Ellen Adarna's heart melts seeing boyfriend Derek Ramsay, son Elias playfully sweet together

by Rachelle Siazon
Mar 3, 2021
Ellen Adarna and boyfriend Derek Ramsay show how deeply they love each other as they share a sweet moment with the sexy actress's son Elias. Derek assures Ellen, "ako na bahala sa heart mo love."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna / @ramsayderek07 Instagram

Natunaw ang puso ni Ellen Adarna, 32, nang masaksihan ang paglalambing ng nobyong si Derek Ramsay, 44, sa two-year-old son ng aktres na si Elias.

Umaga ng Miyerkules, March 3, nang i-post ni Derek sa kanyang Instagram ang isang maiksing video kunsaan nakahiga silang tatlo habang nag-uusap.

Nakapagitna kina Ellen at Derek si Elias, anak ng aktres sa dating partner na si John Lloyd Cruz.

Tila nakikipaglaro si Elias na panay ang haplos sa mukha ni Derek.

Sabi ni Derek, "What is this boy doing to me? Are you giving me a facial?"

Sagot ni Elias, "No..."

Masuyong tanong uli ni Derek, "What are you doing?"

Hirit din ni Ellen, "What are you doing to Tito Derek?"

Nakangiting sagot uli ni Elias, "I'm getting a spider on Tito Derek face."

Nasorpresang singit ni Ellen, "Why a spider?"

Tila naunawaan ni Derek ang nais ni Elias kaya sang-ayon ng aktor, "I have a spider on my face."

Continue reading below ↓

Napagtanto na rin ni Ellen na nais ng anak na kumanta ng nursery rhyme.

Ani Ellen, "Ahh... Can you sing the 'Incy Wincy Spider?'"

Si Derek ang nagsimulang kumanta ng "Incy Wincy Spider," habang si Elias ay dumagan na sa kanya.

Kaya natatawang hirit ni Derek, "You're the spider pala! Elias is the spider!"

Continue reading below ↓

DEREK TO ELLEN: "AKO NA BAHALA SA HEART MO."

Sa comments section ng vlog, nagkomento si Ellen sa nakitang sweet moment nilang tatlo nina Derek at Elias.

"My boys my heart. I kennot," saad ni Ellen, na pinuno ng heart at lovestruck emojis ang kanyang mensahe kay Derek.

Kilig ang reply sa kanya ni Derek.

"Ako na bahala sa heart mo love," sabi ng aktor.

Instagram comment: Ellen Adarna reacts to Derek and Elias photo

Continue reading below ↓

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, February 26, unang umamin sina Derek at Ellen na magkarelasyon na sila.

Isang buwan na raw silang magkasintahan.

Naging bukas si Derek sa pagsasabing mismong siya ay nasorpresa kung gaano katindi at kabilis na nahulog ang loob niya kay Ellen.

At mula nang aminin nila ang kanilang relasyon, buong pagmamalaki nilang ibinahagi sa kani-kanilang Instagram accounts kung gaano sila kasaya sa piling ng isa't isa ngayon.

DEREK TO ELLEN: "THANK YOU FOR BRINGING BACK THE REAL ME."

Sa kanyang Instagram comment noong March 1, inamin ni Derek na nahanap niya ang kanyang katapat kay Ellen.

"@maria.elena.adarna thank you for making me so happy bruha! Thank you for bringing back the real me," saad sa mensahe ni Derek.

Instagram comment: Derek Ramsay thanks Ellen Adarna for bringing back his real self

Continue reading below ↓

Sagot ni Ellen, "same love."

Instagram comment: Ellen Adarna replies to Derek Ramsay

Bukas din si Derek sa pagsasabing si Ellen ang tinging niyang "The One" para sa kanya.

May ibang netizens na kinukuwestiyon ang sinseridad ni Derek dahil ilang beses na umano niya nasabi iyon sa kanyang mga dating nobya.

Kaya hamon sa kanya ng isang netizen: "Pakasalan mo kung siya na si the one."

Continue reading below ↓

Sagot ni Derek:, "soon."

ELLEN adarna ON FEELING LOST: "NOT ANYMORE"

Tinanong din si Ellen ng kanyang malapit na non-showbiz friend na si Vito Selma kung pakiramdam pa rin daw ba ng sexy actress ay "lost" ito.

Instagram comment: Ellen friend Vito Selma jokes on Ellen and Derek

Sagot ni Ellen kalakip ng laughing with tears emojis, "not anymore!!"

Instagram comment: Ellen Adarna replies to Vito Selma

Continue reading below ↓

Nakipagbiruan din si Ellen sa ibang mga kaibigan na "dito nako ma lost sa gwapo kay sa panget. Yoko na.... Ahhahahhaahhaahahha."

Instagram comment: Ellen Adarna gets playful with another friend's remark

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna and boyfriend Derek Ramsay show how deeply they love each other as they share a sweet moment with the sexy actress's son Elias. Derek assures Ellen, "ako na bahala sa heart mo love."
PHOTO/S: @maria.elena.adarna / @ramsayderek07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results