Angelica Panganiban on how she fell in love with non-showbiz boyfriend Gregg Homan: "Pinursige ako."

by Rachelle Siazon
Feb 28, 2021
Angelica Panganiban on relationship with Gregg Homan: "Parang kalmado lang dumating yung lahat. Hindi binigla, hindi pinilit. Parang nangyari na lang siya. Slowly, parang nag-open up na ulit sarili mo."
PHOTO/S: @iamangelicap Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni Angelica Panganiban na swabeng nabuo ang pagsinta niya para sa non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Bilib daw siya kay Gregg dahil nakapasok ito sa guwardiyado niyang puso.

Kuwento ni Angelica sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Parang naging normal na sa akin na may mataas na wall.

"Kahit noon, pag may ipinapakilala sa akin, hindi ko pinapansin. Pinapakita ko na barkada lang 'to.

"Hanggang sa yun, siguro kapag dumating lang yung tao na, 'Wow, pinursige.'"

Pabirong sabi pa ni Angelica tungkol sa paghanga sa kanya ng nobyo, "Siguro pretty-ng pretty lang kasi sa akin.

"Yun, pinursige ako. E, wala na ako nagawa. Parang, 'Hey, ano ba...'"

Napatawang turan ni Angelica sa sarili, "Wow, ang arte!"

Tinanong ng PEP.ph kung ang tatlong beses na pagkabigo niya sa pag-ibig noon ay naging balakid para siya ay magtiwala at magmahal muli.

Sagot ni Angelica, "Hindi naman nag-hold back. Nag-iingat lang.

Continue reading below ↓

"Wala naman kasing naging pressure. Yun ang naging difference. Parang kalmado lang dumating yung lahat.

"Hindi binigla, hindi pinilit. Parang nangyari na lang siya.

"Slowly, parang nag-open up na ulit sarili mo."

Nakapanayam si Angelica ng PEP.ph at ibang entertainment reporters sa digital conference ng Love or Money, ang pelikula nila ni Coco Martin, noong Sabado ng tanghali, February 27.

ON WANTING TO KEEP THINGS LOW-KEY

Natawa si Angelica nang ipaalala sa kanyang nabuking ang relasyon nila ni Gregg nang maisapubliko ang palitan nila ng sweet messages sa Instagram noong November 2020.

Naghayag noon si Angelica na miss na niya si Gregg, at sumagot naman ang binata na tinawag siyang "Honn."

Dito natukoy na si Gregg ay may-ari ng isang kumpanyang nagdidisenyo, gumagawa, nagbebenta, at nagpaparenta ng boats at water crafts sa Subic.

Hindi raw akalain ni Angelica na maisisiwalat na ang relasyon nila noon.

"Wala naman intensiyon na i-broadcast, di ba? Siyempre dumating na rin ako sa point na kung ano yung private, sana manatiling private na lang.

Continue reading below ↓

"Kasi minsan hindi mo nakikita yung point, e. Minsan mas gumugulo kapag mas marami nakikisawsaw na tao.

"Lalo na hindi naman taga-showbiz yung kasama ko. So, parang gusto mo rin respetuhin yung privacy niya."

GOING PUBLIC ABOUT THEIR RELATIONSHIP

Hanggang sa pagpasok ng Bagong Taon, eksaktong January 1, 2021, kinumpirma ni Angelica na nobyo na niya si Gregg.

Ipinakita ni Angelica ang litrato nila ni Gregg na magkahalikan sa tabing-dagat.

Hindi pa masyadong kita ang mukha noon ni Gregg dahil sa anggulo nila sa litrato.

Pero noong February 5, tuluyang pinangalanan ni Angelica si Gregg kasabay ng pag-post ng bago nilang couple photo.

Gusto lang daw niyang ibahagi sa kanyang mga tagasuporta—na karamay niya sa lungkot at ligaya—na masaya na uli ang kanyang puso.

"Kaya lang, artista ako, so mahirap din naman na ipagdamot yun sa mga tao," sabi ni Angelica.

Dagdag niya, "Sa simpleng bagay na ganun, kahit papaano nai-share ko, naipakita ko sa tao na, 'Huy, si Bakla, masaya na.'"

Continue reading below ↓

ANGELICA'S NON-NEGOTIABLE

Pero blooming man ang kanyang love life, sinabi ni Angelica na hindi mawawala ang natutunan niyang pagpapahalaga sa sarili.

Para sa kanya, maituturing na non-negotiable ang pagnanais na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

"Siguro yung freedom lang na magawa ko yung trabaho ko na malaya ako.

"Hindi ko naman kayang dinidiktahan ako ng ibang tao, at eto lang ang pwede kong gawin.

"Hindi ko kaya masakal sa mga ganung klaseng relationship dahil, di ba, hindi magandang pinuputol mo growth ng isang tao."

Mahalaga raw na tanggap ng nobyo ang kanyang trabaho bilang artista.

"Lalung-lalo na sa trabaho namin, kasi mga artista kami, so kung hindi mo naintindihan, bahala ka.

"Pero ako, bata pa lang ako eto na ginagawa ko. So, eto yung first love ko.

"Siguro yun. Kapag pinatigil ako mag-artista, bahala ka."

Sa kaso nila ni Gregg, supportive daw ito sa kanyang trabaho.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban on relationship with Gregg Homan: "Parang kalmado lang dumating yung lahat. Hindi binigla, hindi pinilit. Parang nangyari na lang siya. Slowly, parang nag-open up na ulit sarili mo."
PHOTO/S: @iamangelicap Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results