Life story ni Petite tampok sa Magpakailanman; Jhong Hilario, tuloy pa rin kaya ang winning streak sa Your Face Sounds Familiar?

by PEP Troika
Mar 5, 2021
Gagampanan ni Kevin Santos (left) ang role ng stand-up comedian na si Petite (left) sa Magpakailanman; Jhong Hilario (right), dalawang beses nang Top 1 sa Your Face Sounds Familiar.
PHOTO/S: Magpakailanman / Your Face Sounds Familiar

JERRY OLEA

Nakakataba ng puso ang "When I Fall in Laugh: The Vincent Aychoco Story" episode ng Magpakailanman sa Marso 6, Sabado ng 8:00 p.m., sa GMA-7.

Mas kilala si Vincent Aychoco bilang gay comedian na si Petite, at ang gaganap sa karakter niya ay ang crush niyang si Kevin Santos.

Nang maghiwalay ang parents niya, nag-decide si Vincent na sumama sa kanyang amang si Arvin (Dennis Padilla) kahit hindi nito tanggap ang pagiging baklush niya.

Makikilala ni Vincent si Jessica (Snooky Serna), isang babaeng mas matanda sa kanya pero tanggap ang pagiging beki niya.

Snooky Serna, Kevin Santos in Petite Life Story in Magpakailanman

Continue reading below ↓

Kaya kahit kasing-edad nito ang kanyang mudra, makikipagrelasyon siya rito para mapasaya ang kanyang fudra.

May daughter si Jessica na kasing-edad ni Vincent, si Alma (Ashley Rivera).

Nagulantang sina Vincent at Jessica nang madiskubreng may relasyon pala sina Arvin at Alma. At jontildz na ang dalaga.

Paano magsasama-sama sa iisang bubong ang pamilyang ito?

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

Katapat ng Magpakailanman sa Sabado ng 8:00 p.m. ang Your Face Sounds Familiar (Season 3).

Dalawang beses nang naging weekly winner ang Sample King na si Jhong Hilario.

Inspirado si Jhong sa pagbubuntis ng kanyang mahal sa buhay.

This weekend, ang King of Latin pop na si Enrique Iglesias naman ang gagayahin ni Jhong.

Earth, Wind, & Fire naman ang gagampanan ng iDolls, si Justin Timberlake kay Christian Bables, at si Rico J. Puno naman kay CJ Navato.

Abangan din ang paglabas ni Klarisse de Guzman bilang Jaya, ni Geneva Cruz bilang pinsan niyang si Sheryl, ni Vivoree bilang si Camila Cabello, at ni Lie Reposposa na mag-aala April Boy Regino.

Continue reading below ↓

Vivoree Esclito, CJ Navato in Your Face Sounds Familiar

Palabas ang Your Face Sounds Familiar Season 3 tuwing Sabado ng 8:00 p.m. at Linggo ng 7:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Abangan din ang KaFamiliar Online Live show nina Darren Espanto at AC Bonifacio sa Kapamilya Online Live tuwing commercial break.

Continue reading below ↓

Para sa mga nakaraang perfomances, pumunta sa official YouTube channel ng Your Face Sounds Familiar o sa iWant TFC.

Ang host ng musical-variety competition na ito ay si Luis Manzano. Ang judges ay sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta. Ang mentors ay sina Jed Madela at Nyoy Volante.

ROCKY GATHERCOLE'S LIFE STORY ON MMK

Siyanga pala, ire-replay ng Maalaala Mo Kaya (MMK) sa Sabado ng 9:00 p.m. ang life story ng internationally acclaimed Filipino fashion designer na si Rocky Gathercole.

Kabilang sa naging clients ni Rocky sina Katy Perry, Gwen Stefani, Jennifer Lopez, Nicki Minaj, Britney Spears, Paris Hilton, at Thalia.

Hulyo 1, 2017 iyon ipinalabas ng MMK, kung saan si Arjo Atayde ang gumanap na Rocky.

Pumanaw si Rocky nitong Marso 3, Miyerkules ng hapon.

Marso 4, Huwebes, in-autopsy ang mga labi ng designer.

Ang lamay ay magsisimula ngayong Marso 5, Biyernes ng 3:00-7:00 p.m., sa Room 204 ng St. Peter’s Memorial Chapels, Quezon Avenue, Quezon City.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Naka 16.2% ang Magpakailanman noong nakaraang Sabado, Pebrero 27, kung saan tampok sina Migo Adecer at Kate Valdez sa episode na “My Stalker Girlfriend.”

Base ito sa datos ng AGB Nielsen.

Ang katapat nitong I Can See Your Voice (ICSYV) ay 3.2%, at 2% naman ang MMK episode na tampok sina Jane Oineza at Nathalie Hart.

Para sa A2Z, mataas na ang rating na nakuha ng ICSYV.

Naglalaro rin sa ganung rating ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Kaya magandang senyales iyan na talagang interesting sa mga manonood ang naturang show.

Sa darating na Sabado, parang curious ako sa kuwento ni Petite na gagampanan ni Kevin Santos na magaling ding umarte.

Siyanga pala, “Kabit ni Mister, ang Cook ni Misis” naman ang episode ng Wanted: Ang Serye sa Sabado ng 9:00 p.m. sa TV5.

Tampok sa episode na iyan sina James Blanco, Lara Morena, at Angelu de Leon.

NOEL FERRER

Continue reading below ↓

At least, sana parati nang bagong episodes ang ipalalabas ngayon sa entertainment programs.

Effort kung effort sa production values at sa mga kuwento kung narrative. At hindi lang ratings ang sukatan kundi pati online engagement.

One year after the lockdown, kailangan natin ang ganitong panoorin for our mental health, more than the dolomite sa Manila Bay, di ba?

HOT STORIES

Use these Nike promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gagampanan ni Kevin Santos (left) ang role ng stand-up comedian na si Petite (left) sa Magpakailanman; Jhong Hilario (right), dalawang beses nang Top 1 sa Your Face Sounds Familiar.
PHOTO/S: Magpakailanman / Your Face Sounds Familiar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results