Derek Ramsay on how he met girlfriend Ellen Adarna: "Talagang blindside. Talagang it came out of nowhere."

by Arniel C. Serato
Mar 2, 2021
Derek Ramsay Ellen Adarna dinner
Derek Ramsay on girlfriend Ellen Adarna: "Hindi pa kami nagmi-meet ever. Dapat may movie kami dati, hindi natuloy. And we follow each other on Instagram. And then, meron siyang show with John Estrada, and so lumipat siya from Cebu and she lives, like, two streets down from me.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Hindi naging madali sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumbinsihin sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na paaminin sila tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Sa kauna-unahang sit-down interview ng dalawa bilang magkarelasyon, noong February 26, sa mismong bahay ni Derek sa Ayala, Alabang, inilahad nila sa PEP.ph kung paano sila nagkakilala at nagkapalagayang loob.

Ellen Adarna, Derek Ramsay

Continue reading below ↓

Sa simula ay kinumusta muna namin sina Derek, 44, at Ellen, 32.

Sagot ni Derek, “Okay kami, we’re good. Di kami nag-aaway nang matagal.”

Sa unang attempt naming paaminin ang dalawa, isang malutong na halakhak lamang ang sinagot ni Ellen, sabay tanong niya, “Sa tingin mo?”

Sagot namin, “Action speaks louder than words.”

Pagsang-ayon ni Derek, “Totoo yun, that’s true.”

Nang mapansin naming kumportable na sila sa daloy ng usapan, inusisa namin kung paano sila nagtagpo at nagkakilala.

Biro ni Ellen, “Ini-stalk niya ako.”

Sabi naman ni Derek, “Wow, wow, wow.”

Seryosong dagdag ng aktor, “Talagang there’s no plan, e. Talagang blindside. Talagang it came out of nowhere.

“Totoo naman. Hindi ko siya kilala, may common friends kami.”

Pagtatama ni Ellen, “Uy, kilala mo na ako, but we don’t know each other personally.”

Paliwanag ni Derek, “Yeah, hindi, of course kilala kita, Meriam Adarna [Ellen's real name].

“But, hindi pa kami nagmi-meet ever. Dapat may movie kami dati, hindi natuloy.

Continue reading below ↓

“And we follow each other on Instagram.

"And then, meron siyang show with John Estrada, and so lumipat siya from Cebu and she lives, like, two streets down from me.”

THE DINNER HOSTED BY DEREK

Sa pagkakataong ito, ikinuwento ni Derek ang istorya sa likod ng kontobersiyal na dinner party sa kanyang bahay para sa mga kapitbahay niya noong Janruary 11, 2021.

Lahad niya, “'Tapos, tinawagan ako one night ni John Estrada na kung gusto ko daw pumunta sa Shangri-La kung saan sila nagmi-meeting.

“Dumaan ako dun and na-meet ko siya [Ellen]. Na-meet ko si Ruffa [Gutierrez]. Ang sabi ni Ruffa, dito rin siya nakatira sa street mismo.

“Sabi ko, ‘Okay, I’ll throw a dinner for all of us.’

“So, nagpa-dinner ako dito, so yun, dun kami nagkakilala.”

Sa dinner party na iyon pinaniniwalaang nagsimula ang pagkakamabutihan nina Derek at Ellen.

At makalipas ang mahigit isang buwan ay naging opisyal ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on girlfriend Ellen Adarna: "Hindi pa kami nagmi-meet ever. Dapat may movie kami dati, hindi natuloy. And we follow each other on Instagram. And then, meron siyang show with John Estrada, and so lumipat siya from Cebu and she lives, like, two streets down from me.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results