Derek Ramsay, Ellen Adarna confirm relationship: “May relasyon kami, oo.”

by Arniel C. Serato
Feb 26, 2021
Derek Ramsay Ellen Adarna relationship confirmation
Derek Ramsay and Ellen Adarna finally admit their one-month old relationship in an exclusive interview with Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) today, February 26.
PHOTO/S: Arniel Serato

Kumpirmadong may relasyon na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes, February 26, hindi nagdalawang-isip ang dalawa na ipakita at iparamdam ang totoo nilang nararamdaman sa isa’t isa.

Nakapanayam namin sila sa mismong bahay ni Derek sa Ayala Alabang, Muntinlupa.

Paglalarawan ng 44-year-old Kapuso actor sa relasyon nila ni Ellen, “Wala, wala... It’s not a normal relationship. Hindi siya yung may parang ligawan.

"It’s just nagkakilala kami, from the dinner, every day, ‘O, workout.’”

Sabat ni Ellen, 32, “Huy, baka sabihin nila na ako nanliligaw sa 'yo.”

Pagpapatuloy ni Derek, “No, no, walang ganun. Ako lagi ang nag-aaya. Hindi siya ganun.”

Kapansin-pansing mula nang unang lumabas sa social media ang cozy pictures nina Derek at Ellen na kuha sa dinner party sa bahay ng aktor noong January 11, nagsunud-sunod na ang pag-a-upload nila ng mga larawang magkasama sa kani-kanilang social media accounts.

Continue reading below ↓

Dito na nagsimula ang espekulasyon ng netizens na, maliban sa pagiging magkapitbahay, ay namumuo na ring relasyon sa pagitan nila.

At ngayon ay inamin na nila sa PEP.ph na isang buwan na ang kanilang relasyon.

May official date ba ang kanilang monthsary?

Tugon ni Derek, “Well, di ba, sabi niya [Ellen], one month, feels like one year.”

Derek Ramsay and Ellen Adarna

Continue reading below ↓

“MAY RELASYON KAMI, OO!”

Ibinahagi rin ni Derek sa PEP.ph na may "spark" talaga noong unang nagkakilala sila ni Ellen.

Saad niya, “Uhm, tama ka, may spark talaga. Sobrang laking spark.

“We just really are enjoying each other’s company. Sobra.”

Inamin din ni Derek na bagamat bago pa ang kanilang relasyon ay naranasan na nilang magkatampuhan.

“Like, walang dull moment.

“Sa isang month, meron na kaming tawanan. Meron na kaming tampuhan... lahat meron na.”

Diretsong tanong ng PEP.ph kay Derek, “Girlfriend mo na si Ellen?”

Pabirong tanong ni Derek kay Ellen, “Bakit ako?”

Hindi nila sinagot ang aming katanungan kaya muli naming inusisa ang dalawa kung may relasyon na ba sila.

Na-stress na raw sila sa aming mga katanungan sa pagkakataong ito.

Kaya diretsong sagot ni Derek: “May relasyon kami, oo.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay and Ellen Adarna finally admit their one-month old relationship in an exclusive interview with Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) today, February 26.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results