Janine Gutierrez says BF Rayver Cruz supportive of her transfer to ABS-CBN

by Rachelle Siazon
Mar 4, 2021
Janine Gutierrez on boyfriend Rayver Cruz: "Actually, dati sabi ko, 'Ayoko na mag-date ng artista.' Pero yun nga, sobrang ginalingan din niya. Nakalusot. At yun nga, nandito na po tayo ngayon. Hahaha!"
PHOTO/S: @janinegutierrez Instagram

Matamis na ngiti ang bungad ni Janine Gutierrez nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagiging supportive boyfriend ni Rayver Cruz.

Nang lumipat si Janine sa ABS-CBN noong January 2021, naging bukas si Rayver sa pagsasabing siya ang "number one fan" ng nobya.

"Soar high my love, will always be your number one fan," tweet noon ni Rayver.

Sabi naman ni Janine, "Happy siya for me. 'Tsaka parang nakakatawa nga talaga na nagpalit kami."

Si Janine ay exclusive Kapuso star sa loob ng halos 10 taon bago siya lumipat ng ABS-CBN.

Si Rayver ay exclusive Kapamilya star sa loob ng higit-kumulang 16 taon bago siya lumipat ng GMA-7 noong 2018.

Hindi raw maiwasang maisip ni Janine ang nobyo nang una siyang tumungtong sa studio ng ASAP Natin 'To, ang long-running Sunday musical-variety show ng ABS-CBN.

Mainstay doon si Rayver mula 2006 hanggang 2018.

"Once pa lang talaga ako nag-ASAP. Pero habang nanonood ako sa stage, iniisip ko, 'A, oo, dito pala siya before," napangiting sabi ni Janine.

Continue reading below ↓

Patuloy niya, "Sayang hindi kami nag-abot and sayang din na hindi ko siya naka-work sa GMA.

"Pero sobrang supportive niya.

"And dahil din sa kanya, parang siya yung nagpakilala sa akin sa staff sa ASAP kasi antagal-tagal niya dun, parang dun siya lumaki.

"So, parang instant connection dahil sa kanya."

Eksklusibong nakapanayam si Janine sa PEP Exclusives, ang on-cam show ng PEP.ph.

Bibida si Janine kasama si JC Santos sa isang no-boyfriend-since-birth love story via Dito at Doon, na ipalalabas sa March 17.

"DATI SABI KO, 'AYOKO NA MAG-DATE NG ARTISTA'"

Aminado si Janine na may punto sa kanyang buhay na ayaw na sana niyang magkaroon ng karelasyon na taga-showbiz.

"Actually, dati sabi ko, 'Ayoko na mag-date ng artista.' Kasi ang hirap pag mag-break na kayo!" natatawang pahayag ni Janine.

Bakit naman niya iyon naisip?

Sagot ni Janine, "E, siyempre napagdaanan ko, di ba? 'Oh my god, ayoko na maulit ito.'"

Continue reading below ↓

Tila ang tinutukoy ni Janine ay ayaw na niyang maging tampok ng kontrobersiya ang kanyang pribadong buhay.

Dugtong ni Janine, "So when I first met Rayver, I was really trying, 'Oh my god.' Tina-try ko talaga [lumayo]."

Marahil ito ang dahilan kung bakit noong nagsisimula ang relasyon nila ni Rayver ay mailap pa ang aktres na pag-usapan ang tungkol dito.

June 2017 nang unang inulat ng PEP.ph na namataang magka-date sina Janine at Rayver nang manood sila ng sine sa isang mall sa Makati.

Pero taong 2019 lang nang unti-unti silang mas naging bukas sa kanilang relasyon.

Ayon kay Janine, pursigidong manliligaw raw noon si Rayver.

"Pero yun nga, sobrang ginalingan din niya. Nakalusot. At yun nga, nandito na po tayo ngayon. Hahaha!"

Hindi raw naging problema sa kanila ni Rayver ang selosan sa kani-kanilang mga nagiging onscreen partner.

"Wala, kasi tagal na niya artista. Dapat alam na niya iyan.

Continue reading below ↓

"Ako rin naman. Bilang anak ng artista, nakita ko rin naman na pag trabaho, trabaho."

Nasa dugo ni Janine ang pag-aartista dahil anak siya nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.

SWEET SURPRISE FROM RAYVER

Naikuwento rin ni Janine sa PEP.ph ang surprise Palawan getaway na inihanda sa kanya ni Rayver nang magdiwang ng ika-31 kaarawan ang aktres noong Oktubre 2020.

Biglaan daw ang bakasyon nilang iyon kasama ng mga kapatid ni Janine.

"Yeah, 'tsaka idinaan talaga niya sa pamilya ko, e. Marunong. So, wala na rin ako nagawa, e.

"Pero close kasi sila ng mga kapatid ko. So my little sister helped him plan."

Na-appreciate daw ni Janine ang gesture ni Rayver dahil alam niyang hindi forte ng nobyo ang pag-organisa ng kanilang mga bakasyon.

Paliwanag ni Janine: "Kasi si Rayver hindi talaga siya marunong pagdating sa mga biyahe-biyahe.

"Dati nga, nagyaya siya mag-Japan. Nagpunta naman kami with my other sister naman.

Continue reading below ↓

"'Tapos pagdating dun, hindi marunong mag-train! Walang alam sa pagpaplano.

"Ta's na-realize ko, 'Bakit? E, naikot na niya yung buong mundo sa tagal niyang artista.'

"Kasi nga lahat ng biyahe niya was with TFC. Alam mo yung mga ganun na everything is planned out for you?

"So ako, 'Hindi marunong. Tuturuan ko pa mag-tren ito.'"

Natawa si Janine sa panlalaglag niya sa nobyo, pero nilinaw rin naman niyang sanay na ngayon si Rayver sa pag-aasikaso ng kanilang biyahe.

Napapangiting sambit ni Janine: "So ngayon, marunong na siya.

"Ang tumutulong sa kanya my little sister, kasi yun mahilig talaga mag-itinerary.

"Masuwerte siya tinutulungan siya ng kapatid ko."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez on boyfriend Rayver Cruz: "Actually, dati sabi ko, 'Ayoko na mag-date ng artista.' Pero yun nga, sobrang ginalingan din niya. Nakalusot. At yun nga, nandito na po tayo ngayon. Hahaha!"
PHOTO/S: @janinegutierrez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results