NBI probe shows alleged reckless imprudence, obstruction of justice, perjury vs Christine Dacera's friends

by Rachelle Siazon
Mar 12, 2021
Apat sa mga kaibigan ni Christine Dacera ang inirekomenda ng NBI na makasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide, tatlong respondents para sa perjury, at walong respondents para sa obstruction of justice. Ipinasa ng NBI ang rekomendasyon nito sa DOJ.
PHOTO/S: @xtinedacera Instagram / Fund For Truth Facebook page

Hindi pa tapos ang kalbaryong kinahaharap ng mga kasama ni Christine Dacera na nag-party sa City Garden Hotel sa Makati City noong gabi ng December 31, 2020 hanggang umaga ng January 1, 2021.

Si Christine, 23, ang flight attendant na natagpuang walang buhay habang nakahiga sa bathtub ng hotel room na nirentahan nito.

Natukoy na may 12 kataong kasama si Christine sa Room 2209.

Ang nasa Room 2209 na kasama ni Christine ay sina Rommel Galido, John Paul "JP" dela Serna, Clark Rapinan, Valentine Rosales aka Alain Chen, at Gigo de Guzman.

Kasama rin sina Louie de Lima, Mark Anthony Rosales, Ed Madrid, Jammyr Cunan, Rey Englis, at John Paul Halili.

Dawit din sa imbestigasyon ang hotel guests sa katabing hotel room o Room 2207, kunsaan may nakahalubilo rin si Christine at ibang kasamahan.

Ngayong Biyernes, March 12, lumabas na patung-patong na kaso ang inirerekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice laban sa ilang kasamahan ni Christine.

Continue reading below ↓

Sa ulat ng ABS-CBN News Online, nakasaad na ang inirekomenda nilang makasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide ay sina JP, Clark, Valentine, at Louie.

Ang mga inirekomendang sampahan ng obstruction of justice: Mark, Rommel, JP, Gigo, Clark, Valentine aka Alain, Rey, at Darwin Macalla.

Si Darwin ay guest sa Room 2207.

Inirekomenda rin ng NBI na kasuhan ng perjury sina Rommel, JP, at Darwin.

Lumabas sa imbestigasyon ng NBI na natukoy si Mark na nag-administer umano ng illegal drugs sa party.

Sa hiwalay na Facebook Live ng CNN Philippines ngayong Biyernes, mapapanood ang media briefing ng NBI tungkol sa kaso ni Christine Dacera.

Ipinaliwanag ng NBI na mayroon umanong naganap na reckless imprudence resulting to homicide dahil sa tagal bago nirespondehan ang patuloy na pagsusuka, hirap sa paghinga, at sakit ng ulo ni Christine.

Nabanggit ang pagsundo ng lasing na si Christine mula sa Room 2207 pabalik ng Room 2209 noong pasado alas sais y medya ng umaga ng January 1.

Continue reading below ↓

Liable umano sina JP, Valentine, Clark, at Louie—na nasaksihan ang kondisyon ni Christine—dahil responsibilidad daw ng mga itong humingi agad ng medical assistance para sa kasama nilang si Christine.

Paliwanag ni Agent Zulikha Marie Conales-Degamo:

"Sabi ko nga kanina, 'All criminal cases should be observed using observation of human nature.'

"Kung ako nakikita ko ang aking kaibigan na nagsusuka, masakit na masakit ang ulo, ang gagawin ko siguro either bibigyan ko ng gamot or I'll seek immediate assistance..."

Diin pa ni Conales-Degamo: "Now, reckless imprudence resulting to homicide, you did not intend to kill anybody.

"But your omission to give proper prudence and diligence required of you—in that time and place, you failed to give that—that diligence, that prudence, you are liable under the law.

"Kaya namin sila kinasuhan."

Hindi dawit sa diumano'y reckless imprudence resulting to homicide sina Gigo at Rommel dahil napag-alamang walang magagawa ang dalawa sa kondisyon ni Christine.

Continue reading below ↓

Tila kaugnay ito ng salaysay nina Rommel at Gigo na nagising na lamang sila noong alas dose ng tanghali ng January 1, at dito nila natagpuang walang buhay si Christine.

Sinabi rin ng NBI na inirekomenda nilang kasuhan sina Rommel at JP ng perjury o pagsisinungaling sa kanilang isinumiteng sinumpaang salaysay sa Makati Prosecutor's Office.

