Maine Mendoza gives sweet message for Arjo Atayde's contract signing with ABS-CBN

by Rachelle Siazon
Feb 27, 2021
Maine Mendoza to boyfriend Arjo Atayde: "Please know that I'm always here for you, with you, and I'm always right behind you to give my 110 percent support in everything tha you do."
PHOTO/S: @arjoatayde Instagram

Todo-suporta si Maine Mendoza, 25, sa pagiging solid Kapamilya ng kanyang boyfriend na si Arjo Atayde, 30.

Biyernes ng hapon, February 26, nag-renew si Arjo ng kontrata bilang exclusive star ng ABS-CBN.

Si Arjo ay artista rin ng Star Magic, ang talent management arm ng network.

Sa gitna ng contract signing, ipinapanood kay Arjo ang video greetings mula sa ilang personalidad na malapit sa kanya, at panghuli rito si Maine.

Masuyong tinawag pa ni Maine si Arjo sa term of endearment nilang "Bab."

"Hi, Bab! Ako lang 'to, wag ka magulat.

"Congratulations on your eight year in Star Magic. I wish you more success in your career, more projects, more exciting roles.

"Please know that I'm always here for you, with you, and I'm always right behind you to give my 110 percent support in everything tha you do."

Masaya raw si Maine na masaksihan ang bawat "milestone" sa buhay ni Arjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, "There's so much in store for you, that I know for sure.

"Ngayon pa lang sasabihin ko na sobrang proud ako sa narating mo at sa mga mararating mo pa.

"Just keep doing what you love. Yun lang."

Nakangiting pahabol pa ni Maine, "Congratulations, and love you!"

Aminadong nagulat naman si Arjo sa surprise video greeting sa kanya ng nobya.

"Unexpected yun, ha!"

Star Magic Youtube: Maine Mendoza surprise message to Arjo Atayde

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARJO'S APPEARANCE IN DADDY'S GURL

Kasunod nito ay nagpasalamat si Arjo sa ABS-CBN top executives na kasama sa presidential table nang siya ay mag-contract signing.

"Thank you. Obviously they allowed me to make Maine's birthday special."

Ang tinutukoy ni Arjo ay ang nakatakdang special guest appearance niya sa Daddy's Gurl, ang blocktimer sitcom na pinagbibidahan ni Maine sa GMA Network.

Noong Huwebes, February 25, inulat ng PEP Troika sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kumpirmasyong si Arjo ang mystery guest sa Daddy's Gurl.

Nabanggit din sa ulat na hindi ito nangangahulugang may posibilidad lilipat ng network si Arjo dahil nakatakda itong mag-renew ng kontrata sa Kapamilya network.

ARJO atayde: FOREVER KAPAMILYA

Sa naganap na ABS-CBN contract signing, hindi napigilan ni Arjo maging emosyonal sa kanyang pananatiling Kapamilya.

"Happy to be home," naluhang saad ni Arjo.

Nang tanungin ng host na si Robi Domingo kung bakit proud Kapamilya si Arjo, ipinaliwanag ng aktor na malaki ang pasasalamat niya sa pag-aalaga sa kanya ng network sa loob ng walong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay-pugay rin siya pati sa mga katrabaho sa likod ng camera na tumulong sa kanyang marating ang posiyon niya ngayon sa entertainment industry.

Tahanan daw ang turing ni Arjo sa ABS-CBN.

Dagdag niya, "I just love being a Kapamilya. I'm born to be a Kapamilya. And i will stay here no matter what."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza to boyfriend Arjo Atayde: "Please know that I'm always here for you, with you, and I'm always right behind you to give my 110 percent support in everything tha you do."
PHOTO/S: @arjoatayde Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results