Did Bea Alonzo’s close friend Janus del Prado throw shade at Gerald Anderson?

by Jet Hitosis
Mar 6, 2021
Janus del Prado, Bea Alonzo-Gerald Anderson toxic
Netizens believe that actor Janus del Prado's (center) Instagram posts on March 6 are his way of taking a swipe at Gerald Anderson (right), ex-boyfriend of Janus's close friend, actress Bea Alonzo (left).
PHOTO/S: @janusdelprado, @andersongeraldjr on Instagram

Pinatatamaan ba ni Janus del Prado si Gerald Anderson sa “#lifequotes” posts niya ngayong araw?

Kumbinsido rito ang mga Instagram followers ni Janus, 36, na nagkomento sa mga quotes na ipinost ng aktor ngayong Sabado, March 6.

Naniniwala ang fans na iyon ang simpleng paraan ni Janus upang magpakita ng suporta sa malapit na kaibigang si Bea Alonzo, 33.

Nag-trending kasi nitong Biyernes, March 5, ang dating magkasintahang sina Bea at Gerald kasunod ng interview ng huli sa Kapamilya TV host na si Boy Abunda.

Sa panayam, itinanggi ni Gerald na sa ghosting—o yung basta na lamang hindi pakikipag-ugnayan sa dating karelasyon—nagtapos ang three-year romantic relationship nila ni Bea.

Tanong ni Gerald, ano raw ba ang kahulugan ng ghosting na ibinibintang sa kanya? Ito raw ba ay pagwo-walkout sa dinner at hindi na magpaparamdam kahit kailan?

“Or is it walking away from a very unhealthy, toxic—not saying siya [Bea] yung toxic [or] ako yung toxic—but being together, we were very toxic

Continue reading below ↓

“And hindi inirerespeto yung explanation na ibinibigay mo. Hindi tinatanggap after months, and months, and months, and months, and months of being on the rocks.

“If yun ang ghosting, I’m guilty of one of those two,” ani Gerald.

Kasunod nito, inamin ni Gerald na totoong girlfriend niya ngayon ang matagal nang inili-link sa kanya na si Julia Barretto, 23.

Si Julia ang itinuturong third party sa hiwalayang Bea at Gerald noong July 2019.

Nang mga panahong iyon, mariing itinanggi nina Gerald at Julia ang tungkol dito.

JANUS POSTS ABOUT “SILENCE,” “SOMEONE YOU ONCE LOVED”

Ngayong Sabado, nag-post si Janus tungkol sa tagumpay ng pagpapairal ng “silence.”

Sabi ni Janus: “Let them talk and dig their own grave while you win in silence.”

Instagram Post: Janus Del Prado shade against Gerald Anderson, bea alonzo likes the quote

Continue reading below ↓

Sa comments section, sinabi ng isang follower na “obviously” ay para raw kay Bea ang quote na iyon.

Dahil dito, pinuri si Janus sa pagiging “good friend” kay Bea.

May mga netizens naman na tinag sina Gerald at Julia sa ikinomento nila sa post na iyon ni Janus.

Ang isa, gumamit ng #boycottgeraldanderson, habang binansagan naman si Gerald na "katawatawang sinungaling" ng isa pa.

Instagram comment: netizens applaud Janus, condemn gerald-julia

Continue reading below ↓

Makalipas ang ilang oras, muling nagbahagi ng quote si Janus.

Ang post ay tumutukoy naman sa paninira sa isang taong minsan mong minahal.

Sulat ni Janus: “No matter how it ended. You do not destroy someone you used to love.”

Instagram Post: Janus Del Prado shade against Gerald Anderson

Ang mga nag-comment, muling tinag si Gerald sa post na iyon at sinabihang “para sayo talaga" ang quote ni Janus.

Continue reading below ↓

Ang iba, tinawag naman si Gerald ng “pa-victim.”

Instagram comment: netizens tag gerald anderson, calls him pa-victim

BEA & JANUS’S FRIENDSHIP

Lalo pang tumindi ang paniniwala ng netizens na patama kay Gerald at pagpapakita ng suporta kay Bea ang mga quotes na ipinost ni Janus.

Kapansin-pansin kasi na parehong ni-like ni Bea ang mga ito.

Malapit na magkaibigan sina Bea at Janus.

Continue reading below ↓

Bukod sa kapwa sila dating contract artists ng Star Magic, ang talent management agency ng ABS-CBN, nagkatrabaho rin sa pelikula ang dalawa.

Nagkasama sina Bea at Janus sa blockbuster movie na One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007.

Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013. Bida rin dito sina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, at Enchong Dee.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens believe that actor Janus del Prado's (center) Instagram posts on March 6 are his way of taking a swipe at Gerald Anderson (right), ex-boyfriend of Janus's close friend, actress Bea Alonzo (left).
PHOTO/S: @janusdelprado, @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results