Ito ay sa dahilang wala raw katotohanan ang alegasyon nina Rommel at JP na sila ay dumanas ng mental at emotional torture sa panahong sila ay naditena sa presinto ng Makati.

Matatandaang sinabi nina Rommel at JP na ito ang naging mitsa para mapilitan umano silang magturo nang sila ay nasa kamay ng pulisya na may kasamahan sila sa party na may dalang ilegal na droga.

Magsisilbi raw na witnesses ang guests sa Room 2207 maliban kay Macalla. Natukoy umano si Macalla na nanatili ng higit apat na oras sa Room 2209.

Si Macalla rin umano ang nagsabi sa sinumpaang salaysay nitong may sinabihan siyang dalawang kasama sa Room 2207 na sina JP at Ed ay gumamit diumano ng ilegal na droga.

Continue reading below ↓

CHRISTINE'S CAUSE OF DEATH

Inihayag din ni NBI na "consistent ang "indicators" na nakita sa autopsy ng labi ni Christine na ito ay pumanaw dahil sa ruptured aortic aneurysm.

Lumabas daw sa toxicology examination sa labi ni Christine ang presensiya ng Diltiazem na natukoy na "prescription drug for management of hypertension."

Paliwanag ni NBI director Ferdinand Lavin: "Let me make it clear. We're not saying Christine Dacera took Diltiazem that night.

"We're saying na she has been taking Diltiazem as found in the presence [of that drug] sa liver and then sa stomach. This is to help her condition.

"On that night when she took illegal drugs and alcohol, it defeated the purpose for which she was taking Diltiazem."

Hininalang may existing aneurysm na si Christine, at posible umanong na-trigger ang pagputok ng kanyang aortic wall dahil sa paggamit diumano ng ilegal na gamot.

Lahad ni Conales-Degamo:

"Isa po sa mga naka-attach naming ebidensiya sa submission namin sa DOJ is a medical opinion discussing the relationship of the ruptured aortic aneurysm and the alleged intake of drugs...

Continue reading below ↓

"Yes, it is medically probable that the ruptured aortic aneurysm had been existent already.

"The rupture therefore is triggered by increase of heartbeat dahil you possibly took something or dahil na-highblood ka.

"In the context of intake of drugs, sabi sa medical opinion ng ating mga eksperto, ang intake ng drugs tataas ang blood pressure mo, i-increase ang heartbreat mo, which naturally would cause the rupture of the existing aneurysm."

ALLEGED INTAKE OF ILLEGAL DRUGS

Sa puntong ito, sinabi ni Conales-Degamo na may natagpuan umanong "methamphetamine" malapit sa pinagsukahan ni Christine sa hotel room.

Ang "methamphetamine," ayon sa pna.gov.ph, ay kilala rin sa tawag na "shabu" o isang matinding stimulant na nakaapekto sa central nervous system.

Kasama ito sa listahan ng mga ipinagbabawal na gamot.

Sabi ni Conales-Degamo: "Let me clarify, the drugs that I'm referring which would increase the heartbeat is actually illegal drugs.

"In fact, in the discussion, we focused on the use of methamphetamine, which, kung makikita sa chemistry report ng ating SOCO, ay present sa vomitus matter na nakuha malapit sa kung saan siya nagsusuka."

Continue reading below ↓

NBI FINDS NO EVIDENCE FOR RAPE

Hindi naman inirekomenda ng NBI na kasuhan ng rape ang mga kasamahan ni Christine sa party.

"We cannot prove the fact of rape," ani Lavin.

Dagdag pa ni Degamo hinggil sa resulta ng autopsy ng NBI sa katawan ni Christine, "Walang abrasion sa kanyang labia majora."

Taliwas daw ito sa naunang autopsy report na ginawa ni Southern Police District Medico Legal Officer Police Maj. Michael Sarmiento.

Kaya raw inirekomendang makasuhan si Sarmiento ng falsification of public document.

Inirekomenda ring makasuhan ng obstruction of justice si Atty. Neptali Maroto, ang legal counsel nina Rommel at JP.

Kaugnay ito ng binawing testimonya nina Rommel at JP sa presinto ng Makati.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apat sa mga kaibigan ni Christine Dacera ang inirekomenda ng NBI na makasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide, tatlong respondents para sa perjury, at walong respondents para sa obstruction of justice. Ipinasa ng NBI ang rekomendasyon nito sa DOJ.
PHOTO/S: @xtinedacera Instagram / Fund For Truth Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results