Carlo Aquino on how he pursued Trina Candaza: “Nag-stalk pa ako.”

by Bernie V. Franco
Mar 9, 2021
Carlo Aquino recounts first time seeing Trina Candaza: “Siya lang yung napansin ko talaga. ‘Tapos nagpa-picture ako sa kanya.”
PHOTO/S: @jose_liwanag on Instagram / Nice Print Photo

Inamin ni Carlo Aquino na hinanap niya sa Facebook at ini-stalk ang girlfriend na si Trina Candaza noon para ligawan ito.

Inilahad ni Carlo kung paano niya nakilala si Trina sa YouTube video ni Erich na ipinost noong March 7, Sabado.

Pagsisimula ng dramatic actor, “Mahilig kasi ako sa mga motor, di ba? So, isang beses, niyaya ko yung kaibigan ko na pumunta sa mga show.

“Pumunta ako sa World Trade [Center].

“’Tapos yun, ikot-ikot. 'Tapos siyempre, may mga models, mga babae."

Isa si Trina sa models ng motor show.

Pagpapatuloy ni Carlo, “Okay, ganyan-ganyan. Ikot-ikot lang ako. ’Tapos nakita ko siya.

“Sabi ko, ‘Ganda ng mata mo.’

“Siya lang yung napansin ko talaga. ‘Tapos nagpa-picture ako sa kanya.”

Makalipas ang ilang linggo, hinanap daw ni Carlo si Trina sa social media.

Lahad ng aktor, “After a few weeks, hinanap ko siya sa Facebook.

“Actually, kilala ko pala yung sister niya. Sinabi niya, ‘Kilala mo yung ate ko.’”

Continue reading below ↓

Binanggit daw ni Trina ang pangalan ng kanyang nakatatandang kapatid at naalala ito ni Carlo.

“So, hinanap ko siya doon sa Facebook ng [kapatid]. Nag-stalk pa ako!” natatawang pag-amin ni Carlo.

Nang mahanap niya ito sa Facebook, nag-chat na si Carlo kay Trina.

“Kinuha ko yung number niya. Nilabas ko siya. Nag-Greenhills kami, ganyan.

“Nagdire-diretso na.”

BECAUSE OF AN ISSUE

Pero sa kabila raw ng maganda nilang ugnayan, nahaluan ito ng isyu.

“’Tapos, may time na tumigil. ‘Tapos nagkagulo. Kung anu-ano na nangyari.

“Ayoko nang maging detalyado dun,” pag-iwas ni Carlo.

Nabalot ng kontrobersiya noon ang ugnayan nina Carlo at Trina.

Akala kasi ng fans ay nagkakamabutihan muli si Carlo at ang ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban matapos nilang magtambal sa pelikulang Exes Baggage noong September 2018.

Pero nag-react at nagalit ang maraming fans nina Carlo at Angelica, pati na rin ang aktres, nang lumabas ang paparazzi shots nina Carlo at Trina habang nagdyi-jetski sa La Union, noong January 2019.

Continue reading below ↓

February 2019, kinumpirma ni Carlo na si Trina ang kasama niya sa La Union.

Sa panayam ni Erich kay Carlo, sinabi ng aktor na muli siyang nakipag-ugnayan kay Trina nang humupa na ang isyu.

“’Tapos yun, nagkita ulit kami. Nag-pursue ako kasi hindi ko siya makalimutan.

“After nine, ten months, naging kami.”

Kinumpirma ni Carlo ang relasyon nila ni Trina noong October 2019.

Higit isang taon nang magkarelasyon ngayon sina Carlo at Trina.

Mayroon na rin silang anak—ang five-month-old na si Enola Mithi.

Ang susunod daw na hinahangad ni Carlo ay makapagpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino recounts first time seeing Trina Candaza: “Siya lang yung napansin ko talaga. ‘Tapos nagpa-picture ako sa kanya.”
PHOTO/S: @jose_liwanag on Instagram / Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results