JC Santos speaks about how he married the woman who turned him down in high school

by Rachelle Siazon
Mar 2, 2021
JC Santos on his cute love story with wife Shy Herrera: "Yung crush mo 'tapos may crush na rin sa iyo, may gusto na sa iyo. Iba yun, e. Ang sarap!"
PHOTO/S: @j.c.santos Instagram

Right timing ang naging susi para makatuluyan ni JC Santos ang babaeng pinangarap niya noong siya ay high school student sa kanyang hometown sa Pampanga.

Napangasawa ni JC ang kanyang schoolmate noong high school na si Shyleena Herrera, o may palayaw na Shy.

Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), ikinuwento ni JC na una niyang nakilala si Shy nang magkasama sila sa isang organization event sa school.

Nabighani raw agad siya sa dalaga.

Balik-tanaw ni JC: "Oo, gusto ko siya. Ganyan na siya kaganda fifteen years ago pa.

"Sobrang bait kasi ni Shy, e. Siya yung girlfriend-material.

"Trinay ko ligawan. 'Tapos nabasted ako. Hahaha!"

Napakapanayam ng PEP.ph si JC nang i-promote niya sa PEP Exclusives ang pelikula nila ni Janine Gutierrez na Dito at Doon na ipapalabas sa March 16.

JC Santos with wife Shy Herrera

Continue reading below ↓

JC Santos and wife Shy

15 YEARS APART, JC'S ENTRY TO SHOWBIZ

Kuwento pa ni JC, pansamantalang nawalay ang landas nila ni Shy nang magkolehiyo siya sa University of the Philippines sa Diliman.

High school pa lang si JC ay aktibo na siya sa plays sa school niya sa Pampanga, kunsaan nadiskubre siya ng yumaong respetadong aktor na si Tony Mabesa.

Si Tony ay founding director ng Dulaang U.P., at doon nahinang ni JC ang kanyang pagmamahal sa pag-arte.

Lumipas pa ang mga taon at sumabak na sa pag-aartista si JC noong 2013.

Nagsimula siyang makilala nang maging bahagi ng defunct Kapamilya prime-time series na Till I Met You noong 2016.

JC Santos, Shy Herrera with baby river

Continue reading below ↓

JC MEETS SHY AGAIN

Hanggang sa noong September 2019, napabalitang mayroon siyang kasintahan na isang chef at schoolmate niya noong high school.

Noong panahong iyon ay hindi pa isinapubliko ni JC na noong buwang iyon ay ikinasal sila at magkakaroon na sila ng anak.

Balik sa present time, tinanong ng PEP.ph kung paano muling nagkrus ang landas nila ni Shy.

Lahad ni JC: "Nag-decide ako magpatayo ng bahay dito sa Pampanga.

"Naghahanap ako ng community na pwede makasama, makatambay.

"Isa sa mga napuntahan ko sa Instagram, may nag-comment sa akin, actually, 'tapos parang tinag siya. Sa isip ko, 'Kilala ko ito ha! Si Shy.'"

Dala ang alaala ng pagkagusto niya noon kay Shy, binisita agad ni JC ang dalaga.

"Pinuntahan ko siya sa Lubao, Pampanga. May restaurant siyang sarili," ani JC.

Sa pagkakataong ito ay napaibig na ni JC si Shy.

Sabi ni JC sa PEP.ph: "Kinilig ako nang severe! Hahaha!

Continue reading below ↓

"Yung crush mo 'tapos may crush na rin sa iyo, may gusto na sa iyo. Iba yun, e. Ang sarap!"

Dagdag niya, "Date, travel, in love. Ayun, hindi ko na pinakawalan."

JC Santos with wife Shy and baby river

JC AND SHY GET MARRIED

Ikinasal sina JC at Shy noong September 2019.

Kinumpirma ito ni JC sa publiko noong January 2020.

Continue reading below ↓

Ipinanganak ni Shy ang kanilang cute baby girl na si River noong February 2020.

Sa ngayon, nasa stage raw silang ine-enjoy ang pagbuo ng kanilang pamilya.

Kuwento pa ni JC sa PEP.ph: "Nasa building stage kami ngayon. Nagpapaayos kami ng bahay, building our team, being a parent, paano kami as husband and wife.

"Inuuna namin yung communicating well. We're very honest with each other, we say what we feel."

Masaya si JC dahil nasubaybayan daw niya ang bawat milestone ni Baby River dahil napirmi siya sa bahay dala ng pandemya.

Proud daddy na lahad niya: "Nakita naming dalawa ni Shy lahat ng first time ng baby.

"First time tumingin sa amin, first time niya nag-smile, first time niya tumayo, first time niya mag-trust sa iyo, first time nag-ask mag-carry.

"So I'm glad nandiyan ako. Nakita ko lahat yun.

"Sana forever ako maging nandiyan para sa kanya, para sa kanila ni Shy."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC Santos on his cute love story with wife Shy Herrera: "Yung crush mo 'tapos may crush na rin sa iyo, may gusto na sa iyo. Iba yun, e. Ang sarap!"
PHOTO/S: @j.c.santos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results