Ellen Adarna on relationship with Derek Ramsay: “One month feels like a year.”

by Arniel C. Serato
Mar 1, 2021
Ellen Adarna Derek Ramsay feels like a year
Ellen Adarna feels uncomfortable answering questions about her relationship with Derek Ramsay: "Oh, my God, hindi ako ready rito."
PHOTO/S: Arniel Serato

Sa exclusive sit-down interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa magkasintahang Ellen Adarna at Derek Ramsay noong Biyernes, February 26, tinanong namin ang dalawa kung sa palagay ba nila ay masyadong mabilis ang pagkakaroon nila ng relasyon.

Noong November 2020 ay napabalita ang breakup ni Derek sa aktres na si Andrea Torres.

January 11, 2021, kumalat sa social media ang cozy pictures nina Ellen at Derek sa dinner party na ginanap sa mismong bahay ng aktor sa Ayala Alabang.

February 26, 2021, inamin nina Ellen at Derek sa PEP.ph na isang buwan na ang kanilang relasyon.

Hindi ba factor sa kanila ang time upang magkainlaban?

Humahalakahak na sagot ni Ellen, “Bakit napunta sa in-love-an?”

Paano sila nag-gel kaagad?

Nagturuan muna ang dalawa kung sino ang sasagot

Dahil hindi pa rin sila sumagot, iniba na lang namin ang aming katanungan.

Inusisa namin si Ellen kung anong mayroon sa Kapuso actor na wala sa iba.

Continue reading below ↓

“Oh, my God, hindi ako ready rito! Out na,” natatawa muling sagot niya sabay tago sa camera.

Kaya si Derek na lang ang inusisa namin ng parehong katanungan.

Seryosong sagot ni Derek, “We just clicked. Talagang magka-vibes, hindi lang kami, friends namin.

“Uhm, yung mga friends niya, laging andito sa bahay, siya kasundo lahat ng mga friends ko.

“Alam mo, we just clicked. Parang ang tagal na naming magkakilala. Ganung levels.”

Nakausap ng PEP.ph sina Derek at Ellen sa bahay ng aktor noong Biyernes.

Ellen Adarna, Derek Ramsay

Continue reading below ↓

“ONE MONTH FEELS LIKE ONE YEAR”

Dagdag pa ni Derek, sa loob ng isang buwan nilang relasyon, marami na silang napuntahang lugar.

Aniya, “Nakapunta na kami sa Batangas, nakapunta na kami sa Caliraya, kung saan-saan na kami nakapunta.

"Not just kami... kasama si Elias, kasama ang friends namin. So…”

Sabat ni Ellen, “One month feels like a year. Parang ganun. Parang ang bilis pero parang ang tagal.”

Si Elias ang two-year-old son niya sa dating partner na si John Lloyd Cruz.

Inseparable ngayon sina Ellen at Derek dahil kung may lakad o trabaho ang isa sa kanila ay parang magkasama rin sila dahil palagi raw silang nag-uusap sa telepono.

Sabi ni Derek, “Actually, pinagtatawanan nga namin yun, e. Yung every day, magkasama kami, yeah.

“'Tapos, pag hindi kami magkasama, parang magkasama din kami dahil lagi kaming nasa telepono.”

Sinang-ayunan ni Derek ang sinabi naming “That’s love.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna feels uncomfortable answering questions about her relationship with Derek Ramsay: "Oh, my God, hindi ako ready rito."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results