Paolo Contis takes a rest from portraying villain roles

by Dinno Erece
Dec 8, 2007
After playing villain roles for a long time, Paolo Contis is now back portraying good-boy roles, like in the soap opera La Vendetta and the upcoming movie Banal.


Pinapatubo muli ni Paolo Contis ang kanyang buhok at sa presscon ng 2007 Metro Manila Film Festival entry na Banal, kung saan top-billed siya together with Christopher de Leon and Alfred Vargas, at may kulay pa ito.

Minsan nang sinabi sa amin ni Paolo na pagkatapos ng pinakahuli niyang soap noon sa GMA-7 na Atlantika, magpapatubo na siyang muli ng buhok. Nagsimula ito sa Mga Mata ni Anghelita at ngayon nga sa La Vendetta, full grown na ang kanyang buhok.

Mga three years din siyang nag-semi-kalbo na bumabagay sa mga characters niya noon na pawang kontrabida, ngunit lately, bida roles na naman ang mga nakukuhang trabaho ni Paolo. Mabait ang papel niya sa La Vendetta bilang hardinero na si Junjun. Mabait din ang papel niya sa Magpakailanman episode last Thursday bilang tagapag-alaga ng kanyang nasunog na pamangkin.

Sa Banal, parang si Paolo ang lumalabas na pinakabida sa kuwento dahil the rest of the cast, mga kontrabida na—'tulad nina Alfred at Paolo Paraiso. Special role lang si Christopher sa pelikula bilang trainer nila.

Continue reading below ↓

Inamin ni Paolo na ito ang gusto niya sa kanyang career para hindi siya ma-stereotype.

"Matagal din akong naging kontrabida, para maiba naman," sabi ni Paolo.

Hindi naman daw tatanggi si Paolo sa isang kontrabida role if it's good.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kahit privately, good boy na rin si Paolo. Magtu-two years na sila ng girlfriend niyang si Isabel Oli this January. Magbuhat nang mapasama sa Christan group ni Isabel, huminto na ring magsigarilyo si Paolo.

Sa Singapore na naman magpa-Pasko si Isabel with her family at doon na rin ito magnu-New Year.

"Susundan ko rin siya doon, pero baka after Christmas na at before New Year. Baka three days lang kasi may trabaho pa ako," sabi ni Paolo.

Sa January 1 pa kasi ang showing ng Banal kung kaya't pagkatapos ng Pasko, saka pa lang maghi-heavy promotion ang pelikula nila.

Curiously, naaalala namin na before Isabel, si Bubbles Paraiso—kapatid ni Paolo Paraiso na co-star niya sa Banal—ang last girlfriend niya. Naitanong namin kay Paolo kung paano ang working relationship nila ng kanyang tukayo.

Continue reading below ↓

"Okay kami ni Paolo," sagot niya. "Bago ko naman kasi naging girlfriend si Bubbles, magka-barkada na kami ni Paolo. Nagpaalam pa ako sa kanya noon nung liligawan ko si Bubbles. Nang kami ni Bubbles and after kami magkahiwalay, wala akong nakitang pagbabago sa pakikitungo niya sa akin. Lalo pa ngayon magkasama kami sa isang project, mas lalo kaming naging close."

Read Next
Read More Stories About
Paolo Contis, Banal
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After playing villain roles for a long time, Paolo Contis is now back portraying good-boy roles, like in the soap opera La Vendetta and the upcoming movie Banal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results