Dra. Vicki Belo reveals reason why she did not give up on Hayden Kho during darkest moment of their relationship

by Arniel C. Serato
Feb 24, 2021
Vicki Belo Hayden Kho video scandal
Hayden Kho on surviving his video scandal: "Kung ako lang, on my own, I won't really be able to survive. I thank my family, Vicki... interestingly, siya yung na-offend ko, siya pa yung ka-help ko doon."
PHOTO/S: Courtesy: Celestine Gonzaga-Soriano on YouTube

Sa isang pambihirang pagkakataon, inihayag ng mag-asawang Dra. Vicki Belo, 65, at Dr. Hayden Kho, 40, ang mga pinagdaanan nilang pagsubok noong pumutok ang video scandal ni Hayden taong 2009.

Saad ni Vicki, “Wow, I never imagined we go through what we did and so publicly, di ba, kasi parang tahimik naman ang buhay ko.”

Hindi naman daw kasi bukas sa publiko ang kanyang private life hanggang sa masangkot si Hayden sa video scandal na pinag-usapan sa buong bansa.

Sabi pa ng doctor to the stars, “What’s important to me is to always look intelligent, I don’t like to look stupid. Then, I want to be, you know, parang respected.

“My God, I think at that time, I looked so bad, like, 'Why is she protecting this man who did all these things to her?’

“Di ba, parang I looked so dumb? I know the perception, ‘This old lady still loves this guy despite of everything.’ Parang, ‘What is she doing?’”

Continue reading below ↓

Nagsalita sina Vicki at Hayden sa vlog ni Toni Gonzaga na tonitalks na inilabas noong Lunes, February 22.

Vicki Belo, Hayden Kho on Toni Gonzaga Vlog

Dahil daw sa kinasangkutang eskandalo ni Hayden ay naghiwalay sila ni Vicki.

Nalaman daw lahat ni Vicki ang tungkol dito noong "December 2008," at naghiwalay sila noong "January, February 2009."

Continue reading below ↓

Taong 2008 ay nakaranas din daw si Hayden ng extortion sa hindi niya kilalang tao.

Nagbigay pa nga raw siya ng pera para sa kopya ng kanyang video scandal, pero hindi raw itinuloy ng nasabing tao ang negosasyon.

Sa huli, inilabas pa rin daw ng taong iyon ang video scandal sa mismong ika-27 kaarawan ni Hayden noong May 20, 2009.

“WALANG WORDS TO DESCRIBE”

Hindi raw alam ni Hayden ang gagawin at ang naramdaman niya noong kumalat na ang kanyang video scandal.

Saad niya, “Walang words to describe it. I mean, it’s a mixture of, definitely there’s a lot of humiliation, there’s a lot of fear, and there’s a feeling of desperation na, ‘What AM I gonna do to fix this?’

“Nag-roller coaster yung emotion, walang positive, lahat negative.”

Vicki Belo, Hayden Kho on past sex video scandal

Continue reading below ↓

Para kay Hayden, kung mag-isa lang daw siyang humarap sa eskandalo ay hindi niya ito malalampasan.

Pero sa tulong ng kanyang pamilya, ni Vicki, at ng Diyos ay nalampasan daw niya ito.

Saad niya, “Kung ako lang, on my own, I won't really be able to survive.

"I thank my family, Vicki... interestingly, siya yung na-offend ko, siya pa yung ka-help ko doon.

“Most importantly, it's God. I experienced God's love through my wife Vicki.”

Sabi pa ni Hayden, isang malaking factor din ang tulong sa kanya ng Panginoon.

“Looking back, now I realized that it's very true that sometimes God allows you to go through shameful things because that’s actually grace and mercy, na 'yan na lang ang ipa-experience niya sa 'yo just to wake you up.

“To me, yung nangyari sa akin, although it was more shameful, it was already on the mercy of God in order to wake me up.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Hayden, parang patay na ang kaluluwa niya noon.

Sa Senate hearing nga raw na isinagawa dahil sa kontrobersiya, naalala pa niya ang tanong sa kanya kung ano ang naramdaman niya sa pagkalat ng video.

Ang sagot lang daw niya: “Hopelessness.”

"for thee days, he didn't wake up"

Kuwento naman ni Vicki, parang nakalimutan daw niya ang kanyang sarili noon. Ang nais lang daw niya ay matulungan si Hayden at makabangon sa pagkadapa.

Ibinahagi rin niyang ilang beses nagtangka si Hayden na kitilin ang sariling buhay.

Saad ni Vicki, "When he talks, it's okay lang to be dead.

“For three days he didn't wake up.

"Who else is gonna take care of him? Parang, I was the one.

"We decided, his neurologist decided to do an EEG, which is a brain wave measurement energy. It was very low.”

Ayaw raw gumising ni Hayden. Sabi pa raw ng doktor, kung hindi magigising ay baka maging vegetable ito.

Continue reading below ↓

Kaya nagdasal daw si Dra. Vicki nang husto sa Panginoon upang magising si Hayden.

Vicki Belo, Hayden Kho on past sex video scandal

Bakit pinatawad ni Dra. Vicki si Hayden sa eskandalong nagkaladkad sa kanilang buhay upang pagpiyestahan ng publiko?

Tugon ng cosmetic surgeon, “'Coz I can see, I was very sure that he is very kind, there is no problem.

Continue reading below ↓

“But I also knew that he was molested by a gay guy when he was, like, eight years old.”

Bumalik din daw sa isip ni Vicki ang namatay niyang boyfriend noon dahil sa lung cancer. Kahit ano raw ang kanyang gawin ay hindi na niya ito makikitang muli.

Kaya sumagi raw sa isip niya si Hayden, na hindi ito gumawa nang masama sa sarili. Kahit hindi raw sila magkatuluyan noon, maaari naman daw niya itong makita at makawayan man lang kapag buhay ito.

Dahil sa pagbabalik loob ni Hayden sa Diyos, nalagpasan daw nito ang lahat ng problemang pinagdaanan.

Saad niya, “I discovered Christ and really got to know my Lord.

“Without intending to really change, I just noticed that some of my friends were already commenting na parang, ‘Iba na yung disposition mo.’ Parang, ‘You’re at peace.’”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hayden Kho on surviving his video scandal: "Kung ako lang, on my own, I won't really be able to survive. I thank my family, Vicki... interestingly, siya yung na-offend ko, siya pa yung ka-help ko doon."
PHOTO/S: Courtesy: Celestine Gonzaga-Soriano on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results