Dionne Monsanto marries Fil-Swiss Ryan Stalder in Switzerland

by Arniel C. Serato
Mar 9, 2021
Dionne Stalder wedding
Actress Dionne Monsanto and Filipino-Swiss Ryan Stalder tie the knot in Switzerland yesterday, March 8.
PHOTO/S: Courtesy: @dionne on Instagram

Ikinasal na si Dionne Monsanto sa Filipino-Swiss fiancé niyang si Ryan Stalder sa Switzerland kahapon, March 8.

Simula kahapon, binago na rin ng aktres ang Instagram handle niya at ginawang Dionne M. Stalder.

Instagram handle name: Dionee Monsanto changed to Dionne M. Stalder

Wala pang post ang 25-year-old Pinoy Big Brother Season 2 housemate.

Pero ang mga kamag-anak at kaibigan ni Ryan ay may mga post na sa kani-kanilang Instagram Stories.

Continue reading below ↓

Ni-repost naman ito ni Dionne sa kanyang Instagram.

Sa post ng isang may handle name na @bauer_roger, nakalagay rito: “it’s happening the Wedding of @dionne & @nayr”

Instagram Story: Dionne Monsanto, Ryan Stalder wedding

Makikita naman sa post ng kapatid ni Ryan na si @vanessastalder ang wedding car nilang isang vintage Volkswagen van.

Continue reading below ↓

Instagram Story: Dionne Monsanto, Ryan Stalder wedding in Switzerland

Sa isa pang post ni Vanessa, makikita naman dito ang magkayakap na bagong kasal.

Instagram Story: Dionne Monsanto, Ryan Stalder wedding kiss

Continue reading below ↓

Sa isa pang ni-repost ni Dionne, winelcome naman siya ni Vanessa sa kanilang pamilya.

Mababasa sa caption: “WELCOME TO OUR FAMILY @DIONNE”

Instagram Story: Dionne Monsanto with Ryan Stalder family

DIONNE ANNOUNCES ENGAGEMENT LAST FEBRUARY 6

Noong February 6, 2021 lamang na-engage si Dionne kay Ryan sa hometown nito sa Kandersteg, Switzerland.

Sa magandang view ng snow-covered alps nag-propose sa kanya ang nobyo.

Continue reading below ↓

Sabi ni Dionne sa kanyang Instagram post, "I said, 'Yes! Why’d you take so long?'

"Ryan & I have known each other since my PBB season in 2007.

"Yet we only started dating in 2018—11 years of knowing each other.

"Grateful that we were friends first and that we’ve seen each other grow."

Naniniwala si Dionne na handa na sila ni Ryan sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Dagdag niya, "There’s no foundation better than friendship.

"Grateful that the universe gave me the kindest man ever.

"Here’s to forever + 49 years, my love @nayr_redlats [heart emoji]."

View this post on Instagram

A post shared by Dionne M. Stalder (@dionne)

Ang PBB housemate ni Dionne na si Mickey Perz, na isa ring Filipino-Swiss, ang nagpakilala sa aktres kay Ryan.

Napanood si Dionne sa kanyang supporting roles sa mga teleseryeng Lobo (2008), Tubig at Langis (2016), at A Soldier's Heart (2020) sa Kapamilya network.

Samantala, si Ryan ay may pag-aaring restaurant-resort sa Siargao.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Dionne Monsanto and Filipino-Swiss Ryan Stalder tie the knot in Switzerland yesterday, March 8.
PHOTO/S: Courtesy: @dionne on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results