Geneva Cruz replies to “matanda na” comment on her beach photo

by Arniel C. Serato
Mar 2, 2021
Geneva Cruz matanda na
Geneva Cruz: "I’m 44 years old, but deep inside, I feel younger than those digits. Age is only a number, and you know why I look more youthful than my age? Because I choose to only wish my fellow people love and support."
PHOTO/S: Courtesy: Geneva Cruz on Facebook

Hindi pinalusot ni Geneva Cruz ang isang netizen na tinawag siyang "matanda na."

Nitong nakaraang weekend, nagbakasyon si Geneva kasama ang anak at ilang kaibigan sa Boracay.

February 26, Biyernes, nag-post ang singer-actress sa kanyang verified Facebook account ng swimsuit photo niya habang nasa buhanginan ng pinakatanyag na isla sa bansa.

Mensahe ni Geneva sa caption: “I was smiling yesterday, I am smiling today, and I will smile tomorrow simply because life is too short to cry for anything.
~ Somebody Smart”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng positibong mensahe ni Geneva sa kanyang post, isang basher ang nagkomento rito.

Walang modong komento ng basher: “Wala na. Matanda na.”

Hindi ito pinalampas ng 44-year-old singer-actress na dating miyembro ng singing group na Smokey Mountain.

Buwelta ni Geneva sa basher: “Mas matanda ka. Lakas mo makatanda diyan! LMAO (laughing my ass off) Matanda ka na naiinggit ka pa.

“Umayos ka nga po. Be nice to people.”

Marahil ay tiningnan ni Geneva ang profile ng basher kaya nalaman nitong mas matanda ito sa kanya.

Facebook comment: basher calls Geneva old, Geneva hits back

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang netizen naman ang nagkomento upang suportahan ang singer-actress: “Ingit lng sau idol kasi kahit 40plus kana byuti padin”

Tugon ni Geneva: “Lakas nya makatanda! Mas matanda pala sya. Di ko gets pang-lalait nya.”

Facebook comment: netizen defends Geneva; Geneva reacts

“OLD? JUST BECAUSE I’M IN MY 40S?”

Nagpasintabi naman si Geneva sa kanyang mga tagasuporta tungkol sa pagsagot niya sa panlalait ng basher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw niya intensiyong ilagay sa hot seat ang basher, pero kailangan daw niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Mensahe ni Geneva, “minsan lang kasi napakadaling maging rude sa social media kasi hindi naman natin nakikita ang tao ng personal.

“We can even change our appearances and pretend to be someone else maka-sakit lang tayo ng kapwa natin. Sana lang, if you think saying something rude to someone makes you happy, make sure walang maibabato sa inyo... kasi hindi ko talaga maintindihan how someone who’s older than me can say that I’m old."

Umalma rin si Geneva sa pagtawag sa kanyang "matanda na" dahil lamang nasa 40s na siya.

Saad niya, “Old? Just because I’m in my 40s, I’m old, na? Eh before nga nasabihan ako na wag na ko kumanta because I’m old na? Eh, performing is my livelihood; it’s how I support myself, my children, and my family... so excuse me lang if nagsasalita ako kung kinakailangan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw ikinakahiya ni Geneva na lagpas kuwarenta na siya, pero feeling daw niya ay mas bata ang pakiramdam niya kumpara sa edad niya.

Saad niya, “I’m 44 years old, but deep inside, I feel younger than those digits. Age is only a number, and you know why I look more youthful than my age? Because I choose to only wish my fellow people love and support....when someone needs uplifting; I’m all for it....I will remind that person that he or she is special. Life is too short to be remembered as someone rude and arrogant.

“Take care, everyone. Hayaan na natin sya. I don’t think alam nya ang sinasabi nya, and I only wish him and his beautiful family well. If you’re irritated with me, don’t follow me.

“Godspeed.”

Facebook Post: Geneva Cruz reaction to basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Geneva Cruz: "I’m 44 years old, but deep inside, I feel younger than those digits. Age is only a number, and you know why I look more youthful than my age? Because I choose to only wish my fellow people love and support."
PHOTO/S: Courtesy: Geneva Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results