Katrina Halili on zero love life: "Walang nanliligaw kasi skeptical nga ako.”

by Glenn Regondola
Mar 12, 2021
Katrina Halili: "Ganun siguro kapag okay ang career… walang love life."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Walang panahon si Katrina Halili pagdating sa usaping pag-ibig.

Bukod sa pagiging abala niya sa kanyang career ay gusto raw niyang asikasuhin ang kanyang buhay-pamilya at ilang kabuhayan sa El Nido, Palawan, kung saan siya nakabase ngayon.

Eight years old na rin ang anak nila ni Kris Lawrence na si Katrence.

Taong 2014 nang aminin niya ang breakup ni Katrina ang breakup nila ni Lawrence. Simula noon, wala nang lalaking na-link sa Kapuso star.

Pahayag ng 35-year-old actress tungkol sa present status ng kanyang love life, “Wala po. Ganun siguro kapag okay ang career…walang love life.

“Okay naman na, dedma na sa love life. Nagsawa naman na ako nung bagets ako.

“Baka skeptical po ako, dinidedma ko.

“May mga nag-aaya naman, pero ayoko, di ko type, wiz because….

“Iyong mga kasama ko [gay friends], sila iyong may mga dyowa, may mga kasama.

“So ang gaganda nila.”

Ibig bang sabihin nito ay hindi na siya open sa pakikipagrelasyon?

Continue reading below ↓

Aniya, “Open naman po.

“Siguro pag may chance na makita ako na gusto ko.

“Sa ngayon, walang nanliligaw kasi skeptical nga ako.”

Happy rin naman daw siya sa present niya bilang isang ina, lalo na’t maganda naman ang relasyon ng anak sa kanyang ama.

Saad pa ni Kat, “Okay naman po sila, nag-uusap naman po sila, pero via Zoom lang dahil sa [pandemic], at nasa El Nido nga siya.

“Masaya sa probinsiya kasi masarap ang hangin at saka simple lang.

“Dito kasi, lalabas ka para mag-shopping ‘tapos uwi na kaagad. Bili ka ng groceries ‘tapos uwi ka kaagad.”

KATRINA HALILI ON MOVIE ABE NIDA: "NAKAKA-PRESSURE."

Samantala, hindi maitago ni Katrina ang sobrang kasiyahan na sa unang pagkakataon ay bibida siya sa pelikulang Abe Nida, na hindi niya akalaing maiaalok sa kanya.

Sabi ng Kapuso actress, “Sobrang nae-excite po ako kasi, alam kong magandang pelikula ito, at ilalaban sa film festivals abroad.

Continue reading below ↓

"And of course with Direk Louie at makakasama sina Allen Dizon, at sina Direk Laurice Guillen at Joel Lamangan [bilang mga actor sa movie], nai-excite ako kasi, magagaling iyong mga kasama mo, at kung magagaling ang mga kasama mo, siyempre, kahit papaano ay marami kang matututunan sa kanila.

“Pero nandun din siyempre, na nakaka-pressure din po.

“Kailangan ay galingan mo rin talaga.

“Hindi naman sa ninerbiyos kasi marami na rin po akong nakasamang mga artista at director, pero siyempre, kailangan ano, kailangang focused ka, ganyan.

“Talagang kailangang memorized mo ang script, at ang sabi ko nga, maiinom ako ng mga pam-boost ng memory."

Nakapanayam si Kat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng pelikulang Abe Nida, na sisimulan na ng award-winning director na si Louie Ignacio under BG Productions International.

Ang press launch ay ginanap noong March 10, 2021, sa Marco Polo Hotel, Ortigas, at dinaluhan ng mga artistang sina Allen Dizon at Leandro Baldemor. Naroon din si Ina Alegre, na mayor ng Pola, Oriental Mindoro.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Halili: "Ganun siguro kapag okay ang career… walang love life."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results