Derek Ramsay, Ellen Adarna answer this question: What is love?

by Arniel C. Serato
Mar 6, 2021
Derek Ramsay Ellen Adarna definition of love
Derek Ramsay when asked if girlfriend Ellen Adarna is his true love: "Yeah, that’s the thing. You can love, but if you find true love, you know, it’s there, sapul, pak."
PHOTO/S: Arniel Serato

Kahit tila ikinabigla ng publiko ang biglang pag-amin nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na isang buwan na ang kanilang relasyon, marami pa rin ang sumusubaybay sa kanilang aktibidad sa social media.

Inaabangan ng netizens ang mga post nila sa Instagram ngayong nag-level up na ang kanilang relasyon—from neighbors to lovers.

Sa kauna-unahang sit-down interview nina Derek at Ellen bilang magkasintahan noong February 26, 2021, naging bukas sila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang nararamdaman nila ngayon.

Ano ang pakahulugan nila sa salitang "love" sa ngayon?

Tugon ng 44-year-old Kapuso actor, "It's definitely not what the bashers say love is.

"Love is supposed to be complicated, love is supposed to be confusing.

"Get, get, get to find the thing you can actually find on love is. You just feel it.

"And if you find true love now, that I learn now. Yan, that I like."

Masasabi niyang "true love" na niya si Ellen ngayon?

Continue reading below ↓

Sagot ni Derek, "Yeah, that’s the thing. You can love, but if you find true love, you know, it’s there, sapul, pak."

Ano naman ang "love" para kay Ellen?

Natawa at tila nag-isip muna si Ellen.

Sagot niya makalipas ang ilang sandali, "Shit, ano ba? It’s the most powerful thing. Yun na yun."

DEREK DOES NOT WANT TO COMPARE HIS EXES TO ELLEN

Kasunod naming inusisa kay Derek ang opinyon niya dahil may mga taong hinuhusgahan siya sa ngayon.

Saad niya, "Wow, alam niyo, sige, gusto niyo i-compare ang relationships ko sa lahat ng ibang [nakarelasyon ko], bilangin niyo ilan ang akin?"

Sinabihan namin siyang parang tatlo lang ang hayag na naging relasyon niya sa showbiz.

Sabi niya, "It's like every relationship is like... 'Andami niyang babae,' o ilang years yung mga relationships ko?"

Matagal ang mga relasyon ni Derek.

Anim na taon silang magkarelasyon ni Angelica Panganiban, halos limang taon sila ni Joanne Villablanca, at halos dalawang taon naman sila ni Andrea Torres.

Continue reading below ↓

Aniya, "O. That’s why people don’t think, time to actually think, about this before opening their mouth."

Sa ngayon, lagpas isang buwan na ang relasyon nina Derek at Ellen.

Nais daw muna nilang i-enjoy ang kanilang relasyon bago pa magplanong iangat sa panibagong yugto ang kanilang samahan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay when asked if girlfriend Ellen Adarna is his true love: "Yeah, that’s the thing. You can love, but if you find true love, you know, it’s there, sapul, pak."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results