“John Lloyd Cruz” posts cryptic message about not being okay

by Arniel C. Serato
Mar 3, 2021
John Lloyd Cruz not okay
John Lloyd Cruz surprises his fans with his new clean-cut look in two separate Facebook posts.
PHOTO/S: Courtesy: John Lloyd Cruz on Facebook

Muling nag-post ng makahulugang mensahe ang Facebook administrator ng aktor na si John Lloyd Cruz, 37, kagabi, March 2.

Sa post ng Facebook page ni John Lloyd, muling ipinakita rito ang bagong clean-cut look ng aktor.

Pero sa caption ay tila may pinagdadaanan ito ngayon: “It will be okay. Maybe not today, but it will. Good evening!”

Hindi malinaw kung ano ang tinutukoy rito ng Facebook administrator ni John Lloyd dahil wala nang dagdag na paliwanag o post.

Continue reading below ↓

Umabot na sa halos 75,000 ang likes nito na may 4.3K comments at 1.2K shares.

Noong March 1, 2021, ginulat ng aktor ang kanyang mga tagahanga sa bago niyang look. Nagpagupit na siya mula sa mahaba na may pagkakulot na buhok.

“Choose to be happy” naman ang nakalagay sa caption nito.

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD-ELLEN, ELLEN-DEREK RELATIONSHIPS

Taong 2017 nagkamabutihan sina John Lloyd at Ellen Adarna habang ginagawa nila noon ang sitcom na Home Sweetie Home ng ABS-CBN.

Nabuntis ng aktor si Ellen noong huling bahagi ng nasabing taon, at nagsilang ang aktres noong June 2018.

Magtatatlong taon na ngayon ang anak nilang si Elias Modesto.

Naghiwalay ang dalawa taong 2019 dahil sa samu’t saring dahilan.

January 2021, nagkakilala sina Derek at Ellen sa isang restaurant sa Mandaluyong City.

Maiksi lang ang kanilang pagkikita noon. Pero nagyaya si Derek para sa isang dinner para sa kanyang mga kaibigan at kapitbahay sa Alabang na sina Ellen at Ruffa Gutierrez.

January 11, nangyari ang nasabing private dinner sa bahay mismo ng aktor.

Simula noon, palagi nang nagpu-post ng kanilang sweet moments together sina Derek at Ellen.

February 26, 2021, eksklusibong inamin nina Derek at Ellen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanilang relasyon.

Ngayon, inseparable na ang dalawa na halatang masaya sa kanilang isang buwan pa lamang na relasyon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz surprises his fans with his new clean-cut look in two separate Facebook posts.
PHOTO/S: Courtesy: John Lloyd Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results