Heart Evangelista gets nostalgic; reminisces about time in ABS-CBN

by Bernie V. Franco
Feb 28, 2021
Trip down memory lane. Kapuso actress Heart Evangelista posts numerous videos when she was still a Kapamilya. Before she transferred to GMA-7 in 2008, Heart started her career as a Kapamilya and made a name for herself.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

“Time flies.”

Status ito ni Heart Evangelista, 36, na makikita sa kanyang sunud-sunod na posts sa Instagram Story ngayong Linggo, February 28.

Ngayong huling araw ng Pebrero, ang birth month ni Heart, napakaraming pagbabalik-tanaw ang ginawa niya.

Kabilang sa binalikan ni Heart ay ang mga proyektong ginawa niya sa ABS-CBN, kung saan nagsimula ang kanyang showbiz career.

Kabilang si Heart sa Star Magic Batch 9 na ini-launch noong 2000.

Ka-batch niya sina Janus del Prado, Coco Martin, Rafael Rosell, Alwyn Uytingco, at Angel Locsin.

Nabigyan ng maraming proyekto si Heart at isa sa mga sumikat sa bakuran ng ABS-CBN.

Instagram Story: heart evangelista reminisce ABS-CBN times

Continue reading below ↓

HEART gets NOSTALGIC

Sunud-sunod ang pagbabahagi ni Heart ng video clips noong siya ay isa pang Kapamilya.

Kabilang na rito ang videos niya sa ABS-CBN Sunday musical-variety show na ASAP, kunsaan naging co-host ang aktres sa loob ng maraming taon.

Sa isang video, mapapanood siyang may ipinu-promote.

Caption niya rito: “21 year old meeee… arteeee mmmeeeeee Baby me”

Sa sumunod na video ay nagpapasalamat siya nang ipagdiwang ang birthday sa ASAP. Katabi niya sa stage sina Iya Villania, Sarah Geronimo, Anne Curtis, at Luis Manzano.

Caption ni Heart: “So much videos! So crazy! I think I was 22 here … my parents weren’t talking to me here haha still tried though”

Instagram Story: Heart Evangelista hosting stint in ASAP

Continue reading below ↓

Napa-“Omg!!” naman si Heart nang i-share niya ang video ng kanyang performance sa ASAP kasama sina Anne, Nikki Gil, at Toni Gonzaga.

Pinerform nila ang “Sumayaw, Sumunod” ng VST & Co.

Naikuwento pa ni Heart na hindi sa kanya ang ginamit na dubbed singing voice dahil may pinagdadaanan siyang family problem noong mga panahong iyon.

Pagbabahagi ni Heart: "This wasn’t my voice ! Hahaha I was so so problematic this time that I didn’t even record! Mukha Lang ako happy hahah

“Kaya. Ayan sumayaw nalang ! Hahah look @annecurtissmith”

Instagram Story: Heart Evangelist with Anne Curtis, Toni Gonzaga on ASAP

Continue reading below ↓

At siyempre, maraming videos ding ibinahagi si Heart tungkol sa pagiging long-time video jockey niya sa MYX, ang music channel ng ABS-CBN.

Sa caption, sinabi ni Heart na nami-miss pa rin niya ang kanyang pamilya sa MYX.

Instagram Story: Heart Evangelista as MYX VJ

ON ACTING PROJECTS

Inalala rin ni Heart ang mga acting project niya kasama ang mga former leading men niya gaya nina John Prats at Geoff Eigenmann.

Continue reading below ↓

Ipinost niya ang ilang videos kasama si John.

Ani Heart: "Wow ! Love Team! Baby pa Kami 19 years old”

Kuha raw ang mga eksena mula sa youth-oriented TV series na Berks (2002-2004).

Ipinost din ni Heart ang kanyang pinakaunang soap sa ABS-CBN, ang Hiram (2004), kung saan katambal niya si Geoff.

Ipinagmalaki pa ni Heart na ang teleseryeng ito ay nai-dub sa English at ipinalabas sa ibang bansa.

Instagram Story: Heart Evangelista with ex-loveteam partners John Pratts, Geoff Eigenmann

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng walong taon ay lumipat si Heart sa bakuran ng GMA-7 noong 2008.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trip down memory lane. Kapuso actress Heart Evangelista posts numerous videos when she was still a Kapamilya. Before she transferred to GMA-7 in 2008, Heart started her career as a Kapamilya and made a name for herself.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results