Derek Ramsay reacts to “Andrea left the group” comment on IG post about him, girlfriend Ellen Adarna

by Bernie V. Franco
Mar 1, 2021
Ellen Adarna and Derek Ramsay finally end speculation after admitting that they are already a couple. Meanwhile, bashers continue to criticize their relationship and even drag into the equation Derek's former girlfriend, Andrea Torres (right).
PHOTO/S: @ramsayderek07 and @andreaetorres on Instagram

Tinapos na nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang mga espekulasyon matapos nilang amining magkarelasyon nga sila.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Derek at Ellen noong Biyernes, February 26, inamin ng dalawa na isang buwan na ang kanilang relasyon.

Pero hindi pa rin natatapos ang batikos na natatanggap ng showbiz couple mula sa kanilang mga kritiko.

Kung sisilipin ang kanilang Instagram accounts, bagamat may mga netizen na supportive sa pagmamahalan ng dalawa, naglipana rin ang kanilang bashers.

Gayunpaman, hindi maiwasang umalma nina Derek at Ellen kapag sumosobra na ang pamba-bash na nakukuha nila.

Halimbawa, sa kani-kanilang Instagram account, ipinost ng magkasintahan nitong weekend ang kanilang video review ng isang toothbrush speaker system.

Maraming netizens ang kinilig sa pag-uusap at tuksuhan nina Ellen at Derek na nasa banyo.

“Wanna try it, Love?” paghihimok pa ni Derek sa nobya para gamitin ang toothbrush.

Sa comments section, marami ang nagsabing kinilig sila at bagay raw ang dalawa.

Continue reading below ↓

Pero may isang female netizen ang nagkomento na nakuha ang atensiyon ni Derek.

Binanggit nito ang ex-girlfriend ni Derek—ang Kapuso actress na si Andrea Torres.

Sabi ng netizen, “Andrea left the group,” kalakip ang ilang laughing with tears emoji.

Pero hindi natawa si Derek sa biro ng netizen.

Pakiusap ng aktor sa netizen: “don’t be like that pls”

Instagram Comment: Derek Ramsay reacts to

Continue reading below ↓

Si Andrea ang huling naging girlfriend ni Derek bago si Ellen.

Kinumpirma nina Derek at Andrea ang kanilang paghihiwalay noong November 2020, matapos ang isang taong relasyon.

ELLEN FIGHTS BACK

Samantala, ipinost din ni Ellen ang parehong video sa kanyang Instagram account.

Sa comments section, tinuran ni Ellen ang panlalait ng bashers sa relasyon nila ni Derek.

Komento ng isa niyang supporter sa wikang Bisaya: “Patay najud dai ang mga ma S ani hahaha” (Patay na talaga, dai, ang mga ma S ani hahaha).

Tila ang tinutukoy na “S” dito ng netizen ay ang mga naiinggit o kritiko.

Palaban ang reply ni Ellen.

Sagot niya sa netizen na nasa wikang Bisaya rin: “ako man nuon ilang suwayan na nya ig check sa ilang accounts, shet ka batig nawng. Nawng palang daan di na angay seriousoon loooool”

(Ako pa ang gusto nilang hamunin, ‘tapos pag-i-check ang mga accounts nila, shit ang papangit ng mukha. Mukha pa lang, hindi na bagay na seryosohin looooool)

Continue reading below ↓

Hindi rin pinalampas ni Ellen ang negative comment kaugnay ng pagsasama nila ni Derek.

Tinawag ng netizen na "FB (Fubu) toy" ni Ellen si Derek.

Ibinalik ni Ellen ang below-the-belt comment netizen.

Sagot ng aktres, “because… if someone were to FB a face like yours, kennot. Kennot even toy it.”

Netizen calls Ellen Adarna Fubu Toy; Ellen defends herself

Continue reading below ↓

CELEBS, NETIZENS SHIP DEREK-ELLEN

Pero hindi lahat ay kontra sa relasyong Derek-Ellen.

Marami rin ang supportive sa relasyon nila kagaya ng mga celebrity na sina Ria Atayde, Yam Concepcion, Jackie Forster, Nikka Garcia, at Ruffa Gutierrez.

Ang ibang netizens, kinilig pa sa pag-uusap nila sa video.

Narito ang ilang pabor sa Derek-Ellen relationship:

Nikka Garcia supports Ellen-Derek relationship

Continue reading below ↓

jackie forster, ria atayde, yam concepcion support Ellen-Derek relationship

netizens show support to ellen and derek

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna and Derek Ramsay finally end speculation after admitting that they are already a couple. Meanwhile, bashers continue to criticize their relationship and even drag into the equation Derek's former girlfriend, Andrea Torres (right).
PHOTO/S: @ramsayderek07 and @andreaetorres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results