Watch Now

Trina Candaza reposts "prophetic" FB post about partner Carlo Aquino

by Arniel C. Serato
Mar 12, 2021
Trina Candaza Carlo Aquino love story
Trina Candaza on memorable dates with partner Carlo Aquino: "Feb 2018 ko shinare yung post, May 2018 nagkakilala kami, January 2019 naging kami na, then September 2020 dumating na yung angel namin.”
PHOTO/S: Courtesy: Nice Print Photo

Kinakiligan ng netizens ang post ni Trina Candaza ngayong Biyernes ng hapon, March 12.

Ibinuko kasi ni Trina ang sarili. Sinabi niya kung gaano niya ka-crush ang partner niya ngayong si Carlo Aquino bago pa man sila magkakilala. Ni sa hinagap ay hindi raw niya inakalang mapapaibig niya ang aktor.

Ni-repost ni Trina ang screenshot ng Facebook post niya noong February 2018, kung saan ibinahagi niya ang promotional photo ng pelikulang pinagbidahan noon nina Carlo at Bela Padilla, ang Meet Me in St. Gallen.

Caption ni Trina sa kanyang post sa Facebook may tatlong taon na ang nakalilipas: “Huhu ang guwapoooo ni carlo aquino”

FB Post: Trina Candaza past crush on Carlo Aquino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa caption ng kanyang post ngayon araw ay ibinahagi ni Trina ang saloobin na sila ni Carlo ang nagkatuluyan sa totoong buhay.

Aniya, “Dati pinopost lang kita, hindi ko alam sayo pala ako magkakaron ng sariling pamilya.

“Feb 2018 ko shinare yung post, May 2018 nagkakilala kami, January 2019 naging kami na, then September 2020 dumating na yung angel namin.”

Mensahe pa niya sa mga taong may mga crush na celebrities: “Share lang kayo ng share malay niyo sila pala ang forever niyo!

“Pero si Carlo Aquino sa akin na po siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“HINANAP KO SIYA SA FACEBOOK”

Nitong nakaraang linggo, ibinahagi naman ni Carlo sa vlog ng kaibigang si Erich Gonzales ang love story nila ni Trina.

Ayon sa aktor, hinanap niya si Trina sa Facebook at ini-stalk niya ito.

Nakita raw ni Carlo si Trina sa isang car show dahil isa ito sa mga models doon.

Lahad ng award-winning dramatic actor, “Mahilig kasi ako sa mga motor, di ba? So, isang beses, niyaya ko yung kaibigan ko na pumunta sa mga show.

“Pumunta ako sa World Trade [Center]. 'Tapos yun, ikot-ikot. 'Tapos siyempre, may mga models, mga babae.

“Okay, ganyan-ganyan. Ikot-ikot lang ako. ’Tapos nakita ko siya. Sabi ko, ‘Ganda ng mata mo.’

“Siya lang yung napansin ko talaga. ‘Tapos nagpa-picture ako sa kanya.”

Makalipas ang ilang linggo, hinanap daw ni Carlo si Trina sa social media.

Mula nang nagkapalagayan sila ng loob, dire-diretso na raw ang pagbuti ng kanilang samahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Higit isang taon nang magkarelasyon ngayon sina Carlo at Trina.

Mayroon na silang anak—ang five-month-old na si Enola Mithi.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trina Candaza on memorable dates with partner Carlo Aquino: "Feb 2018 ko shinare yung post, May 2018 nagkakilala kami, January 2019 naging kami na, then September 2020 dumating na yung angel namin.”
PHOTO/S: Courtesy: Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results