Julia Barretto’s old post vs Bea Alonzo resurfaces after Gerald Anderson admits their relationship

by Jet Hitosis
Mar 6, 2021
Julia Barretto, Bea Alonzo, Gerald Anderson
Netizens repost actress Julia Barretto's (left) statement dated August 6, 2019 denying her involvement in the controversial breakup of Bea Alonzo (center) and Gerald Anderson (right). On March 5, 2021, Gerald admits to having a romantic relationship with Julia.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram, Screengrab from The Boy Abunda Talk Channel on YouTube

Matapos aminin ni Gerald Anderson na totoong may romantic relationship sila ni Julia Barretto, kumalat sa social media ang screenshots ng lumang Instagram post ng young actress laban sa ex-girlfriend ng aktor na si Bea Alonzo.

Biyernes, March 5, nang inamin ni Gerald, 31, sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda sa YouTube channel ng huli, na totoong may relasyon sila ni Julia, 23.

Hindi nabanggit ni Gerald kung gaano na katagal ang kanilang relationship.

Pero “very happy” raw siya ngayon sa piling ng young actress.

Ang pag-amin ni Gerald ay kasunod ng pagpapaliwanag niya tungkol sa kontrobersiyal na breakup nila ni Bea, 33, noong 2019.

Itinanggi ng Kapamilya actor na na-ghost—o basta na lang niyang iniwan nang walang maayos na paalam—si Bea nang magtapos ang kanilang three-year romantic relationship.

Naging “very toxic” lang daw talaga ang relasyon nila, ayon kay Gerald, kaya nakapagdesisyon siyang “hindi na magpapakita kahit kailan” kay Bea.

Continue reading below ↓

THE BEA-GERALD BREAKUP

July 21, 2019 nang pumutok ang kontrobersiya sa pagitan nina Bea, Gerald, at Julia.

Ito ay makaraang mag-post ng cryptic message sa Instagram si Bea na "choice" ang pag-uulit sa isang pagkakamali.

Ni-like din ni Bea ang litratong ipinost ng isang fan, kung saan makikitang magkasama sina Gerald at Julia na dumalo sa birthday party ng Kapuso actor na si Rayver Cruz sa Taguig City.

Kasunod nito, sa interview sa kanya ng entertainment press, nilinaw ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald.

Basta na lamang daw siyang hindi kinausap ng aktor, ayon kay Bea.

Makalipas ang ilang araw, mariing itinanggi ni Julia na may kinalaman siya sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Ginawa ito ni Julia noong August 6, 2019 sa pamamagitan ng isang Instagram post na nakadirekta kay Bea.

Ang screenshots ng post na ito ni Julia, may isa at kalahating taon na ang nakalipas, ang kumalat sa social media nitong Biyernes ng gabi, ilang oras makaraang aminin ni Gerald ang relasyon nila ng young actress.

Continue reading below ↓

JULIA’S OLD “PLAY VICTIM” POST VS BEA

Ini-repost ng netizens ang screenshots ng lumang Instagram post na iyon ni Julia.

Tampok sa post ni Julia ang throwback photo niya noong child star pa, kasama ang teenage actress namang si Bea.

Kalakip ng picture na iyon ang serye ng text posts ng statement ni Julia.

Depensa iyon ni Julia sa ipinalalabas umano noon ni Bea na ang young actress ang dahilan ng paghihiwalay nina Gerald at Bea.

Sinabi noon ni Julia na “exhausting and painful” ang pag-atakeng natatanggap niya at ng kanyang pamilya sa social media.

Inaakusahan daw kasi siyang nag-cheat sa dati niyang reel-and-real life sweetheart na si Joshua Garcia at sa pagiging “cause of another relationship’s break up.”

April 2019 nang tapusin nina Julia at Joshua ang halos dalawang taon nilang relationship.

Matapos bigyang-diin na walang “third party” sa hiwalayan nila ni Joshua at sa breakup nina Bea at Gerald, nagbitaw ng matapang na pahayag ang young actress laban kay Bea.

Continue reading below ↓

Sinisi ni Julia ang “controversial post” at pagla-like ni Bea sa mga litrato sa social media na “putting malice into the minds of many, which resulted in the outrage of insults against me.”

Diretsahan ding inakusahan ni Julia si Bea ng “bullying” at pagpe-“play victim” sa issue.

Mensahe ni Julia kay Bea: “You can play victim all you want, but I refuse to be your victim.”

Continue reading below ↓

NETIZENS LOOK BACK ON JULIA’S POST

Isa sa mga netizen na nag-repost ng lumang statement na ito ni Julia ang tumawag sa aktres ng “kapal ng mukha.”

Nasa Instagram page pa rin daw kasi ni Julia ang lumang post nito laban kay Bea, kahit pa inamin na ni Gerald ang romantic relationship nila.

Twitter Post: Throwback post of Julia against Bea, netizens call Julia

Continue reading below ↓

Ang isa pa, mistulang hindi makapaniwala kung paanong nagawa pa raw ni Julia na akusahan si Bea ng “the one playing the victim” sa breakup nito kay Gerald.

May mensahe rin ang netizen sa fans nina Gerald at Julia na nagtatanggol sa magkasintahan: “LET’S NOT ROMANTICIZE CHEATING.”

Twitter Post: Netizens urge julia-gerald supporters to stop romanticizing cheating

Isa namang netizen ang nag-post ng clown emoji para kina Gerald at Julia.

Continue reading below ↓

Sarkastiko nitong sinabi na sinusuportahan niya ang “loveteam” ng dalawa.

Twitter Post: Netizens sarcastically give support to julia-gerald relationship

Ang iba pang netizens, nag-quote ng mga linya mula sa lumang post ni Julia na itinatangging may relasyon sila ni Gerald.

Binigyang-diin nila ang akusasyon ni Julia na “play victim” si Bea, at ang pag-amin ni Gerald sa relasyon nila ng young actress makalipas ang halos dalawang taon.

Continue reading below ↓

Twitter Post: Throwback post of Julia denying allegation along with julia-gerald relationship confirmation

Twitter Post: netizens bring back julia's words against bea

Continue reading below ↓

Twitter Post: netizens bring back julia's words against bea, fans show support to bea

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens repost actress Julia Barretto's (left) statement dated August 6, 2019 denying her involvement in the controversial breakup of Bea Alonzo (center) and Gerald Anderson (right). On March 5, 2021, Gerald admits to having a romantic relationship with Julia.
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram, Screengrab from The Boy Abunda Talk Channel on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results