DJ Chacha dares her accusers to show "resibo" as proof she worked on Duterte propaganda

by Rachelle Siazon
Mar 2, 2021
DJ Chacha, nanindiganng hindi umano siya naghayag ng suporta sa administrasyon ni President Rodrigo Duterte. Tweet niya, "Hanap kayo resibo na may shinare ako na post or tweet ng paninira sa oposisyon o pagsuporta sa administrasyon. HANAP. Isa isahin niyo."
PHOTO/S: DJ Chacha Facebook / Twitter

Umalma si DJ Chacha sa pagkadawit niya sa mga pinangalanang artista na diumano'y binayaran para magpakalat ng propaganda o di kaya'y fake news sa social media.

Kaugnay ito ng eksklusibong ulat ng Rappler tungkol sa nakalap nitong mga dokumento na nagpapakita ng diumano'y money trail sa maanomalyang scheme ng Twinmark Media Enterprises.

Ang Twinmark Media Enterprises ay ang digital marketing group na na-ban ng Facebook noong 2019 dahil sa pagbuo ng Facebook Pages kunsaan talamak ang paggamit ng "coordinated inauthentic behavior" at "fake accounts."

Napag-alaman din ng pamunuan ng Facebook na ibinebenta ng Twinmark ang administrator rights sa nabuo nitong Facebook pages—tulad ng "Trending News Portal" na noo'y may higit apat na milyong followers.

Ayon sa ulat ng Rappler, nakipagtransaksiyon diumano ang Twinmark sa ilang mga artista at influencers para i-promote ang iba't ibang content mula sa Facebook pages ng Twinmark.

Napag-alaman na ang Facebook pages ng Twinmark ay naglalako ng "propaganda" bilang suporta kay President Rodrigo Duterte, nagpapakalat ng "fake news," o di kaya ay nagpo-promote ng "misleading information."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatanggap umano ng bayad ang mga pinangalanang artista noong "2017" at "2018"—o mga taon bago ang malawakang "takedown" ng pamunuan ng Facebook sa mga pag-aaring Facebook Pages ng Twinmark noong 2019.

Isa si DJ Chacha sa mga artistang nadawit kaugnay diumano sa scheme ng Twinmark.

Si DJ Chacha ay isang radio at events host.

Dati siyang disc jockey sa MOR 101.9, ang FM station ng ABS-CBN na nagsara matapos hindi ma-renew ang prangkisa ng network noong July 2020.

Sa ngayon, si DJ Chacha ay radio host ng 92.3 News FM sa Radyo5, kunsaan katambal niya ang beteranong broadcaster na si Ted Failon.

Sa ulat ng Rappler, nakasaad na binayaran umano ng Twinmark si DJ Cha Cha ng "PHP30,000" kada buwan mula "March 2017" hanggang "May 2017."

Ang sabi sa ulat, nag-post umano si DJ Chacha ng mga artikulo mula sa "socialpees.com" at "filcommunity.com," na napag-alamang kilala sa content na "clickbait, misleading, or false information."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalakip nito ang screenshot ng Facebook post ni DJ Chacha ng isang artikulo tungkol sa bashers ng isang TV host mula sa socialpees.com at isa pang social media content na may kinalaman sa parehong website.

Lumabas ang ulat ng Rappler noong February 27, 2021. May nakasaad ding "updated" ang artikulo.

DJ CHACHA DENIES BOOSTING PROPAGANDA

Noon ding araw na iyon, sunud-sunod ang tweets ni DJ Chacha hinggil sa isyu.

Ayon sa radio personality, hindi raw siya kailanman nag-post sa kanyang social media accounts ng anumang pahayag na may kinalaman sa pagsuporta sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Walang sinabi sa ulat na ang umano'y paid content kaugnay ng social media posts ni DJ Chacha ay may kinalaman sa pagsuporta niya sa administrasyong Duterte.

