Did Kiko Estrada, Devon Seron break up? Devon's followers accuse Heaven Peralejo of being the third party

by Arniel C. Serato
Mar 10, 2021
Netizens speculate that Devon Seron and Kiko Estrada have called it quits after the two unfollowed each other on Instagram. Devon also deleted photos of her and Kiko on her IG account, while Kiko deleted all his posts.
PHOTO/S: Instagram / Star Cinema

Hiwalay na ba sina Kiko Estrada at Devon Seron?

Ito ang hinala ng netizens matapos mabasa ang makahulugang post ng aktres sa kanyang Instagram nitong Martes ng gabi, March 9.

Post ni Devon: “The tongue may hide the truth but the eyes never.

“I asked God for a sign but I witnessed it for myself.”

Sinamahan niya ito ng dalawang magkahawak na kamay kung saan may usok itong tila may hitsura ng demonyo kung susuriing mabuti.

Devon Seron Cyrptic Instagram Post

Continue reading below ↓

Sa comments section, tila alam ng ilang followers ni Devon na may problema sa relasyon ng aktres at ni Kiko.

May ilan ding direktang nagbanggit sa pangalan ni Heaven Peralejo, na itinuturong third party umano sa breakup nina Kiko at Devon.

Magkasama sina Kiko at Heaven sa teleserye ng ABS-CBN na Bagong Umaga.

Narito ang komento ng ilang netizens:Instagram comment: netizen accuses heaven peralejo of being the third party

Continue reading below ↓

Instagram comment: netizen nasty remark against heaven peralejo

Instagram comment: netizen jokes that heaven is a snake

Continue reading below ↓

Bandang 12:30 a.m. ng March 10, in-off na ni Devon ang comments section kaya wala nang mababasang komento rito.

IS HEAVEN peralejo INVOLVED?

Totoo nga bang may kinalaman si Heaven sa hiwalayan nina Kiko at Devon?

Sa magkakasunod na Instagram Stories ng ate ni Devon na si Chriselda Seron (@dhemyseron), mababasa rito ang kanyang cryptic messages na tila patama sa isang tao.

Una na rito ang tungkol sa taong 2021.

Makahulugang sabi ni Chriselda: “It says 2021 is YEAR OF THE OX. How the f*ck these [snake emoji] are dominating this year?”

Chriselda Seron throw

Continue reading below ↓

Sa isa pang post, sabi ng kapatid ni Devon: “As usual, there is a GREAT WOMAN behind every idiot and this idiot chose a worthless stone #dumbass”

Chriselda Seron throw

Sa isa pa niyang Instagram Stories, makikita rito ang larawan ng tila isang paraiso.

Caption ni Chriselda: “Doesn’t suit you”

Continue reading below ↓

Chriselda Seron Instagram Story: heaven stairs

May kasunod siyang post kung saan daw nababagay ang hindi niya pinangalanang tao: sa nagbabagang apoy na tila impiyerno.

Caption ng ate ni Devon: “This suits you.”

Chriselda Seron Instagram Story: hell

Continue reading below ↓

KIKO, DEVON UNFOLLOW EACH OTHER ON INSTAGRAM

Kapansin-pansin ding in-unfollow na nina Kiko at Devon ang isa’t isa sa Instagram.

Pati mga larawan nina Devon at Kiko ay burado na sa Instagram account ng aktres.

Devon Seron unfollows Kiko Estrada

Si Kiko naman ay binura lahat ang kanyang posts sa Instagram.

In-unfollow na rin ng aktor ang lahat ng kanyang pina-follow.

Continue reading below ↓

Kiko Estrada unfollows everyone, deletes all posts

Kung totoo mang break na sina Kiko at Devon, tumagal ng dalawang taon ang kanilang relasyon.

Noong June 2020, umalis si Devon sa bakuran ng GMA Artist Center upang sundan si Kiko sa ALV Talents ni Arnold Vegafria.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pahayag ng lahat na nabanggit na personalidad sa artikulong ito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens speculate that Devon Seron and Kiko Estrada have called it quits after the two unfollowed each other on Instagram. Devon also deleted photos of her and Kiko on her IG account, while Kiko deleted all his posts.
PHOTO/S: Instagram / Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results