Solenn Heussaff reacts to Ellen Adarna's cozy photos with Derek Ramsay

by Rachelle Siazon
Mar 5, 2021
Solenn Heussaff (left) leaves a comment on the sweet photos of Ellen Adarna and Derek Ramsay who celebrated their monthsary on Thursday, March 4, 2021.
PHOTO/S: @solenn / @maria.elena.adarna Instagram

Pumukaw ng pansin ang pag-iwan ng mensahe ni Solenn Heussaff sa sweet photos ng magkasintahang Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Noong Huwebes, March 4, ipinagdiwang nina Ellen at Derek ang kanilang monthsary kaya marahil nagbahagi si Ellen ng ilang litrato nila ng nobyo.

Una rito ay tila nagkakatuwaan sina Ellen at Derek habang nakayakap sa isa't isa.

Sa sumunod na litrato ay masuyong nakatitig si Derek kay Ellen habang nakapatong ang baba ni Derek sa balikat ni Ellen.

Ellen Adarna, Derek Ramsay cozy photos

Continue reading below ↓

May litrato rin na aktong sinalo ni Derek si Ellen habang tawa nang tawa ang sexy actress.

Couple Ellen Adarna, Derek Ramsay sweet photos

Ang dalawa pang litrato ng magkasintahan ay kuha naman sa kanilang pamamasyal sa Laguna noong Pebrero.

Ellen Adarna, Derek Ramsay in Laguna

Continue reading below ↓

Simpleng love struck emoji at smiley ang inilagay ni Ellen sa caption bilang pahiwatig kung gaano sila kasaya ni Derek sa kanilang relasyon.

Sa comments section, nag-iwan ng mensahe si Solenn tungkol sa pinakamainit na showbiz couple ngayon.

"Cute naman," saad ni Solenn.

Pabirong reply ni Ellen, "@solenn charaught! hahaha."

Instagram comment: Derek ex-gf Solenn Heussaff replies to Ellen photo

Continue reading below ↓

DEREK'S PAST RELATIONSHIP WITH SOLENN

Hindi kaila sa publiko na dating magkarelasyon sina Solenn at Derek.

Apat na taon silang naging magkasintahan noong hindi pa artista si Solenn.

Sa isang TV interview noong 2015, sinabi ni Derek na mas nangingibabaw ang magandang alaala niya kay Solenn dahil "she brought out the best in me during the time we were together.

Bukas din sa pagsasabi si Solenn na first boyfriend niya si Derek, at nagkahiwalay sila dahil sa long-distance relationship nila noon.

Nanatiling magkaibigan ang dalawa at dalawang beses pang nagkatrabaho sa mga pelikulang Love Is Blind (2016) at All of You (2017).

Pareho ring Kapuso stars sina Derek at Solenn.

SOLENN ON ELLEN AS "WORKOUT BUDDY"

Sa kabilang banda, matagal na ring magkakilala sina Solenn at Ellen.

Sa panayam ng ABS-CBN News noong 2014, naikuwento ni Solenn na nakakasama niya sa workout si Ellen.

"Si Ellen yung workout buddy ko since dati pa. Siya nag-introduce sa akin sa plyometrics. Super fun to be around, she's so kalog!" saad noon ni Solenn.

Continue reading below ↓

Gustong-gusto raw ni Solenn na walang paki si Ellen sa kung anumang iisipin ng ibang tao pati na rin ang pagiging prangka nito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Solenn Heussaff (left) leaves a comment on the sweet photos of Ellen Adarna and Derek Ramsay who celebrated their monthsary on Thursday, March 4, 2021.
PHOTO/S: @solenn / @maria.elena.adarna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results