Sunshine Cruz defends daughter Angelina against "false accusations"

by Arniel C. Serato
Mar 13, 2021
Sunshine Cruz on daughter Angelina Cruz's basher: "Be proud of other people’s achievements and stop bringing them down."
PHOTO/S: Courtesy: @sunshinecruz718 on Instagram

Dinepensahan ni Sunshine Cruz ang panganay na anak na si Angelina Cruz laban sa blind item na lumabas sa De La Salle University freedom wall sa Facebook.

Ayon sa blind item na ipinost kahapon, March 12, 2021, "perfect" ang soap commercial ng isang "influencer," pero sana raw, ganun din siya sa kanilang group works sa school.

Saad pa ng anonymous user, "Uso mag-LOA if deins kaya mag commit."

Napukol ang atensiyon ng mag-inang Sunshine at Angelina dahil sa mga comments.

Si Angelina ay first year college na kumukuha ng Bachelor of Science in Marketing sa De La Salle University, at isa rin siyang Dean’s lister!

Umalma si Sunshine sa blind item dahil bukod sa mula ito sa isang anonymous user, alam rin niya ang pagod ng anak sa pag-aaral.

Aniya, “If this is indeed true, reveal yourself.

“I know how hardworking my daughter is when it comes to school.

“She won’t be a dean's lister for nothing. Be proud of other people’s achievements and stop bringing them down.."

Continue reading below ↓

Sinabihan rin niya ang nag-post na gumamit na lamang daw ng sabong iniendorso nila para "luminis hindi lang katawan nyo kundi mga puso nyo."

Sa dulo ng sagot ni Sunshine, hiniram niya ang quote ng mga sumuporta sa anak. Aniya, “May nag comment nito sa thread ng DLSU FREEDOM WALL sa facebook and gagamitin ko ngayon..

“KAPAG INGGIT, PIKIT!”

Continue reading below ↓

FALSE ACCUSATIONS

Sa Instagram Stories nag-post ng reaksiyon si Angelina kagabi, March 12.

Mahigpit na pinabulaanan ng dalaga ang claim ng blind item.

Saad niya, “I saw this circulating around with comments hinting at me, I might as well address it because it’s so frustrating to see these false accusations continue.

“I KNOW I do my parts, and groupmates of mine, past or present can vouch for me.

"I really don’t see the point of targeting me just because you’re hidden behind anonymity.

“next time, you’re free to just message me if you think my work was lacking.”

IG Story: Angelina Cruz defends herself from DLSU Freedom Wall blind item

Continue reading below ↓

Ngayong araw, March 13, nagpasalamat si Sunshine sa groupmates ng anak dahil ipinagtanggol nila si Angelina.

Sabi niya sa kanyang Facebook post, “To Angelina’s groupmates, thanks for vouching for her. Means a lot to Angelina.”

BAD COMMENTERS REACH OUT TO SUNSHINE, ANGELINA

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine ukol sa blind item, at nakatanggap ng sagot ngayong hapon, March 13, 2021.

Continue reading below ↓

Ayon sa aktres, yung mga nagkomento at nainiwala agad sa blind item sa nasabing Facebook account ay nag-private message na sa kanya at kay Angelina at nag-apologize.

Kuwento ng ABS-CBN star, “Yung mga ibang babae nag-message ng apologies kay Angelina at sa akin.

“Ayaw din daw nila mangyari sa kanila yun. Nag-sorry kasi di daw nila kaagad na-realize ang ginawa nila.”

Marami rin daw sa kanila ang nagbura na ng kanilang negative comments laban sa anak.

Dagdag pa ni Sunshine, “A lot of them already deleted their comments. Good enough. Sana maging aral ito lalo na sa kababaihan. Lift each other up.

“Kung may problema, they can easily get in touch with Angelina. Good thing na ang groupmates ng anak ko, nag-attest na hindi totoo ang accusation/post na iyan.

“Women’s Month pa naman. Haha.”

Sinabi rin ni Sunshine na hindi naman siya kunsintidorang ina. Kapag ang mga anak niya ang nagkamali, hindi rin naman niya palalampasin.

Continue reading below ↓

Pero sa puntong ito, alam niyang hindi nagkulang ang panganay na anak.

Aniya, “Alam ng mga anak ko ito. Kapag nagkamali sila di ko sila kukunsuntihin. I even tell their teacher, ‘Ibigay ang nararapat na punishment for them to learn.’

“As a mom kasi expected na din naman ito sa akin. Alam niyo iyan. I will always be here for them lalo na if and when they need my help.

“Kapag mali sila, mali sila, pero kapag wala namang ginawang masama ang mga anak ko, ilalaban ko talaga ang mga bata.

“You never know what a student is going through. Sana mas maging compassionate tayo sa iba.

“Wag natin ipahiya ang iba lalo na if you don’t know them after all ang ganda ng school na pinapasukan nila.

“It’s just right to be more cautious sa mga sinasabi ng mga students ng university nila.”

Sina Angelina, Samantha, at Cheska ay mga anak ni Sunshine sa ex-husband na si Cesar Montano.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on daughter Angelina Cruz's basher: "Be proud of other people’s achievements and stop bringing them down."
PHOTO/S: Courtesy: @sunshinecruz718 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results