Pero tila inalmahan iyon ni DJ Chacha dahil sa headline ng artikulo na: "Stars, influencers get paid to boost Duterte propaganda, fake news."

Apela ni DJ Chacha, "Hanap kayo resibo na may shinare ako na post or tweet ng paninira sa oposisyon o pagsuporta sa administrasyon. HANAP. Isa isahin niyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinuwestiyon din ni DJ Chacha kung bakit wala raw naipakita ang Rappler na "resibo" ng ipinakalat niyang "propaganda."

Aniya, "Bakit kase hindi sinama ni rappler yung resibo saken? Yung ibang stars andun yung propaganda posts daw? Yung saken nasaan?"

Twitter Repost: DJ Chacha on allegation of boosting propaganda

Isang netizen ang nag-tweet na sinubukang hingan ng opisyal na pahayag si DJ Chacha noong February 2016, pero hindi raw ito nag-reply.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot ito ni DJ Chacha.

Sabi ni DJ Chacha, "Hi Bonz! I didn't reply because VCM management replied on behalf of their talents.

"But still, the headline is misleading show evidence na may propaganda yung post ko."

Twitter Repost: DJ Chacha replies to Bonz Magsambol tweet

DJ CHACHA LAUGHS OFF NETIZEN TAGGING HER AS "dds"

May isa namang netizen ang nagsabing supporter umano si DJ Chacha ng administrasyon ni Pangulong Duterte noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas umanong "pino promote" ni DJ Chacha ang Pangulo noong host pa raw si DJ Cha Cha sa MOR 101.9 FM Radio ng ABS-CBN.

Tinawanan lang ito ni DJ Chacha at saka hinamon ang netizen na magpakita ng "resibo" ukol dito.

"Huwaw hahahahaha resibo sist," tweet ni DJ Chacha kalakip ng laughing emoji.

Twitter Repost: DJ Chacha asks for receipts and proofs

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumagot pa ulit ang netizen na idiniin na si DJ Chacha raw ay "DDS" o Diehard Duterte Supporter "bago ipasara ang ABS-CBN."

Sabi lang ulit ni DJ Chacha, "Napatawa mo ko very harrd tonight!"

Twitter Repost: DJ Chacha laughs at netizen claims that she's a DDS

RAPPLER OBTAINS STATEMENT FROM DJ CHACHA'S MANAGER

Ayon pa rin sa ulat ng Rappler, nakasaad na ang tumanggap ng bayad para kay DJ Chacha mula sa Twinmark ay ang kanyang talent management na Vidanes Celebrity Marketing (VCM).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni VCM founder Betchay Vidanes, noong 2016 ay nakatransaksiyon ng VCM si Fernando Hicban, isa sa tatlong magkakapatid na may-ari ng Twinmark.

Ang kasunduan daw nila ay may kinalaman sa pag-promote ng social media content na may kinalaman sa "health-related, positive-vibe articles."

Tinanggap daw ng VCM ang proyektong iyon dahil nang i-check nila ang site ng Twinmark ay tugma naman ang content ng site sa tema ng kasunduan nila.

Pero kinalaunan ay nagpa-promote daw ang Twinmark ng content na hindi naaayon sa "brand image" ng kliyente ng VCM kaya tumiwalag na raw ito sa kanilang kasunduan.

Nabanggit naman sa ulat ng Rappler na may katangian ang Facebook pages ng Twinmark na paiba-iba ang content depende umano sa propaganda na nais nitong isulong sa partikular na period of time.

Maaring entertainment sa una, pagkatapos ay magiging political para ilako umano ang isang propaganda.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Chacha, nanindiganng hindi umano siya naghayag ng suporta sa administrasyon ni President Rodrigo Duterte. Tweet niya, "Hanap kayo resibo na may shinare ako na post or tweet ng paninira sa oposisyon o pagsuporta sa administrasyon. HANAP. Isa isahin niyo."
PHOTO/S: DJ Chacha Facebook / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results