Derek Ramsay denies live-in rumor with girlfriend Ellen Adarna

by Arniel C. Serato
Mar 5, 2021
Ellen Adarna Derek Ramsay live in rumor
Ellen Adarna on relationship with Derek Ramsay: "We are just enjoying."
PHOTO/S: Arniel Serato

Kahit isang buwan pa lamang ang relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ay madalas nang makita sa bahay ng aktor ang aktres.

Sa exclusive sit-down interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 26, diretsahan naming tinanong sina Derek at Ellen kung nagli-live-in na ba sila o nag-i-sleepover lamang ang aktres sa bahay ng aktor?

"No, hangout!" natatawang sagot ni Derek.

Noong hindi pa sila magkakilala nang personal, crush na ba ni Derek si Ellen?

Diretsong pag-amin ni Derek, "Of course, before pa. I followed her because of her jump rope.

"Ang galing niya mag-jump rope, ang galing niya mag-workout. I find it funny."

Dahil sa workout routine na ito ni Ellen, humanga raw si Derek sa pagiging totoong tao ng aktres dahil kahit pawisan ito ay hindi nahihiyang mag-post sa kanyang Instagram.

Aniya, "So, tunay na tao. Hindi yung itinatago niya yung tunay na pagkatao.

"I like how she is, straightforward. How she is. Wala siyang pakialam. Walang kiyeme-kiyeme. Kaya kami magkasundo."

Continue reading below ↓

Sabat ni Ellen, ganun din daw si Derek.

"He’s the same," maiksing sabi niya.

Derek Ramsay, Ellen Adarna

Dagdag naman ng Kapuso actor, basta wala siyang nasasaktang tao, tuloy lang siya kung ano ang nakagisnan ng publiko sa kanya.

Saad ni Derek, "You’ve known me since how long, wala akong pakialam.

Continue reading below ↓

"Kahit idya-judge ako, gagawin ko pa rin. Uhm, it's my life and you should live your life the way you want to.

"Basta wala kang sinasaktan na tao. I think that’s why we get along so well."

"WE ARE JUST ENJOYING"

Sa parte naman ni Ellen, hindi raw niya type noon si Derek. Nasabi na rin daw niya ito sa aktor.

"Hindi ko siya type dati sa pictures. Hindi talaga."

"Yeah! 'Tapos nung nakita ko siya..." sabi ni Ellen, na nakamuwestra na parang natulala.

"Sabi ko kay Jessa, 'Okay lang naman si Derek.'"

Si Jessa ang yaya ng anak ni Ellen na si Elias Modesto.

Sumabat naman si Derek sa usapan.

"Actually, totoo yun, ha. Pinuntahan ko sila sa Shangri-La, sabi ko, 'Hi.' Sabi niya..." nagmuwestra rin ang aktor na mukhang natulala.

"Palakad siya 'tapos biglang tumingin," muwestra ulit ni Derek na na nakatulala."

Ayon naman kay Ellen, "Pero hindi ko in-expect na guwapo pala siya. Shit."

Continue reading below ↓

Ano na ang plano nila ngayon?

"We are just enjoying," maiksi ngunit may kilig na sagot ni Ellen.

February 26, 2021 umamin sina Derek at Ellen na isang buwan na ang kanilang relasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna on relationship with Derek Ramsay: "We are just enjoying."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results