Barbie Imperial tells netizen on Kiko-Heaven issue: "I keep my mouth shut kahit marami akong nakita."

by Arniel C. Serato
Mar 13, 2021
Barbie Imperial Kiko Estrada Heaven Peralejo Issue
In her reply to a tweet, Barbie Imperial might spill the tea on the alleged Kiko Estrada-Heaven Peralejo "romance" if provoked.
PHOTO/S: Courtesy: @msbarbieimperial on Instagram

Tila may panibagong pasabog si Barbie Imperial kaugnay sa napapabalitang ugnayan ng co-stars sa Bagong Umaga na sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada.

Uminit ang isyung hiwalayan nina Kiko at girlfriend nitong si Devon Seron nitong nakaraang March 9, 2021, nang mag-post ng cryptic message sa Instagram niya ang huli.

Lalo pang umingay ang bulung-bulungan tungkol hiwalayan ng dalawa dahil nag-unfollow sila sa isa’t-isa sa Instagram.

Nasangkot ang pangalan ni Barbie kasama ang kasamahan din sa show na si Tony Labrusca at ang kaibigang si Ricci Rivero nsa isyu. Nag-tweet kasi ng makahulugang mga mensahe at emojis sina Barbie at Ricci, habang nag-react naman si Tony sa tweet ni Barbie.

Para sa netizens, may alam ang tatlo sa tunay na dahilan kung bakit naghiwalay sina Kiko at Devon, at ang diumano’y third party sa breakup ay si Heaven.

Sa Twitter kahapon, March 12, nag-repost ng artikulo mula sa isang gossip blogsite ang isang netizen na may Twitter handle na @candyneneses29.

Continue reading below ↓

May 1,162 followers ito, at base sa mga tweets niya ay kakilala niya si Heaven.

Saad sa tweet ni @candymeneses29, “Me reading comments sa article (two rolling on the floor laughing emojis)

“Nakakatawa nag backfire For me lang kapag hindi kayo kasali sa issue huwag kayo sawsaw lalo na kapag WALA KAYONG PROOF!”

Continue reading below ↓

Sumagot si Barbie sa tweet.

Kalakip ang mensahe ni Candy, mahihinuhang nakakasalamuha niya sa taping ng Bagong Umaga ang netizen.

Sabi ni Barbie, “I keep my mouth shut kahit marami akong nakita.

“So sige, Candy. Make sure to say this at my face when I see you at taping next week.”

Continue reading below ↓

Isa pang netizen ang nag-reply sa tweet ni @candymeneses29, at nagsabing nakita raw sa Taal, Batangas sina Heaven at Kiko.

HEAVEN BREAKS SILENCE

Kahapon din, binasag na ni Heaven ang kanyang katahimikan. Sa pamamagitan ng Instagram Stories, naglabas siya ng statement ukol sa isyu.

Sa kanyang pahayag, mariin niyang pinabulaanang may romantic involvement sila ni Kiko.

Saad niya, "I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada.

“However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I didn't and would never do.

"To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.”

Alam daw niyang masakit ang pinagdadaanan ng mga taong naghihiwalay, pero hindi raw tamang isisi ito sa ibang tao na wala namang kinalaman.

Ani Heaven, “I know how painful the process of heartbreaks can be but this does not justify pinning the blame on others who are not involved.

Continue reading below ↓

“Although, I do sincerely hope Kiko and Devon would heal from this."

Nagbanta naman ang ina ni Heaven na si Luanne Peralejo na kung hindi pa rin tumigil sa pagpapakalat ng malisyosong tsismis ang mga naninira sa anak, handa daw siyang idulog ito sa korte.

Humingi rin siya ng public apology mula sa mga taong nag-uugnay kay Heaven sa isyu.

Saad ni Luanne, "As a mother, I simply cannot allow this. If it will mean bringing this matter to court in order for these culprits to publicly apologize and admit to their fault, then so be it.”

Apela pa niya, “AGAIN, I appeal to you to STOP committing these malicious acts of spreading FALSEHOOD and APOLOGIZE PUBLICLY.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In her reply to a tweet, Barbie Imperial might spill the tea on the alleged Kiko Estrada-Heaven Peralejo "romance" if provoked.
PHOTO/S: Courtesy: @msbarbieimperial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results