Does JD Domagoso see himself living in Malacanang? "Sana po hindi"

by Rommel Gonzales
Mar 14, 2021
JD Domagoso, 19, quips "mas pogi ako" after being compared with his dad Isko Moreno (inset), who was also 19 when he joined showbiz.
PHOTO/S: @jdomagoso on Instagram; Screen Grab from Pipol

Hindi maiwasan na maikumpara si Joaquin "JD" Domagoso sa kanyang ama na si Manila Mayor Isko Moreno.

Tulad ng 19-year-old newbie, si Isko ay 19 years old din nang madiskubre ng isang talent scout sa Tondo.

Sa social media, pinagkukumpara ng netizens ang itsura, kilos, galaw, at pananalita ng mag-ama.

Pati nga ang mga video ni Isko na nagsasayaw noon sa That's Entertainment, ang programang naglunsad ng kanyang career, ay nagsusulputan ngayon at itinatabi sa video ni JD na sumasayaw rin.

Ano ang masasabi ni JD sa pagkukumparang ito?

"Basta ako, mas pogi ako," ang bulalas na pagbibiro ng nakababatang Domagoso. "Joke lang!

"Okay lang naman sa akin na ma-compare ako sa tatay ko kasi given naman iyon na mako-compare kami, pero that's not my focus naman, e.

"That's what he wanted to do when he was a kid, and ako naman, gusto ko ring maging artista.

"So hindi ko naman kino-compare iyong mga, parang, achievements niya sa akin kasi we all have different phases, ganun, and different experiences po."

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng press si JD sa Zoom media conference ng First Yaya nitong Lunes, March 8,

Sa First Yaya ay gaganap si Sanya Lopez (bilang si Melody Reyes) na yaya o nanny ng mga anak ng Bise-Presidente na naging Presidente ng bansa na gagampanan naman ni Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta).

Gaganap naman sa nabanggit na teleserye si JD bilang si Jonas na love interest ni Niña Acosta na gagampanan naman ni Cassy Legaspi.

Jd DOMAGOSO ON HIS FATHER ISKO'S POLITICAL PLANS

Samantala, matunog ang pangalan ni Isko na isa sa mga tatakbo diumano bilang Pangulo ng Pilipinas sa 2022 elections.

Tinanong si JD kung nakikita ba niya ang kanyang sarili na titira balang araw sa Malacañang Palace, na siyang opisyal na residence ng nakaupong lider ng bansa?

Nabigla ang ilang miyembro ng press sa sagot ng binata.

"Sana po hindi, sana po hindi!

Continue reading below ↓

"Sa akin, ayoko talaga, ayoko talaga."

Bakit ayaw niya?

"Wala, parang... baka umiba na iyong tingin ng tao sa akin or magiging mahirap ang buhay, e.

"May bodyguard ka na lagi. E, di papaano iyon, papaano ka makaka-enjoy ng buhay? 'Tsaka delikado."

Alam ba ng ama niya ang opinyon niyang ito?

"Hindi, opinyon ng dad ko, ayaw niya namang magtakbo bilang Presidente, e.

"Hanggang mayor lang po siya," pahayag pa ni JD.

Samantala, ipapalabas na sa GMA simula sa Lunes, March 15, alas otso ng gabi, ang First Yaya kapalit ng Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday.

Bukod kina Sanya, Gabby, Cassy at JD ay kasama rin nila dito sina Pancho Magno (Conrad Enriquez), Pilar Pilapil (Blesilda Acosta), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Sandy Andolong (Edna Reyes).

Nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Cai Cortez (Norma), Kakai Bautista (Pepita), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.

Continue reading below ↓

Ang First Yaya ay sa direksiyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JD Domagoso, 19, quips "mas pogi ako" after being compared with his dad Isko Moreno (inset), who was also 19 when he joined showbiz.
PHOTO/S: @jdomagoso on Instagram; Screen Grab from Pipol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results