Kylie Verzosa clarifies she was not offended by Jake Cuenca's proposal prank

by Rachelle Siazon
Feb 27, 2021
Kylie Verzosa on Jake Cuenca joking about proposing to her during their Palawan trip: "No feelings or humans were hurt while filming this video... Jake has been the best boyfriend to me."
PHOTO/S: @juancarloscuenca / @kylieverzosa Instagram

Umapela si Kylie Verzosa, 29, na tigilan na ang pambabatikos kay Jake Cuenca, 33, dahil sa biro ng aktor na kunwari ay magpo-propose ito sa nobya.

Noong Huwebes, February 25, ibinahagi ni Jake ang short video clip ng romantic dinner date nila ni Kylie habang nakabakasyon sila sa Palawan.

Napapalibutan ng hugis-pusong Christmas lights ang dinner set-up sa garden ng resort na tinuluyan nila roon.

Dito humirit si Jake na may nais siyang itanong kay Kylie.

Natigilan pa si Jake at binitin ang kanyang tanong na waring aktong magpo-propose sa dalaga.

Game naman si Kylie na umarteng excited habang naghihintay ng sasabihin sa kanya ni Jake.

Sabay ang tanong lang pala ni Jake, "Kumain ka na ba?"

Tawa naman nang tawa si Kylie sa tinuran ng boyfriend.

May netizens na nakapanood ng prank ni Jake na umalmang "bad joke" daw ang paasahin ang babae lalo na't seryosong usapin ang kasal.

Continue reading below ↓

KYLIE SAYS JAKE IS THE "BEST BOYFRIEND"

Pero sa comments section ng post ni Jake, nilinaw ni Kylie na hindi niya minasama ang biro ng nobyo dahil kasabwat din siya nito.

Paliwanag ni Kylie kagabi, February 26: "Hello guys! I knew that Jake was going to ask me this question before filming.

"No feelings or humans were hurt while filming this video hehe, peace and love [prayer emoji]

"Jake has been the best boyfriend to me."

Instagram caption: Kylie Versoza not offended by Jake proposal prank

Continue reading below ↓

Ni-repost din ito ni Kylie sa sarili niyang Instagram Story.

Bilang patunay na hindi siya dismayado sa nobyo, nag-iwan siya ng "I love you" na mensahe sa Instagram feed ni Jake ngayong Sabado, February 27.

"I am so lucky to have you [shining and heart emojis] I love you boo [couple with heart emoji]."

Kylie Versoza assures love for boyfriend Jake Cuenca

Continue reading below ↓

JAKE UNFAZED BY CRITICS

Hindi naman nagpatinag si Jake sa mga bumatikos sa kanyang proposal prank.

Ngayong Sabado, February 27, nag-post si Jake ng video kunsaan masuyong humalik si Kylie sa pisngi ng aktor.

Gumanti rin si Jake ng halik sa kaliwang pisngi ni Kylie.

Sabi ni Jake sa caption, "The only opinion that matters when it comes to our relationship is yours.

"I love you @kylieverzosa."

Dagdag pa ni Jake, "unapologetically in love" daw siya sa nobya.

Instagram Post: Jake Cuenca posts photo with Kylie Versoza

Continue reading below ↓

CELEBRITY REACTIONS

Natawa naman ang ilan sa mga kaibigan ng couple sa proposal prank ni Jake.

Ayon kay Angel Locsin, umasa raw siyang totohanan na iyon.

"Bwiset! naka-antabay ako eh," komento ni Angel na may kalakip na laughing with tears emojis.

angel locsin reacts to Jake Cuenca post

Gulat na reaksiyon din ni Bianca Manalo, "Shucks!!!!!!!! Kala ko!!!!!!!"

Continue reading below ↓

bianca manalo reacts to Jake Cuenca post

Ito naman ang komento ni KC Concepcion nang makita ang lambingan video nina Jake at Kylie:

KC concepcion reacts to Jake Cuenca post

Continue reading below ↓

December 2018 nang unang mapabalita ang pagkakamabutihan nina Jake at Kylie habang sila ay magkatrabaho sa ABS-CBN afternoon series na Los Bastardos.

Pero siyam na buwan muna ang lumipas—noong September 19, 2020saka lamang kinumpirma ni Jake na magkasintahan na sila ng beauty queen-turned-actress.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Verzosa on Jake Cuenca joking about proposing to her during their Palawan trip: "No feelings or humans were hurt while filming this video... Jake has been the best boyfriend to me."
PHOTO/S: @juancarloscuenca / @kylieverzosa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results