Piolo Pascual asked about his TOTGA: “Marami.”

by Bernie V. Franco
Mar 12, 2021
Piolo Pascual asked if he felt marrying a woman he was in relationship with in the past: “Yeah, of course."
PHOTO/S: Facebook (Piolo Pascual)

Inamin ni Piolo Pascual na may babaeng dumating sa kanyang buhay na ninais niyang pakasalan.

Sinabi rin ng 44 anyos na aktor na hindi lang isa ang kanyang naging TOTGA o “the one that got away.”

Hindi nakaligtas si Piolo sa pang-uusisa tungkol sa kanyang romantic life sa YouTube video ng celebrity doctor na si Vicki Belo na ipinost nitong Huwebes, March 11.

Binisita ni Vicki at ng mister niyang si Hayden Kho si Piolo sa private beach resort nito sa Batangas.

Very hands on si Piolo sa pagtatayo ng kanyang “earth village,” isang eco-friendly property.

Biniro ang aktor na para siyang modern-day Adam dahil sa pagtatayo ng nature-friendly na ari-arian.

Kaya hirit na tanong sa kanya: sino ang kanyang Eba?

Hindi tuwirang sinagot ni Piolo ang tanong

“I just really was married to my work,” sagot niya.

Sinundot ito ng tanong ni Vicki kung dumating na ba sa buhay ni Piolo na gusto na nitong pakasalan ang babaeng nakarelasyon niya.

Continue reading below ↓

“Yeah, of course,” maiksing sagot ni Piolo.

Idinagdag ni Vicki na sa pagkakakilala niya kay Piolo, ito ay free-spirited at ayaw natatanggalan ng kalayaan.

Kinumpirma rin ni Piolo na sobrang malapit siya sa pamilya. “We travel together. we go to places together.”

Pero nilinaw ng aktor na hindi dapat isyu ang pagiging malapit niya sa kanyang pamilya kung nais niyang lumagay sa tahimik.

“It’s not a matter of who’s your priority. You should marry, you should come together. That shouldn’t even be an issue.”

Follow-up question ni Vicki kay Piolo: “Is there a girl, that one that got away?”

“Marami,” simpleng sagot ni Piolo.

Sa pagkakaalam ng publiko, ang pinakahuling naging karelasyon ni Piolo ay si KC Concepcion noong 2010.

Pagkalipas ng isang taon, naghiwalay ang dalawa.

Kinumpirma rin noon ni Pops Fernandez na nagkaroon sila ng “short-lived relationship” ni Piolo.

Hindi tiyak kung kailan ito nangyari, pero matagal na nagkasama ang dalawa sa ASAP, ang weekly musical-variety show ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Nito lamang February 2021, inamin naman ni Rica Peralejo sa kanyang YouTube video na nagkaroon sila ng “no-label” relationship ni Piolo, pero naging malalim ang kanilang ugnayan.

Matagal ding naugnay si Piolo kay Shaina Magdayao, pero walang pag-amin ang dalawa kung naging opisyal ang kanilang relasyon.

Nagkaroon din ng ugnayan si Piolo sa isang non-showbiz girl, ang ina ng anak ni Piolo na si Iñigo Pascual, 23.

PIOLO ON COURTSHIP, LIKES AND DISLIKES

Inusisa rin si Piolo kung paano siya manligaw ng babae.

“I like being traditional. I like being old school. Ligaw sa bahay. Get to know the person first,” sabi ng matinee idol.

Sinang-ayunan niyang kailangan ay nililigawan din ang mga magulang ng babae.

“Sipsip nga ako, e!” natatawang sabi ni Piolo.

Nagbigay rin ng tatlong tips si Hayden sa panliligaw.

Una raw ay maging cool guy o life of the party.

Pangalawa, huwag magkaroon ng motibo, na ibig sabihin ay maging mabait sa lahat at hindi lamang sa babaeng natitipuhan.

Continue reading below ↓

Pangatlo raw ay biglang mawawala.

Humirit si Vicki at sinabing “expert” dito si Piolo.

Gumatong si Hayden at sinabing ang pangatlo raw ang “modus operandi” ng aktor.

Makikita sa video na hindi kumibo si Piolo.

Turn off naman daw si Piolo sa GGSS o “gandang-ganda sa sarili.” Hindi rin daw niya gusto ang babaeng know-it-all.

Paliwanag ni Piolo, “You like them simple. You want it [relationship] engaging, parang spontaneous, and natural.”

Pagdating naman sa trabaho, sinabi ni Piolo na may dalawa siyang bagong pelikula.

Ang isa raw ay kasama si Jasmine Curtis-Smith at idinirek ni Paul Soriano, at isang ididirek ni Brillante Mendoza.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual asked if he felt marrying a woman he was in relationship with in the past: “Yeah, of course."
PHOTO/S: Facebook (Piolo Pascual)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results