Empress Schuck marries long-time boyfriend Vino Guinguona

by James Patrick Anarcon
Mar 7, 2021
Empress Schuck and long-time boyfriend Vino Guingona are now married! The couple got married in a garden wedding ceremony yesterday, March 6, 2021.
PHOTO/S: Courtesy of Charisse Santillan Tinio / Nice Print Photography

Ikinasal na si Empress Schuck sa kanyang long-time boyfriend na si Vino Guingona.

Idinaos ang kasal nina Empress at Vino kahapon, March 6, sa Hillcreek Gardens Tagaytay, ayon sa post ng Nice Print Photo.

Empress Schuck, Vino Guingona wedding

Si Vino ang ama ng five-year-old daughter ni Empress na si Athalia.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, wala pang post si Empress tungkol sa kanyang kasal.

Subalit isa sa mga bisitang nag-post tungkol dito ay ang matron of honor ni Empress na si Camille Makasiar.

Saad ni Camille sa kanyang caption, “The road wasn't always smooth and easy for Empress and Vino. There were challenges, heartaches and trials but they were only mere chapters of the story of Empress.

“Those chapters had to happen for the story to eventually lead us all here today. The beginning of Empress' happily ever after.”

Continue reading below ↓

Narito naman ang first kiss nina Empress at Vino bilang mag-asawa:

Empress Schuck, Vino Guingona wedding kiss

THE ENGAGEMENT

Nag-propose si Vino kay Empress noong September 27, 2020, sa mismong fifth birthday ng kanilang anak na si Athalia.

Ayon sa social media post ni Empress noong September 28, sinorpresa ng 28-year-old actress ng isang Frozen-themed mini birthday party ang anak.

Continue reading below ↓

Sa kasagsagan ng picture-taking sa party, makikitang biglaang lumuhod si Vino sa harap ni Empress, hawak ang isang engagement ring.

Sa post ni Empress, nagpasalamat siya kay Vino na itinaon nito ang wedding proposal sa birthday ng kanilang anak.

Naroon daw kasi—at naging saksi sa proposal—ang lahat ng mahal sa buhay ng aktres.

Nag-post din si Vino noon tungkol sa kanilang engagement, kung saan tinawag niya si Empress na “my love, my everything.”

Noong February 18, 2021, o isang araw bago ang kaarawan ni Empress, nagkaroon siya ng isang surprise bridal shower na inayos ng kanyang kapamilya at malalapit na kaibigan, kabilang na ang aktres na si Melissa Ricks.

Ayon kay Empress, “first time” daw niyang nagkaroon ng ganitong sorpresa.

Taong 2015 nang unang maibalita ang relasyon nina Empress at Vino, nang maibalita ang pagbubuntis ng aktres.

September 27, 2015 nang ipinanganak niya si Athalia, kung saan naroon din si Vino para samahan ang kanyang mag-ina.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Empress Schuck and long-time boyfriend Vino Guingona are now married! The couple got married in a garden wedding ceremony yesterday, March 6, 2021.
PHOTO/S: Courtesy of Charisse Santillan Tinio / Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results