Ellen Adarna has candid response to “parang may tililing” remark; goofs around with Derek Ramsay in recent IG post

by Bernie V. Franco
Feb 24, 2021
Ellen Adarna has a frank response to a critic who called her "parang may tililing." Meanwhile, the actress continues to post photos with Derek Ramsay, who is romantically linked to her.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram

Mukhang natuto na si Ellen Adarna, 32, kung paano sakyan ang kanyang mga kritiko at bashers.

Lahat na yata ng pwedeng ibato kay Ellen ay nabasa na niya sa social media kaya ang iba rito ay pinapatulan ng aktres.

Katulad na lamang ng komento ng isang basher noong nakaraang linggo.

Kinuwestiyon ng netizen ang katinuan ng aktres at sinabing parang may "tililing" na raw ito.

Sumundot ang isa pang basher at sinabihan ang aktres na “parang naka-drugs.”

Sinagot ni Ellen ang paratang na pinagdududahan ang kanyang mental state.

Tila pangungutya niya, “Meron talaga akong tililing. Ewan ko lang kung bakit tingin mo lang, tignan mo nalang mabuti. Di ko naman dinideny [smiley with tongue sticking out emoji].”

netizens call Ellen Adarna as may Tililing, Ellen agrees

Continue reading below ↓

Halatang pinapatulan ni Ellen ang may mga nasasabing hindi maganda sa kanya. At hindi ito ang unang beses.

Noong January, tinawag ng isang netizen si Ellen na “malandi” dahil lagi raw itong nakaabang sa mga ipo-post ni Derek Ramsay para mag-comment.

Nauugnay kasi ngayon sina Ellen at Derek, 44.

Sumagot si Ellen at sinabi nitong hindi naman daw talaga si Derek ang tipo niyang lalaki.

Ellen Adarna says Derek Ramsay is not her type

Continue reading below ↓

Nag-reply rin si Ellen sa isang recent comment na binobola lang daw siya ng aktor.

May halong kakulitan ang reply ni Ellen: “diba nag papabola nga tayo minsan sa pangit eh … dito nalang tayo sa gwapo di pa masyadong lugi looool [laughing with tears emojis]”

Ellen Adarna reacts on Derek pambobola

Kung susuriin din ang mga ginagamit na emojis ni Ellen, halatang hindi niya siniseryoso ang mga pambubusko sa kanya ng bashers.

Continue reading below ↓

Mukhang ibinabalik ni Ellen kung anuman ang komento na nakukuha niya sa netizens.

Halimbawa, nagkomento kahapon ang isang netizen ng pagsuporta kina Derek at Ellen.

Iniisa-isa ng netizen ang maraming pagkakapareho ng dalawa at ang pagiging “nega” ng kanilang bashers.

Komento ng supporter: “DEREK-Single Dad, Gwapo, mayaman, happy, hindi perfect, at walang paki sa bashers.

“ELEN- Single Mom, Gwapa, mayaman, happy, hindi perfect at walang paki sa bashers.

“BASHERS-Single, Pangit, Pobre, feeling perfect at pinoproblema ang buhay ng ibang tao! 2021 na uy!”

Napukaw ng komentong ito ang atensiyon nina Ellen at Derek.

Reaksiyon ni Ellen: “tawang tawa kami hahahaha.” Tinag niya rito si Derek.

Papuri naman ni Derek sa netizen: “genius.”

netizen calls bashers to mind their own business; Ellen and Derek agree

Continue reading below ↓

MORE PHOTOS OF CLOSENESS WITH DEREK

Samantala, tila wala nang makakaawat sa pagkakamabutihan nina Ellen at Derek.

Nitong mga nakalipas na araw, sunud-sunod ang pagpo-post ng dalawa ng mga larawang magkasama sila.

Kabilang ang PDA photos nila nang mamasyal sa Lake Caliraya sa Laguna.

Ipinost ng dalawa ang larawan nilang nagyayakapan, at ang larawan kung saan kalong-kalong pa ni Derek ang natutulog na anak ni Ellen.

Kita rin sa short videos na ipinost nila na enjoy silang magkasamang nagwo-workout kasama ang iba pang mga kaibigan ni Derek.

Ngayong hapon, ipinost ni Ellen ang photo collage ng kulitan nila ni Derek.

Sa series of photos ay makikitang nakaupo si Derek at nasa likod niya si Ellen.

Kita sa maraming photos ang pagiging close ng dalawa, at hinahawakan pa ni Ellen ang balbas at buhok ni Derek.

Gumamit lamang ng emojis si Ellen bilang caption.

Monkey emojis naman ang komento ni Derek na indikasyong nagkakaroon lang sila ng katuwaan.

Continue reading below ↓

Instagram post: Ellen Adarna with Derek Ramsay

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna has a frank response to a critic who called her "parang may tililing." Meanwhile, the actress continues to post photos with Derek Ramsay, who is romantically linked to her.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results