Derek Ramsay to naysayers: "I'll have the last laugh because I know one day I’ll get married."

by Arniel C. Serato
Mar 3, 2021
Derek Ramsay marriage
Derek Ramsay is very proud of girlfriend Ellen Adarna: "Super ano siya, super mom. Sobra. Super, totoo. And super bait niya kay Austin. So, good job.”
PHOTO/S: Arniel Serato

Dahil isang buwan pa lang ang relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, masyado pang maaga para sabihing sila na hanggang sa huli at kung magtatagal ang kanilang relasyon.

Pero para kay Derek, handa na siyang mag-level up mula sa kanyang pagiging bachelor.

Seryosong pag-amin niya, "Yeah, I mean, lahat naman ng tao or marami ang nagsasabi na hindi ko gusto magpakasal. Opinyon nila yun.

"Pero ako, gusto ko. Kaya ilang beses ko na sinasabi na gusto ko, ganun pa rin ang iniisip ng tao.

"Kaya nga sinabi ko, I'll have the last laugh because I know one day I’ll get married. For sure.

"Ayoko lang magpakasal sa tao na hindi pala yun ang tama para sa akin."

Marami ang nag-akalang magpapakasal na noon si Derek nang makarelasyon niya ang dating girlfriends na sina Joanne Villablanca at Andrea Torres.

Pero nauwi nga sa hiwalayan ang relasyon niya sa mga ito.

Continue reading below ↓

Para sa aktor, patuloy pa rin niyang hinahanap ang tamang babae para sa kanya.

Saad niya, "Di ba, ang dami na mga marriages na nangyayari, 'tapos they realized na they are not supposed to be married then separated.

"Ang marriage, di ba, supposed to be, this same infinite thing that walang hiwalayan.

"So, it’s no joke. That’s why I’m taking my time to make sure that I find the right one."

Tinanong din namin si Ellen kung si Derek na ba ang right one for her.

Pero natatawa niyang sagot: "Next question. please."

TERMS OF ENDEARMENT

Sa first and exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Derek at Ellen bilang couple, noong February 26, inusisa namin kung ano ang terms of endearment nila sa isa't isa kasunod ng kanilang pag-amin.

Natatawang banggit ni Derek, 44, "‘Day, 'Day, 'Dong."

Singit ni Ellen, 32, "Anything."

Pagsang-ayon ni Derek, "Anything, yeah."

Naipakilala na rin daw nila ang isa’t isa sa kani-kanilang mga anak: si Ellen kay Austin Ramsay at si Derek kay Elias Modesto.

Continue reading below ↓

Si Austin ay anak ni Derek sa dating asawang si Mary Christine Jolly, at si Elias ay anak ni Ellen sa dating partner na si John Lloyd Cruz.

Ellen Adarna, Derek Ramsay

Hangang-hanga raw si Derek kay Ellen pagdating sa pag-aalaga ng kanyang anak.

Pagpupugay niya sa girlfriend, "Super ano siya, super mom. Sobra. Super, totoo. And super bait niya kay Austin."

Continue reading below ↓

Diretso niyang papuri kay Ellen na nasa tabi niya: "So, good job.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay is very proud of girlfriend Ellen Adarna: "Super ano siya, super mom. Sobra. Super, totoo. And super bait niya kay Austin. So, good job.”
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results