Bea Alonzo on John Lloyd Cruz: "Lahat na nga ata ng klase ng relasyon napagdaanan namin, except magkarelasyon and mag-asawa."

by Rachelle Siazon
Mar 1, 2021
Nasaksihan ang mainit na yakap nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa isa't isa nang magkita sila sa Star Magic Ball noong September 30, 2017. Iyon ang huling media-covered event na dinaluhan ni John Lloyd bago nito pinili ang pribadong buhay. Mid-2019 nang muli sila magkasama ni Bea para sa isang endorsement.
PHOTO/S: CTTO
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

"Lahat na nga ata ng klase ng relasyon napagdaanan namin, except magkarelasyon and mag-asawa."

Ganito inilarawan ni Bea Alonzo, 33, ang lalim ng samahan nila ni John Lloyd Cruz, 37, sa loob ng 19 taon.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong si Bea kung bakit hindi naging sila ni John Lloyd sa kabila ng pagiging malapit nila sa isa't isa.

"Hindi ko rin alam!" natatawang pag-amin ni Bea.

Tila hindi raw itinadhana na pagtagpuin ang landas nila pagdating sa pag-ibig.

Lahad ni Bea: "Feeling ko, malaking bagay ang timing. Laging hindi nagtatama, kasi tuwing may boyfriend ako, may girlfriend siya.

"Every time single kaming dalawa, pareho kaming baliw.

"So, timing."

Hindi raw talaga masabi ni Bea kung hanggang pagiging magkaibigan na nga lang ba sila ni John Lloyd.

Aniya: "Baka hindi lang talaga nakasulat. Baka hindi pa. Hindi natin alam.

"Sa totoo, tinatanong ko rin sa sarili ko iyan."

Continue reading below ↓

Nakabuti naman daw para sa kanila ni John Lloyd na naalagaan nila hindi lang ang kanilang onscreen partnership kundi pati ang relasyon nila sa likod ng camera.

"Pero siguro, kung naging kami at nagkaroon kami ng bad relationship, baka hindi na kami naging magkaibigan.

"Maybe meant na hindi muna or hindi. Hahaha!"

Isang senyales ng magandang pagkakaibigan ng dalawa ay kaya raw nilang maging prangka at mapang-asar sa isa't isa.

Masiglang sabi ni Bea: "Hindi nawawala yun. I think si John Lloyd lang makakaasar sa akin ng karumaldumal, yung malala.

"Siguro yung iba, mahihiya. Yung ibang leading man ko nahihiya sila, e.

"Si John Lloyd lang nakakapang-asar sa akin.

"In the same way na may mga bagay ako na nasasabi na ako lang may kaya magsabi, kasi nga ang haba-haba na ng pinagsamahan namin.

"Hindi mo na madi-discount yung history. Yung 18 to 19 years that we've known each other.

Continue reading below ↓

"Yung iba hindi tumatagal yung marriage ng ganyan kahaba. Kami tumagal kami kahit hindi kami married."

Ang meron lang daw sa kanila ni John Lloyd ay "married onscreen."

Higit isang oras nakapanayam ng Summit Media editors si Bea noong February 11.

Nasundan ito ng dalawang oras na pakikipagkuwentuhan ni Bea sa editorial staff ng PEP.ph.

WHAT BEA KNOWS ABOUT JOHN LLOYD

Dito ibinahagi ni Bea ang lalim ng pinagdaanan nila ni John Lloyd, na naging katambal niya sa walong pelikula at pitong teleserye.

Noong una ay hindi pa nga sila magkasundo dahil malayo raw ang loob at maiksi ang pasensiya ni John Lloyd kay Bea, na noon ay baguhang artista.

Bilang babae, ayaw rin naman daw ni Bea na maunang makipaglapit noon sa aktor.

Pero kinalaunan, nalampasan nila ang personal biases sa isa't isa hanggang sa naging solid ang kanilang pagkakaibigan.

Dire-diretsong lahad ni Bea:

"Naging magkaaway na kami, naging magkaibigan na kami. Naging strangers lang kami kahit magkakilala kami.

Continue reading below ↓

"I know him very well. But there's so much to discover about him.

"Even though I've known him for so many years, every time I see him, lagi ako may bago na nadi-discover.

"Because John Lloyd has a very complex personality. Maraming layers to him."

Nakakatulong daw ang lalim ng personalidad ni John Lloyd pagdating sa kanilang trabaho.

Dagdag ni Bea: "That's what I like about him. He really keeps me on my toes every time magkakatrabaho kami.

"He's such a brilliant actor. Kinakabahan ako.

"And that's a good thing. I like it kapag kinakabahan ako."

ON JOHN LLOYD'S CONTENTMENT IN LIFE

Hindi kaila sa publiko na lumayo si John Lloyd sa mundo ng showbiz nang siya ay magpasa ng "indefinite leave" sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, noong October 6, 2017.

Noong panahong iyon, kasagsagan ng whirlwind romance ni John Lloyd sa kasintahan na si Ellen Adarna. Pero nagkahiwalay rin sila bandang mid-2019.

Continue reading below ↓

Si Bea ang unang nakatrabaho ni John Lloyd nang magtungo sila sa El Nido, Palawan para sa isang endorsement noong mid-2019.

Mula noon ay makailang-beses nakitang magkasama ang dalawa sa loob at labas ng trabaho.

Ang pinakahuli ay noong November 2020, nang dumalo sila bilang surprise guests sa birthday celebration ng kaibigan nilang si Dimples Romana sa Batangas.

Ano ang pagbabagong nakita niya kay John Lloyd?

Sabi ni Bea, "Tutok na tutok na tatay. Talagang he's a very good father to his son. Buong mundo niya umiikot dun sa bata.

"It's another layer of John Lloyd na nadi-discover ko. Fatherhood really changed him.

"Even the way he sees things—mas pasensiyoso siya ngayon, mas kalmado. Iba na siya. Tatay siya. Ang galing."

Hanga rin daw si Bea sa simpleng pamumuhay ngayon ni John Lloyd.

"Kasi ngayon mas simple na yung buhay niya. He doesn't need a lot of material things to make him happy.

Continue reading below ↓

"He just needs his son, a roof over their heads, food on the table. Simpleng tao.

"I like that about him. It's something I'm aspiring to achieve about myself—yung contentment."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasaksihan ang mainit na yakap nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa isa't isa nang magkita sila sa Star Magic Ball noong September 30, 2017. Iyon ang huling media-covered event na dinaluhan ni John Lloyd bago nito pinili ang pribadong buhay. Mid-2019 nang muli sila magkasama ni Bea para sa isang endorsement.
PHOTO/S: CTTO
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results