Claudine Barretto says Jodi Sta. Maria did not “nagpasintabi”; Jodi posts cryptic message

by Bernie V. Franco
Mar 2, 2021
Claudine Barretto (left) irked that Jodi Sta. Maria (right) did not inform her about Raymart Santiago courting her: “Hindi siya nagpasintabi. Pero in real life, in truth, yun ang dapat niyang ginawa, di ba?" Raymart and Jodi revealed last year that they are an item.
PHOTO/S: @pornstar_roviel and @jodistamaria on Instagram

Idinetalye ni Claudine Barretto ang sama ng loob niya sa estranged husband na si Raymart Santiago at kay Jodi Sta. Maria.

Noong September 2020, naisapubliko ang espesyal na namamagitan kina Jodi at Raymart matapos mag-leak ang paparazzi photos nila na nagyayakapan sa isang private place sa Alabang.

Sa kabila nito, matipid ang showbiz couple tungkol sa kanilang relasyon.

Pagsapit ng January, 25, 2021, nabanggit ni Claudine sa isang presscon ang sama ng loob niya kina Jodi at Raymart.

Hindi raw kasi tinupad nina Raymart at Jodi ang hiling ni Claudine na may kinalaman sa dalawang anak nila ng aktor—sina Sabina, 16, at Santino, 13.

Pero hindi idinetalye noon ni Claudine kung ano ito.

CLAUDINE ON JODI: "hindi ka nagsabi man lang?"

Sa kanyang virtual interview kay Rey Pumaloy sa “Abantelliling” ng Abante noong February 24, idinetalye ni Claudine kung ano ang sama ng loob niya sa dalawa.

Ayon kay Claudine, hiniling niya kina Jodi at Raymart na abisuhan siya kapag lalantad na sila tungkol sa kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Ito ay para raw maipaalam ni Claudine sa mga anak nila ni Raymart ang tungkol dito at hindi sa iba pa malaman ng mga ito.

Hindi raw ito nangyari, at ito ang ikinasama ng loob ni Claudine.

Sa interview, tinanong ni Rey si Claudine kung itinuturing pa rin ba niyang kaibigan si Jodi sa kabila ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

Sinimulan ni Claudine ang kanyang kuwento sa pagsasabing nainis siya kay Jodi dahil hindi raw ito nagpasintabi sa panliligaw ni Raymart.

Ayon kay Claudine, on speaking terms pa sila noon ni Raymart nang malaman niyang nililigawan ng estranged husband si Jodi.

Lahad niya, “Nung nalaman ko si Jodi yung nililigawan niya, si Raymart mismo, nag-usap kami.

“Nagtutuksuhan kami, ‘Mag-boyfriend ka na. Mag-girlfriend ka na,’ ganun.

“Kasi nag-break na sila ng unang girlfriend niya.

"Nung una, okay lang, okay lang sa akin.

“Although may part sa akin na naiinis, kasi parang, bakit hindi ka nagpasintabi?

Continue reading below ↓

“Not for anything. Doon yung kay Jodi, parang, hindi ka nagsabi man lang?”

Dinamdam daw ito ni Claudine dahil “sobrang close” daw sila ni Jodi.

Ikinuwento ni Claudine kung paano nabuo ang closeness nila ng kapwa aktres.

“Alam mo kung gaano kami ka-close? Na pinili ko talaga siya, nagmakaawa ako kay Direk Wenn, sa ABS, na kunin siya for Walang Kapalit dahil kailangang-kailangan daw niya.

"So, ginawa ko iyon."

Ang Walang Kapalit ay ang 2007 Kapamilya prime-time series na pinagbidahan nina Claudine, Jodi, at Piolo Pascual mula sa direksiyon ng yumaong si Wenn Deramas.

Nagkasama rin daw sina Claudine at Jodi sa isang out-of-the-country trip noon.

Hindi lang isang kaibigan, kundi kapatid daw ang turing ni Claudine kay Jodi.

“Ang weird pa niyan, nung nasa Australia kami, siya at ako ang bumibili ng pregnancy tests ko, isa pa iyon.

“’Tapos ang ikinasasama ng loob ko was binigyan ko pa siya ng surprise party, na malaking surprise party.

Continue reading below ↓

“So, I could say talagang she’s a friend, she’s my baby sister, love ko siya," ani Claudine tungkol kay Jodi.

Pabor din daw si Claudine nang malaman niyang nililigawan ni Raymart si Jodi.

“Anyway, tungkol kay Raymart naman, at least kilala ko si Jodi.

