JC de Vera reveals he married Rikkah Cruz in 2018

by Arniel C. Serato
Mar 2, 2021
JC de Vera Rikkah Cruz marriage
JC de Vera and wife Rikkah Cruz-de Vera are now preparing for their church wedding this year: "Kailangan yung church, hindi ko talaga siya totally nada-digest na hanggang dun lang kami sa civil wedding."
PHOTO/S: Courtesy: @akosijcdeberat on Instagram

Inamin ni JC de Vera, 34, na magtatatlong taon na silang kasal ni Rikkah Cruz-de Vera, 26.

Sa vlog ni Erich Gonzales na inilabas noong Linggo, February 28, nagkuwento si JC sa co-star niya sa La Vida Lena tungkol sa kanyang buhay may asawa.

Inusisa muna ni Erich si JC kung paano nito na-maintain ang privacy nila ng kanyang pamilya.

Sabi ng aktor, “Well, hindi ko sinasabi lahat sa social media.

“I’m trying my best not to live a double life. Pinu-post ko lang kung ano yung sa tingin kong makaka-inspire, yung makaka-spread ng positivtity.

“Pero hindi ko siya ginagamit as platform to tell everything about me.”

Napansin ni Erich na ilang beses ginamit ni JC ang salitang “wife” patungkol sa partner na si Rikkah.

Parang nagulat na natanong ni Erich kay JC: “Wife? Kasal na kayo?”

Diretso rin namang inamin ito ng aktor.

Tugon niya, “Yes. civil.

“Oo, last year pa. Ay, hindi last year... last, last. Basta bago lumabas si Lana.”

Continue reading below ↓

Si Lana Athena ang dalawang taong gulang na anak nina JC at Rikkah.

Unang inamin ni JC ang kanyang pagkakaroon ng anak kay Rikkah noong May 2018.

Manghang-mangha naman si Erich sa sinabi ni JC.

Banggit pa niya, “Wala kaming alam.”

Paliwanag ni JC, “Yeah, kasi hindi ko nga talaga siya…

“Ang nangyari talaga diyan, inuna talaga namin yung civil wedding, 'tapos lumabas si Lana.

"Then, right after lumabas si Lana, dapat magtsi-church wedding na kami. E, nagka-pandemic, so na-move ulit.

"Anytime this year.”

Dagdag pa ng aktor, “Hindi talaga ako yung ma-announcement, big announcement. [Pero] hindi secret. I will always tell everyone.”

CHURCH WEDDING THIS YEAR

Ayon pa kay JC, inaayos na nila ni Rikkah ang nakatakda nilang pagpapakasal sa simbahan ngayong taon.

Parang kulang daw kasi ang pagsasama nila kapag hindi ito mangyayari.

Sabi ni JC, “Kailangan yung church, hindi ko talaga siya totally nada-digest na hanggang dun lang kami sa civil wedding.

Continue reading below ↓

“Gusto talaga namin sa church kaya parang yung civil wedding, alam namin na parang dumaan lang.

“So, gusto pa namin mag-prepare ng something really big, yung church wedding.”

Diin niya, “Sure na this year yun.”

Nagbahagi rin si JC tungkol sa kanyang pagtalikod sa pagiging buhay-binata.

Lahad niya, “Talagang kinalimutan ko yung buhay-binata. Oo, choice yun, I swear.

"Para sa lahat ng mga ano, nag-enjoy sa pagka-binata, siguro at one point in their lives, mag-decide then sila na, ‘Ayoko na 'yan, hindi ko na babalikan 'yan.’”

Ginawa raw ito ni JC noong nililigawan pa lamang niya si Rikkah.

Sabi niya, “Nag-start 'yan nung boyfriend-girlfriend pa lang kami ni Rikkah. 'Tapos siyempre…

“Kasi pinahirapan niya ako. Dumaan ako sa butas ng karayom and hindi niya ako binibigyan ng any window para pumasok ako sa buhay niya.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC de Vera and wife Rikkah Cruz-de Vera are now preparing for their church wedding this year: "Kailangan yung church, hindi ko talaga siya totally nada-digest na hanggang dun lang kami sa civil wedding."
PHOTO/S: Courtesy: @akosijcdeberat on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results