“John Lloyd Cruz” chooses to be happy amid Ellen Adarna-Derek Ramsay confirmed relationship

by Arniel C. Serato
Mar 1, 2021
John Lloyd Cruz Facebook status
John Lloyd Cruz looks younger in his new clean cut hair!
PHOTO/S: Courtesy: John Lloyd Cruz on Facebook

Nagpagupit na si John Lloyd Cruz mula sa kanyang mahabang curly hair.

Litaw na muli ang kaguwapuhan ng aktor sa larawang ipinost sa kanyang official Facebook fan page ngayong Lunes ng hapon, March 1.

Caption sa post: “Choose to be happy.”

Ikinatuwa ng mga tagahanga ni John Lloyd ang panunumbalik ng kaguwapuhan na nagpakilig sa maraming fans.

Continue reading below ↓

Facebook comments: JLC fans shower support to the actor

Sa kanyang Facebook Stories, ipinakita rin ang behind the scenes sa shooting ng bagong pelikula ni John Lloyd na Servando Magdamag ni Lav Diaz.

Hudyat itong tuluy-tuloy na ang showbiz comeback ng aktor.

John Lloyd Cruz in Servando Magdamag taping

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD cruz-ELLEN ADARNA BREAKUP

Nagkamabutihan sina John Lloyd at Ellen sa set ng ABS-CBN sitcom na pinagbibidahan ng aktor, ang Home Sweetie Home.

Pa-guest-guest lang si Ellen sa show pero mukhang nagkainlaban sila roon.

September 2017, naging viral sa social media ang posts ng dalawa tungkol sa Bantayan Island escapade nila sa Cebu.

Sa nasabing Cebu getaway, kitang-kita sa mga larawan at videos na nai-upload sa Instagram ang sweetness ng dalawa.

Doon din tinawag na “Baby” ni John Lloyd si Ellen.

Pero hindi nakaganda sa imahe ni John Lloyd noon ang viral photos and videos kung saan makikitang lasing na lasing siya, naglalaro ng kutsilyo, at nagpa-picture katabi ng tangke ng gasul.

Pagkatapos ng ilang linggo ay nag-indefinite leave ang aktor sa showbiz.

November 2017, eksklusibong lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagbubuntis ni Ellen.

June 2018, isinilang ni Ellen ang panganay nila ni John Lloyd na si Elias Modesto.

Continue reading below ↓

August 2019, pumutok ang balitang naghiwalay na ang dalawa.

Pagkalipas ng halos dalawang taon, nananatiling single si John Lloyd.

Samantala, inamin nina Ellen at Derek sa PEP.ph na isang buwan na silang magkarelasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz looks younger in his new clean cut hair!
PHOTO/S: Courtesy: John Lloyd Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results