Jake Cuenca criticized for his proposal prank to girlfriend Kylie Verzosa: "Bad joke!"

by Bernie V. Franco
Feb 26, 2021
Jake Cuenca prank proposal to Kylie Verzosa
Netizens express their dismay to actor Jake Cuenca for staging a "prank proposal" to girlfriend Kylie Verzosa. Insert photo shows the romantic candle-lit dinner of the couple where Jake asked Kylie this question...
PHOTO/S: @juancarloscuenca on Instagram YouTube (Kylie Verzosa)

Hindi ikinatuwa ng maraming netizens ang ginawang proposal prank ni Jake Cuenca sa kanyang girlfriend na si Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Anila, hindi magandang biro ang ginawa ng aktor sa kanyang nobya.

Kamakailan ay ipinost ni Jake sa kanyang Instagram account ang maiksing video na kuha mula sa Palawan beach trip nila ni Kylie.

Makikitang naghanda si Jake ng candle-lit dinner para sa girlfriend.

Sa kadiliman, makikita ang naka-setup na table and chairs na napapalibutan ng mga ilaw sa damuhan na hugis puso.

Instagram Video screengrab: candle-lit dinner prepared by Jake Cuenca for gf Kylie

Continue reading below ↓

Lumapit si Kylie at tumayo si Jake sa kanyang pagkakaupo.

Bungad ni Jake kay Kylie: “So, I prepared this because I just wanted to ask you one thing.”

Kita sa mukha ni Kylie na nagulat ito at natigilan. Hinihintay ang susunod na sasabihin ng nobyo.

Jake: “So, here it goes… kumain... kumain ka na ba?”

Pabirong tila iiyak si Kylie at saka tumawa.

Sabi ni Jake: “You love it, Boo?”

Sagot ni Kylie, “Super! Except you. Wow.”

Jake: “I love you.”

THE COMMENTS

Hindi napigilan ang netizens na mapa-react sa video na ipinost ni Jake.

Kasama sa mga nagkomento sina Angel Locsin, Bianca Manalo, at Mica Reyes. Maging sila, inakalang totoong proposal na ang mangyayari.

Ani Bianca: "Shucks!!!!!!!! Kala ko!!!!!!!"

May inis ang komento ni Angel: "Bwiset! [Laughing with tears emoji] naka-antabay ako eh [laughing with years emoji]"

Sabi naman ni Mica: "HAHAHAHAHAHAHAA BUISIT HAHAHA KYLIEEEE [laughing with tears emojis] UR FACE DID LIKE 100 emotions”

Continue reading below ↓

bianca manalo, angel locsin reacts to Jake's video

Mica reyes reacts to Jake's video

Continue reading below ↓

Makahulugan naman ang reaksiyon ni Kylie sa nangyari. Tila halo-halo ang naramdaman ng beauty queen sa ginawang biro ng nobyo.

Gumamit siya ng teary-eyed faces, crying faces, laughing cats with tears emojis sa comments section.

Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Kylie ngayong gabi ang screenshot ng kanyang reaksiyon nang i-prank siya ni Jake.

Caption ni Kylie: “I hate you? lol” at itinag si Jake.

Kylie Verzosa replies with crying and laughing with tears emojis

Continue reading below ↓

Kylie Versoza reposts Jake Cuenca video

JAKE EXPLAINS

Marami ring netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya sa joke ni Jake.

Sabi ng isa: “For most ladies, that was a bad joke. Dont do that again please!”

Dumepensa si Jake.

Aniya, “yes but we are not like most. We get each other and we get the timing of things.

Continue reading below ↓

“When the time is right and the timing is [right] I will not hesitate to ask. [smile emoji]”

Netizen points out that doing proposal prank is not nice; Jake cuenca explains

Sa kabila ng sagot ni Jake, sunud-sunod pa rin ang pagpuna sa kanya ng netizens.

Karamihan sa kanila, tinawag na “bad joke” ang ginawa ng aktor.

Kung pagbabasehan din ang profile pics ng mga nadismaya, marami sa kanila ay mga kababaihan.

Continue reading below ↓

Sabi ng isa, maaaring nakangiti si Kylie pero sa loob-loob nito ay nag-expect ito.

Hindi na lang daw sana ipinost ni Jake ang video. Halata raw sa reaksiyon ni Kylie na umasa ito.

Reaksiyon naman ng isa, hindi raw dapat pinaglalaruan ang damdamin ng iba, lalo na ng taong mahal mo.

May ilan namang nagsabing baka kapag nag-propose siya kay Kylie ay tumanggi na ang beauty queen.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens:

Netizens slam Jake for insensitive prank

Continue reading below ↓

Netizens criticize Jake Cuenca over proposal prank

Netizens claim that Jake toyed Kylie feelings

Continue reading below ↓

Dalawang taon nang magkarelasyon sina Kylie at Jake.

Nagkatrabaho sila sa ABS-CBN afternoon series na Los Bastardos noong 2018.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens express their dismay to actor Jake Cuenca for staging a "prank proposal" to girlfriend Kylie Verzosa. Insert photo shows the romantic candle-lit dinner of the couple where Jake asked Kylie this question...
PHOTO/S: @juancarloscuenca on Instagram YouTube (Kylie Verzosa)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results