Did Janus del Prado again throw shade at Gerald Anderson?

by Arniel C. Serato
Mar 8, 2021
Janus del Prado throws shade Gerald Anderson
Janus del Prado's (left) Instagram followers believe that his post, 'You don’t have to put others down just to prove that you’re truly happy," is intended for Gerald Anderson (right).
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelpardo on Instagram / Gerald Anderson on Facebook

Pinarunggitan bang muli ng close friend ni Bea Alonzo na si Janus del Prado ang kapwa aktor na si Gerald Anderson?

Kagabi, March 7, may isang bagong quote na in-upload si Janus sa kanyang Instagram account.

Nakasaad sa photo quote: “You don’t have to put others down just to prove that you’re truly happy. If you’re happy and you know it, clap your hands. @janusdelprado”

Nakalagay sa caption ni Janus: “chos. (grinning squinting face, grinning face with sweat, victory hand, heart emojis) #titojokes #titoquotes #goodvibesonly

Wala mang nabanggit kung para kanino ito, kumbinsido ang ilan sa mga nagkomento sa post ni Janus na patama na naman niya ito kay Gerald.

Ito ay kaugnay ng panayam ni Gerald kay Boy Abunda noong Biyernes, March 5, kung saan sinabi ng aktor na naging “very, very toxic” ang huling bahagi ng relasyon nila ni Bea.

Itinanggi rin ni Gerald ang paratang na "ghosting" sa dating karelasyon.

Continue reading below ↓

Bahagi ng pahayag ng aktor tungkol sa ibinibintang sa kanyang ghosting: “Or is it walking away from a very unhealthy, toxic—not saying siya [Bea] yung toxic [or] ako yung toxic—but being together, we were very toxic...

"And hindi inirerespeto yung explanation na ibinibigay mo. Hindi tinatanggap after months, and months, and months, and months, and months of being on the rocks.

“If yun ang ghosting, I’m guilty of one of those two.”

NETIZENS REACT

Sa post na ito ni Janus, maraming netizens ang pumuri sa kanya sa pagiging matapat daw nitong kaibigan kay Bea.

Maraming “applause, thumbs up emojis” ang kinomento ng netizens sa nasabing Instagram post ng aktor.

Instagram comment: netizens applauds janus for being a supportive friend to bea

Continue reading below ↓

Sabi naman ng isa, sana raw ay umamin din si Gerald na may sinaktan sila ngayong inamin niyang sila na ni Julia Barretto.

Si Julia ang itinuturong third party sa hiwalayan nina Gerald at Bea noong 2019. Pero mariin nila itong pinabulaanan.

Instagram comment: netizens agrees with janus words

May nagsabi namang “hypocrites” daw sina Gerald at Julia. Tinag pa nga nito ang mismong Instagram accounts nina Gerald at Julia.

Continue reading below ↓

Instagram comment: netizens tag gerald anderson and julia barretto, call them hypocrites

Noong Sabado, March 6, isang araw matapos umamin ni Gerald sa relasyon nila ni Julia, pinatamaan din siya ni Janus sa kanyang Instagram.

Nakasaad sa unang post ni Janus: “Let them talk and dig their own grave while you win in silence.”

Makalipas ang ilang oras, muling nagbahagi ng quote si Janus.

Continue reading below ↓

Mapapansin sa kanyang post na ito ay tumutukoy sa paninira sa isang taong minsan mong minahal.

Nakalagay sa post: “No matter how it ended. You do not destroy someone you used to love.”

Sa ngayon, hindi pa nagpo-post sa kanyang Instagram si Gerald ng larawan nila ni Julia.

Si Julia naman ay binati siya sa kanyang kaarawan kahapon din.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janus del Prado's (left) Instagram followers believe that his post, 'You don’t have to put others down just to prove that you’re truly happy," is intended for Gerald Anderson (right).
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelpardo on Instagram / Gerald Anderson on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results