Julia Barretto admits to feeling "crucified" by bashers; says, "I won't pay back bad with bad."

by Rachelle Siazon
Mar 11, 2021
Julia Barretto on taking the high road when it comes to bashers: "It's always, like, 'I'll pray for you. I hope your heart is at peace.' Kasi kung at peace ka, masaya ka, kung di ka bitter, you'll not talk to anybody that way."
PHOTO/S: @bjpascual Instagram

"Crucified."

Ganito inilarawan ni Julia Barretto ang pakiramdam niya kapag pinupukol siya ng masasamang salita ng bashers.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na inulan muli ng batikos si Julia at ang nobyo niyang si Gerald Anderson nang umamin sila sa publiko tungkol sa kanilang relasyon.

Sakto iyon sa pagdiriwang ng magkasunod nilang kaarawan—si Gerald noong March 7 at si Julia noong March 10.

Nitong March 10, Miyerkules, lumabas ang panayam kay Julia sa YouTube vlog ng celebrity photographer na si BJ Pascual.

Hindi malinaw kung na-shoot ito bago pa ang kumpirmasyon nina Julia, 24, at Gerald, 32, tungkol sa kanilang relasyon.

Pero ayon kay Julia, iisa lang ang kanyang posisyon pagdating sa bashers.

Mabibilang lang daw sa kamay ang mga pagkakataong sumagot siya sa basher niya sa social media.

Lahad ni Julia: "Hindi ako mapagpatol. Pero kapag may nagko-cross na ng line, I will answer.

"But never in a bastos way.

Continue reading below ↓

"I won't pay back bad with bad. I believe paying back good sa bad.

"Fight the good fight of faith, di ba, sabi sa Bible?"

Sinisiguro rin daw ni Julia na maayos ang pagsagot niya sa bashers.

"I'm always hoping for the best for them every time I reply. It's always, like, 'I'll pray for you. I hope your heart is at peace.'

"Kasi, for you to be talking to me this way, you must be going through something.

"Kasi kung at peace ka, masaya ka, kung di ka bitter, you'll not talk to anybody that way."

Diin pa ni Julia, "I kinda look at it, maybe they're not okay. Maybe there's something they wanna improve in their lives or change in their life na hindi pa nagbabago.

"I just don't wanna judge also because I know what it's like to be judged."

GROWING UP IN THE SPOTLIGHT

Hindi na rin daw bago kay Julia ang panghuhusga ng ibang tao lalo pa't lumaki siya sa pamilya ng mga artista.

Continue reading below ↓

Ang ama ni Julia na si Dennis Padilla ay beteranong komedyante, habang ang ina niyang si Marjorie Barretto ay dati ring aktres.

Dalawa sa tiyahin ni Julia na sina Gretchen at Claudine Barretto ay pawang mga artista rin.

Patuloy ni Julia, "The older that I'm getting, the older I am in the business, because I started out at six years old...

"And being in a family, well, you know, a lot of them have been in the spotlight for so many years, and growing up in the spotlight also...

"Whether you do good or something bad, people will have something to say.

"So keep going. Keep doing good."

COMPARTMENTALIZING WHAT MATTERS TO HER

Natutunan din daw ni Julia na mas pahalagahan ang opinyon ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan kaysa sa mga taong hindi niya kilala.

"I'm slowly starting to realize how important it is to compartmentalize things—what matters and what doesn't matter.

Continue reading below ↓

"So sometimes if it's the opinion from people who don't have significant role in your life and really don't matter to you, who you dont even know, I'm never gonna be affected by it.

"Because you don't know me. I don't know you. We can't judge each other. It's just not possible."

HOT STORIES

Use these BeautyMnl promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on taking the high road when it comes to bashers: "It's always, like, 'I'll pray for you. I hope your heart is at peace.' Kasi kung at peace ka, masaya ka, kung di ka bitter, you'll not talk to anybody that way."
PHOTO/S: @bjpascual Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results