“So, si Jodi ang kinausap ko, kasi kami ni Raymart, pag nag-usap, nag-aaway kami agad.”

Tugma ito sa pahayag ni Claudine noong January 25 na kinuha niya ang phone number ni Jodi kay Raymart para tawagan.

Sa pagpapatuloy ni Claudine, pinaratangan niya ang kampo nina Jodi at Raymart na pinapalabas daw ng mga itong nagpasintabi sila at inaway umano ni Claudine si Jodi.

Kinastigo uli ni Claudine si Jodi dahil hindi ito nagsabing nililigawan na siya ni Raymart.

Diin ni Claudine, “Hindi siya nagpasintabi. Pero in real life, in truth, yun ang dapat niyang ginawa, di ba?

“’Ate, ano, nanliligaw sa akin si Raymart, medyo gusto ko siya.’ Okay rin. Okay.

Continue reading below ↓

“Hindi yung ako pa yung tatawag, ‘Jodi, ano, yung mga bata, ganyan, ganyan, ganyan. Di ba?'”

Hirit ni Claudine, “So ako, I cannot consider her a friend.”

CLAUDINE SAYS JODI, RAYMART DID NOT KEEP THEIR PROMISE

Sa puntong iyon, ibinahagi ni Claudine na sumama ang loob niya nang maisapubliko ang relasyon nina Raymart at Jodi at hindi siya nasabihan.

"Meron silang ginawa na sobrang sakit talaga," sabi ni Claudine.

“Yung lumabas yung mga pictures talaga. Sobrang sakit para kay Sabina, lalo yun. Talagang nag-iiyak siya.

"At yun ang hiningi ko sa kanila, na kapag sila na, although hindi naman nila responsibilidad na sabihin sa akin.

“Pero responsibilidad ko yung mga anak ko.”

Ikinuwento ni Claudine kung paano niya pinakiusapan sina Jodi at Raymart.

“Usapan namin ganito, 'na kapag kayo na at mag-a-out na kayo, i-heads up niyo ako kaagad so that I can tell the kids.'

“Kasi ano sasabihin nila sa mga bata, ‘O, may second… eto na, second ganoon ng Papa mo.’ Di ba?

Continue reading below ↓

“So, yun, si Jodi ang kinausap ko, knowing siya yung mas nakakaintindi sa akin kesa kay Raymart.

“So, yun, tinawagan ko siya.”

Pero hindi nga raw ito natupad nina Jodi at Raymart.

Nang lumabas ang balitang may ugnayan na sina Jodi at Raymart, nakipag-ugnayan daw agad si Claudine kay Jodi.

Sa ulat ng PEP Troika noong September 2020, binanggit na pribado ang event ng pagkikita nina Jodi at Raymart.

Pero mayroong nag-leak ng larawan ng dalawa, sa kabila ng pagkakaroon ng kasunduang confidentiality sa venue.

“Ang nangyari diyan, tumawag ako nung lumabas ang mga photos nila,” ani Claudine.

“Tinawagan ko si Jodi, 'tapos after a few hours, tumawag na siya back.

“And then, tinawagan ko rin si Raymart after talking to Jodi.

“Sinabi ko na, ‘Alam mo, Jodi, isa lang ang hiniling ko sa inyo. Na sabihin niyo sa akin para maabisuhan ko yung mga anak ko.’

“Kasi, sinabi ko na na mangyayayari ito. Artista kasi kayo.’”

Continue reading below ↓

Hindi raw ito kagaya ng naunang girlfriend ni Raymart na isang private individual.

Dugtong ni Claudine, “Ito yung iniiwasan ko. May mga lumabas na pictures na makita ng mga anak mo bago mo sinabi, bago niyo sinabi sa amin.”

Ikinais din daw ni Claudine na nalaman niyang inupo umano nina Jodi at Raymart si Thirdy, ang 15 anyos na anak ni Jodi, at ipinaalam ang tungkol sa kanilang relasyon.

Si Thirdy ay anak ni Jodi sa estranged husband na si Pampi Lacson.

Himutok ni Claudine, “Parang ang bastos niyo, di ba? Nakalimutan niyo yung mga anak ko, di ba?

“So, yun ang feeling ko.

“Sabi ko, hindi sa sinisisi ko si Jodi, pero part of me, oo.

“So knowing that, ‘O, sige, you know, may respeto pa sa akin si Jodi,’ when in fact wala talaga.

“'Yon yung ikinapikon ko. Inupo niya yung anak niya. Yung mga anak ko, kawawa.

