Did Darren Espanto post "officially missing you" after exchanging messages with Cassy Legaspi? 

by Rachelle Siazon
Mar 11, 2021
Darren Espanto keeps fans guessing whether or not he's alluding to Cassy Legaspi in his punchline on Instagram that reads in part, "Officially missing you..."
PHOTO/S: @darrenespanto / @cassy Instagram

Nag-iwan ng palaisipan si Darren Espanto, 19, kung si Cassy Legaspi, 20, ba ang bigla niyang na-miss noong Miyerkules ng gabi, March 10 (Philippine time).

Nasa Canada pa rin ang Kapamilya singer na si Darren, pero kapansin-pansin ang patuloy na komunikasyon nila ng Kapuso host-actress na si Cassy.

Nauna si Cassy na mag-post sa Instagram ng kanyang outfit na maluwag na T-shirt, jogging pants, at rubber shoes.

Sabi niya sa caption, "my closet is literally filled with oversized men’s clothing now."

Continue reading below ↓

Kuha ang litrato ni Cassy sa lock-in taping ng upcoming Kapuso prime-time series na First Yaya.

Sa comments section, nag-react si Darren at tinag ang kambal ni Cassy na si Mavy Legaspi.

Nang-aasar na sabi ni Darren, "It’s your time to shine @mavylegaspi. Nasa lock-in siya, raid her closet!"

Sagot ni Cassy kay Darren, "@darrenespanto, NO, MAVY KEEPS GETTING MY OVERSIZED CLOTHES!!!"

Instagram comment: Darren Espanto reacts to Cassy Legaspi post

Continue reading below ↓

DARREN POSTS "OFFICIALLY MISSING YOU..."

Kasunod ng pag-reply ni Cassy kay Darren ay nag-upload din ang singer ng Instagram post kalakip ng kanyang selfie mirror shot.

Tila nasa loob ng kuwarto sa bahay si Darren na nakasuot ng puting sando, shorts, at beanie.

Bitin ang caption ni Darren na ang unang linya ay: "Officially missing you..."

Sabay sinundan niya ito ng linyang: "...is a good song. Yun lang [smiley emoji]."

Continue reading below ↓

Tila walang malisya ang kabuuan ng caption ni Darren dahil kanta ng Canadian singer na si Tamia ang "Officially Missing You."

Pero humirit si Mavy sa comments section na tila may nais daw tumbukin na ibang kahulugan si Darren.

"ah, song pala yun? nice nice," simpleng banat ni Mavy.

Instagram comment: Mavy Legaspi teases Darren

Sa mga masugid na tagasubaybay nina Darren at Cassy, hindi kaila na mismong si Mavy ay madalas asarin ang dalawa.

Continue reading below ↓

Dati nang tinawag ni Mavy na "brother-in-law" si Darren dahil sa pagkakaugnay ng singer kay Cassy.

Noong February 8, pabirong inasar din ni Mavy si Darren nang mag-post ang huli ng iniendorso nitong rubber shoes na unang beses daw niyang ipinakita sa kanyang Twitter account.

Hirit noon ni Mavy, "sa alam ko bro, parang it wasn’t twitter that saw it first... parang may kilala ako."

CASSY AND DARREN'S CONSTANT COMMUNICATION

Nabuhay ang espekulasyon tungkol sa pagiging malapit nina Cassy at Darren dahil sa debate nila tungkol sa pagluto ng instant cup noodles para sa taong mahal nila.

Dagdag pa rito ay hinihinalang pinadalhan ni Darren ng bouquet of sunflowers si Cassy noong Valentine's Day, bukod sa ipinadala niyang pizza para sa pamilya Legaspi.

Noong February 18, nagpalitan ng mensahe sina Darren, batang kapatid ni Darren na si Lynelle, at pati na rin si Cassy sa comments section ng YouTube vlog ni Lynelle noon.

Continue reading below ↓

Sinasabing huling magka-video call sina Darren at Cassy noon dahil si Cassy ang nagbigay ng update sa netizens na kinuha ni Darren ang iPad ni Lynelle noong mga oras na iyon.

Pero pa-safe sina Darren at Cassy sa tuwing natatanong kung may pagsinta sila sa isa't isa.

Sinasabi nilang magkaibigan sila at alam daw nilang prayoridad nila ang kani-kanilang career sa ngayon.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darren Espanto keeps fans guessing whether or not he's alluding to Cassy Legaspi in his punchline on Instagram that reads in part, "Officially missing you..."
PHOTO/S: @darrenespanto / @cassy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results