitkat, “I grew up na pinapahalagahan ang word of God at sagrado Katoliko kami at lumaking may takot sa Diyos.

“Kaya humawak ako ng Bible at I choose to be the bigger person...”

Kinumpirma rin niya ang mga lumabas na ulat ukol sa pagmumura sa kanya ni Janno sa taping nila noong February 18.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Totoo naman lahat ang nangyari. Nasaktan ako nang sobra, galit pamilya ko.

“Pero sino ba naman ako para hindi magpatawad?

“Everybody needs a second chance kahit sabi ng iba na ilang chance na 'yan kay Kuya Janno.”

Wala rin daw alinlangan si Kitkat na magpatawad at mag-move on sa pangyayari dahil naging sandigan niya ang Panginoon.

“Pero, ito inisip ko: ‘Kausap ko si Lord, paano kung mamatay ako bigla at hindi ako papatawarin ni Lord?’

“Sabihin niya, ‘ABA, E, DI MO NAGAWANG PATAWARIN ang NAGKASALA SA’YO, BAKIT KITA TATANGGAPIN?’”

Pabirong dagdag pa niya, “’Di po bagay sa akin, pero ganun po talaga kami ng pamilya ko.

“Kaya pati ang mga tao, I spoke for them, kasi kako wala silang boses.”

KITKAT: “AKO PO AY NAKAPAGPATAWAD NA”

Sa kanyang Facebook ngayong gabi din, nagpasalamat si Kitkat sa lahat ng pagmamahal at suporta na ipinaabot sa kanya ng mga kaibigan at netizens.

Continue reading below ↓

Dahil daw sa naramdaman niyang labis na pagmamahal, mabilis siyang nakapagpatawad.

Mensahe ni Kitkat, “Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo..

“Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY NAKAPAG PATAWAD NA!

“Sino ba naman ako para hindi magpatawad, ang DYOS pinatawad ako sa mga kasalanan ko, nararapat lamang na ako ay magpatawad... makakagaan sa aking buhay at loob...

“Opo sa lahat ng nangyari,,, totoo po lahat yun, pero again AKO PO AY NAGPAPATAWAD NA ... thank YOU LORD for the strength.”

Continue reading below ↓

Ayon sa isang impormante ng PEP.ph, pinaulanan daw ng mura ni Janno si Kitkat sa taping ng Happy Time dahil napikon daw ito.

Mukha raw kasing kinampihan ni Kitkat ang kalaban ni Janno sa segment na “Kantanungan” na si Marco Sison.

Solong nag-host si Kitkat sa taped episode ng noontime show na mapapanood sana bukas, February 24.

Pero ang magandang balita, ayon kay Kitkat, shelved na ang nai-tape nilang episode. Live na raw kasi silang mapapanood bukas.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kitkat on burying the hatchet with Happy Time co-host Janno Gibbs: "Pero sino ba naman ako para hindi magpatawad? Everybody needs a second chance kahit sabi ng iba na ilang chance na 'yan kay Kuya Janno.”
PHOTO/S: Courtesy: @favkitkat / @jannolategibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results