Derek Ramsay reveals he and Andrea Torres have no closure: “I think that will come with time.”

by Bernie V. Franco
Mar 4, 2021
Derek Ramsay on breakup with Andrea Torres: “It was very sudden. The breakup happened. It came out of nowhere. It blindsided me."
PHOTO/S: YouTube (Andrek Vlogs) / @andreaetorres on Instagram

“We have no hate towards each other.”

Ito ang deklarasyon ni Derek Ramsay hinggil sa kanyang ex-girlfriend, ang Kapuso actress na si Andrea Torres.

Gayunpaman, matutukoy sa sagot ni Derek na wala silang closure.

Inanunsiyo nina Derek at Andrea ang kanilang paghihiwalay noong November 2020, matapos ang isang taong relasyon.

Naging matipid ang dating magkasintahan sa pagsasalita tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang breakup.

Ang kinumpirma ni Derek, biglaan ang kanilang paghihiwalay.

Nagsalita ang aktor tungkol sa dating girlfriend sa YouTube video ni Pops Fernandez, na in-upload nitong Miyerkules, March 3.

Inusisa ni Pops si Derek kung nagkaroon ba sila ng closure ni Andrea.

Sinimulan ni Derek ang sagot sa pagsasabing wala silang galit ni Andrea sa isa’t isa.

Saad niya, “We have no hate towards one another.

“I don’t think she hates me. I definitely don’t hate her. I’m her family.

“We were together for over a year.

Continue reading below ↓

“It was very sudden. The breakup happened. It came out of nowhere. It blindsided me."

Mangyayari raw ang closure nila sa tamang panahon.

Sabi pa ni Derek, “Closure, I think that will come with time. Definitely no hate, no regret.”

Mutual decision daw ang kanilang paghihiwalay na nag-ugat sa simpleng hindi pagkakaunawaan na lumaki.

“It was the both of us. We ran across a little problem," pag-amin ni Derek.

“And suddenly, it became much bigger.

“And I guess we both realized that it was something na both of us could not make certain adjustments to.

“We decided, instead of forcing it, let’s just go separate ways.”

Tinanong din ni Pops si Derek kung magkaibigan ba sila ni Andrea nang maghiwalay.

Hindi tuwirang sinagot ni Derek ang tanong. Pero mahihinuha sa kanyang pahayag na bagamat hindi sila galit sa isa’t isa, hindi sila magkaibigan.

Sagot ni Derek: “I never unfriended Andrea.

Continue reading below ↓

“There’s no hate siguro towards each other.

“You can see that she’s back into work, she looks great, she’s been working out.”

Sabi pa ng aktor: “It shows that we both don’t have any animosity towards each other.

“I guess kasi if we do, it would really reflect on the way you act, the way you talk, the way you move."

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, walang interview ang dalawa na naglalabas sila ng sama ng loob tungkol sa isa't isa.

“And you can see that she’s happy. I’m very happy,” pakli ng aktor.

Ayon kay Derek, dinamdam din niya ang paghihiwalay nila ni Andrea.

“People think that I’m insensitive, but I have a supportive family and friends, good friends, who lift me back up.

“So, that’s what I have to… we have to move on.”

DEREK ON ELLEN: WE CLICKED

Inamin din ni Derek sa interview ni Pops na umiibig na siyang muli.

Continue reading below ↓

Kamakailan ay kinumpirma nina Derek at Ellen Adarna na isang buwan na silang magkarelasyon.

Ibig sabihin, naging magkarelasyon sila ni Ellen tatlong buwan matapos maghiwalay nina Derek at Andrea.

Sabi ni Derek, “super in love” siya ngayon.

“Everything just clicks," hayag niya tungkol sa kanila ni Ellen.

“This is the first relationship na instead na best foot forward, worst foot forward.

“Kapag nalampasan mo yun, e di, parang smooth-sailing na.”

Inamin din ni Derek na sa unang pagkikita nila ni Ellen, naramdaman niyang nag-click sila.

“Parang our personalities just clicked. Parang wala nang kaarte-artehan.”

Ayon sa aktor, matapos ang breakup nila ni Andrea ay nagdesisyon siyang huwag munang makipagrelasyon sa susunod na dalawang taon.

“I don’t wanna be in a relationship right after Andrea. It was a big change.

“Two years no relationship. I just wanna spend time with myself, set new goals, next chapter in life.”

But Ellen Adarna happened.

Continue reading below ↓

“Unexpected, blindsided, out of nowhere,” sabi ni Derek.

Nagkita sina Derek at Ellen sa isang restaurant noong unang linggo ng Enero.

Magkasama noon sina John Estrada at Ellen para pag-usapan ang kanilang TV5 sitcom, at saka dumating si Derek, best friend ni John.

Makalipas ang isang linggo, nagsama-sama sila sa isang dinner sa bahay ni Derek.

Dito na umusbong ang magandang pagtitinginan sa pagitan nina Derek at Ellen.

Sabi ni Derek, napansin ng mga taong malapit sa kanya ang malaking pagbabago sa kanya dahil kay Ellen.

“She makes me feel happy about who I am. And the old Derek is back, and my closest friends said that to me.

“They’re the ones who said to me, ‘Dude, your back.”

Bumalik daw ang happy-go-lucky na Derek.

“My best bud told me the last six, seven years, I was too serious."

Sabi raw ng kaibigan ng aktor: “’This is the fun Derek, the real Derek that we know.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on breakup with Andrea Torres: “It was very sudden. The breakup happened. It came out of nowhere. It blindsided me."
PHOTO/S: YouTube (Andrek Vlogs) / @andreaetorres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results