Netizens ask: are Barbie Imperial, Ricci Rivero reacting to Devon-Kiko-Heaven issue?

by Rachelle Siazon
Mar 10, 2021
Barbie Imperial (extreme left) and Ricci Rivero's (second from left) cryptic posts on Twitter cause netizens to speculate that the two seem to be alluding to the social media controversy involving Devon Seron (middle), Kiko Estrada (second from right), and Heaven Peralejo (extreme right).
PHOTO/S: Instagram

Pumukaw ng pansin ng netizens ang halos magkakasunod na tweets nina Barbie Imperial, Ricci Rivero, at Chie Filomeno na nauugnay sa kontrobersiya sangkot sina Devon Seron, Kiko Estrada, at Heaven Peralejo.

Sina Devon, 27, at Kiko, 25, ay magkasintahan.

Si Heaven, 21, ay bida sa Bagong Umaga, ang Kapamilya prime-time series na nagsimulang umere noong October 2020 hanggang sa kasalukuyan. Co-star niya rito si Kiko.

Gabi ng Martes, March 9, hanggang umaga ng Miyerkules, March 10, nag-trend sa Twitter ang mga pangalan nina Devon at Kiko dahil sa hinihinalang hiwalayan nila.

Dawit si Heaven Peralejo, na pinaghihinalaang may kinalaman diumano sa breakup ng magkasintahan.

Base ito sa agaw-pansing Instagram post ni Devon tungkol sa nasaksihan niya umanong kasinungalingan.

Kasabay nito ay nagpakawala ng patutsada ang kapatid ni Devon na si Dhemy Seron tungkol sa ahas na naglipana raw ngayong taong 2021.

Sinundan ito ni Dhemy ng makahulugang litrato ng langit na hindi raw nababagay sa kung sino mang personalidad na tinutukoy niya.

Continue reading below ↓

TWEETS OF BARBIE, RICCI, CHIE

Lalong nahiwagaan ang netizens sa kontrobersiya nang mapansing may tila makahulugang tweets sina Barbie at Ricci noon ding gabi ng Martes, March 9.

Si Barbie, 22, ay co-star ni Heaven sa Bagong Umaga.

Si Ricci, 22, ay co-star ni Heaven sa Happy Times, ang teen romance film na natigil ang shoot nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Sa Instagam Story, may makahulugang post si Ricci na mga mata na tumitingin sa kanan at kaliwa. GIF o video format na emoji iyon na animo'y may nakita siyang kung ano.

Sinundan niya ito ng isang blangkong itim lang na Instagram Story.

Ricci Rivero Instagram Story: peeking eyes emoji

Continue reading below ↓

Sa Twitter, nag-tweet naman si Ricci ng isang emoji ng monkey na tinatakpan ang bibig.

Ricci Rivero Twitter Post: Speak-No-Evil Monkey emoji

Nagkomento rito si Chie Filomeno ng shocked emoji.

Sina Ricci at Chie ay magkatrabaho sa TV5 show na Gen Z.

Chie Filomeno Twiiter Post: Shocked Emoji

Continue reading below ↓

Si Barbie naman ay nag-tweet na nasa "mood" siyang uminom ng mainit na tsaa.

Barbie Imperial Twiiter Post: hot tea shade

Bagamat mga emojis lang ang tweets nina Barbie at Ricci, hinihinala ng netizens na tila nagkakaintindihan ang mga ito.

Napuna rin ng netizens na nag-like si Barbie sa monkey na nakatakip ang bibig na emoji ni Ricci.

Continue reading below ↓

Barbie likes Ricci Twitter post

Nag-iwan naman ng laughing with tears at perfect score emojis si Tony Labrusca sa "hot tea" tweet ni Barbie.

Sina Tony at Barbie ay co-stars sa Bagong Umaga. Magka-love team sina Tony at Heaven sa serye.

Bagong Umaga co-star Tony Labrusca replies to Barbie twitter post

Continue reading below ↓

NETIZENS' REACTIONS

Bumuhos ang espekulasyon ng netizens dahil sa kakaibang tweets nina Barbie at Ricci.

Marami ang nagtanong kay Barbie kung ang ibig bang sabihin na gusto niya ng "hot tea" ay mayroon itong nalalamang mainit na impormasyon gaya ng idiomatic expression na "spill the tea."

Twitter Replies: netizens request to spill the tea

Tingin ng netizens ay may kinalaman umano ang tweet ni Barbie sa co-stars na sina Heaven at Kiko na hinihinalang may ugnayan.

Continue reading below ↓

Lalo pa't noon ding Martes nagpakawala si Devon ng matalinhagang mensahe tungkol sa nasaksihan umano nitong kasinungalingan.

Twitter Replies: netizens speculate on kiko-heaven real score

Twitter Replies: netizen urges barbie to spill the tea between kiko and heaven

Continue reading below ↓

Si Ricci naman ay tinatanong din ng netizens kung may kinalaman ang kanyang tweet kay Heaven.

Twitter Replies: netizens ask ricci if tweet is connected to kiko-heaven-devon feud

Hinala ng netizens, may pinipigilan daw aminin si Ricci tungkol sa kung anuman ang naging ugnayan nito at ni Heaven.

Twitter Replies: netizen speculates ricci of hiding something

Continue reading below ↓

Twitter Replies: netizens jokes on ricci, heaven no-label relationship before

RICCI AND HEAVEN ROMANCE RUMORS


Noong May 2020, may mga netizen na nagtatanong kung higit sa pagiging movie co-stars ang ugnayan nina Ricci at Heaven.

Sinagot ito ni Heaven sa PEP Exclusives noon ding buwan na iyon. Sinabi ni Heaven na "wala" silang ugnayan ni Ricci maliban sa pagiging magkatrabaho sa pelikulang Happy Times.

Continue reading below ↓

Pero noong June 2020, napansin ng netizens na may video si Heaven kunsaan magkasama sila ni Ricci.

Mahihinuhang tila bumisita si Ricci sa bahay ni Heaven base sa video kunsaan nakaupo ang binata sa sofa sa sala ng bahay ng aktres.

Ipinakita pa ni Heaven sa video ang kanyang ina at nakababatang kapatid na tila kasama nilang naglaro ng game.

Maririnig naman si Heaven na inaasar si Ricci na tila natalo sa kanilang laro.

Nakasuot noon si Ricci ng hoodie jacket.

Ricci Rivero wearing yellow hoodie

Continue reading below ↓

May hiwalay na okasyon din kunsaan makikitang kapareho ng hoodie ni Ricci ang suot na hoodie ni Heaven.

Suot iyon ng aktres sa isa niyang TikTok post na burado na ngayon.

Tiktok video: Heaven Peralejo wearing ricci yellow hoodie

Sa ngayon, walang direktang pahayag sina Barbie at Ricci tungkol sa kanilang matalinhagang tweets na nauugnay sa isyu sangkot sina Devon, Kiko, at Heaven.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin namang naka-private na ang setting ng Instagram nina Devon at Kiko.

Wala namang anumang social media post si Heaven ukol dito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial (extreme left) and Ricci Rivero's (second from left) cryptic posts on Twitter cause netizens to speculate that the two seem to be alluding to the social media controversy involving Devon Seron (middle), Kiko Estrada (second from right), and Heaven Peralejo (extreme right).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results