Continue reading below ↓

“Hindi niyo sinabi, ‘tapos makikita mo yung anak mo tumatakbo, ‘Mom, tingnan mo the notification in my ano, is all about dad and Jodi, his new girlfriend.”

Humingi naman daw ng paumanhin sa kanya sina Jodi at Raymart.

“So, sorry naman sila nang sorry sa akin sa phone.

“Sabi ko, 'Isa lang ang hiniling ko, e, hindi niyo binigay.'”

Ayon kay Claudine, may tampo raw ngayon ang mga anak niya kay Raymart.

Pahayag pa ni Claudine, “Sana yung kampo ng kabila, nina Jodi at Raymart, sana tumahimik na sila. Sana huwag na nilang baguhin.”

Giit ni Claudine, ang kuwento raw niya ang “totoong kuwento.”

“Huwag na silang gumawa ng kwento na nanggugulo. Hindi ako nanggugulo. Lumalayo nga ako, e.”

Hangad daw niyang sana masaya ang relasyon nina Jodi at Raymart. Pero idiniin ni Claudine ang sama ng loob na hindi raw nila tinupad ang hiling niyang abusihan siya sa pag-amin nila.

Continue reading below ↓

Taliwas naman sa pahayag ni Claudine, pinananatiling tahimik nina Jodi at Raymart ang kanilang pagkakamabutihan.

Wala pa ring lumalabas na pahayag sina Raymart at Jodi tungkol sa paratang ni Claudine na sinasabi raw ng kampo ni Jodi na nagpasintabi siya kay Claudine, at inaaway umano siya ni Claudine.

Nang makapanayam ng PEP Troika si Raymart noong Setyembre, matipid ang sagot ni Raymart nang usisain tungkol sa relasyon nila ni Jodi.

Sa pahayag ni Raymart, mahihinuhang nais niyang maging pribado ang aspetong ito ng kanyang buhay.

Matipid na sagot ni Raymart, “Hindi naman kami KathNiel o LizQuen. Kung ano man yung inilabas niyo, yun na ‘yon. Masaya lang lahat.”

JODI’S CRYPTIC POSTS, RAYMART POSTS ABOUT BEING POSITIVE

Sa gitna ng isyung tungkol sa interview ni Claudine, wala pang inilalabas na pahayag sina Jodi at Raymart.

Pero may makahulugang posts ang dalawa.

Kahapon, March 1, ni-repost ni Jodi sa Instagram Story ang quote ng isang kaibigan.

Continue reading below ↓

Quote ito na dapat daw nagtutulungan ang mga babae at hindi nagsisiraan.

Sabi sa quote: “Be the woman who fixes another woman’s crown without telling the world it was crooked.”

Instagram Story: Jodi Sta. Maria reposts photo on quote about women helping women

May post din si Jodi sa Instagram kahapon tungkol naman sa pag-focus sa mga makabuluhang bagay sa buhay, at hindi sa mga bagay na hindi makabubuti.

Continue reading below ↓

Ipinost ni Jodi ang kanyang larawan katabi ang dalawang ATVs. Kuha ito sa Rizal Province.

Caption ni Jodi: “We only have so much time and energy.

“Are you focusing on the majors of life?

“Focusing on the things that matter is a good way to fight against unnecessary noise and distraction.

Dagdag pa ng aktres, pagtuunan ng pansin kung ano ang makabuluhan sa buhay at “choose your battles.”

“Tomorrow is never guaranteed. Make life worth living.

“Choose your battles. Laugh always.

“Love hard. Show compassion and appreciation.

“Be grateful. Travel to feed your soul.

“Pray often… What are your majors?”

Instagram Post: Jodi Sta. Maria travel photo

Continue reading below ↓

Positibo rin ang Instagram post ni Raymart kahapon.

Ipinost niya ang kanyang selfie na nasisinagan ng liwanag.

Caption ni Raymart: “A smiling face is a beautiful face. A smiling heart is a happy heart.”

Instagram Post: Raymart Santiago selfie

Nagpadala ang PEP.ph ng direct message kay Jodi upang kunin ang kanyang pahayag hinggil sa mga pahayag ni Claudine. Hindi pa kami nakakatanggap ng sagot.

Continue reading below ↓

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig nina Jodi at Raymart tungkol sa isyung ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (left) irked that Jodi Sta. Maria (right) did not inform her about Raymart Santiago courting her: “Hindi siya nagpasintabi. Pero in real life, in truth, yun ang dapat niyang ginawa, di ba?" Raymart and Jodi revealed last year that they are an item.
PHOTO/S: @pornstar_roviel and @jodistamaria on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results