Bea Alonzo on future boyfriend: “Ayoko na ng sakit sa ulo.”

by Arniel C. Serato
Mar 13, 2021
Bea Alonzo next boyfriend
Bea Alonzo on next boyfriend: "Ayoko na ng celeb, halos lahat ng relasyon ko celebs, e, so try nating hindi.”
PHOTO/S: Courtesy: Bea Alonzo

Gusto na raw ni Bea Alonzo na magkaanak.

Ito ang rebelasyon niya sa vlog ni Ethel Booba na lumabas noong March 11, 2021.

Pinamagatan ito ni Ethel na ONE ON ONE INTERVIEW WITH BEA ALONZO (time is the ultimate truth teller!!!), pero wala naman sa buong panayam ang tungkol dito.

Ang viral na linyang, "Time is the ultimate true teller," ang ginamit na caption ni Bea sa kanyang Instagram post noong March 6, isang araw matapos umamin ang ex-boyfriend na si Gerald Anderson na sila na ni Julia Barretto.

Si Julia ang itinuturo noong third party sa kanilang hiwalayan.

Sa vlog ni Ethel, tinanong si Bea ng komedyante kung kailan niya balak mag-settle down.

Ethel Booba, Bea Alonzo vlog interview

Continue reading below ↓

Tugon ng 33-year-old actress, “Kung ako, if it were up to me, gusto ko in three years.

“Pero, siyempre di naman natin alam ang buhay, sabi ko nga kahit may donor na lang ng ano para kahit wala kang lalaki.

“Gusto ko na magka-baby.”

Sinang-ayunan ito ni Ethel, na mommy ng isang one-year-old baby girl.

Sinabi rin ni Ethel na dapat isang matinong lalaki ang mapangasawa niya.

Mabilis naman itong sinegundahan ni Bea: “Oo, yung hindi masakit sa ulo.

“Ayoko na ng sakit sa ulo. Ayoko na, pagod na pagod na ako sa sakit sa ulo.”

Hindi naman malinaw kung sino sa mga dating nakarelasyon ni Bea ang “sakit sa ulo” pero ang pinakahuli niyang naging boyfriend ay si Gerald.

Gusto pa rin ba niya ng isang celebrity o non-showbiz?

Ayon kay Bea, “Preferably, sana hindi celebrity, kasi mahirap, e.”

Dagdag pa niyang may halong biro, “Pero, puwede naman pag hindi na mag-aartista.

Continue reading below ↓

“Pero, siyempre hindi mo naman mapipili kung saan titibok ang puso mo, pero sana nga hindi na celebrity.

“Ayoko na ng celeb, halos lahat ng relasyon ko celebs, e, so try nating hindi.”

Ang napapabalitang nauugnay ngayon sa aktres ay si Dominic Roque.

Biniro naman niya si Ethel na maging surrogate mother niya, “Kapag hindi pa ako mabuntis or mag-asawa sa lalong madaling panahon, papa-surrogate na ako.”

Sabay na nagtawanan ang dalawa.

“AYAW KO NA NG MGA TAONG TOXIC”

Sa ngayon ay ay namimili na rin ng kakaibiganin si Bea.

Lahad niya, “Oo. Ako, namimili ako, actually hindi lang kaibigan, namimili ako ng mga tao I surround myself with.

“Parang ayaw ko ng mga taong toxic 'tsaka ayoko yung masyadong mapuri sa 'kin.

“Kasi alam ko na parang, ‘Too good to be true.’

“Ayaw ko yung parang, sorry for the word, kiss ass. Ayaw ko ng ganun, ayaw ko ng ganyan.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, ayaw rin daw niya ng mga taong mabait kapag kaharap mo, pero kapag nakatalikod na ay iba na ang sinasabi.

Saad niya, “Mas gusto ko yung totoo. At saka ayaw ko din ng mga taong may sinasabing masama tungkol sa ibang tao kasi alam ko baka pag tumalikod ako, ako na yung gaganunin niya.

“So yun, so namimili ako, namimili ako ng kaibigan.

“Kasi di ba, pag bata ka, gusto mo kaibigan mo lahat or close mo lahat? But as you get older, alam mo nang paliitin yung circle mo kasi alam mo na investment yung oras at pagmamahal sa kaibigan.

“Tapos kapag na-break na yung pagkakaibigan niyo, masakit.

“So ayaw ko na ng ganun kasi ilang beses na rin siyempre nangyari sa atin iyan.

“Sa industriya ba natin, ang hirap maghanap ng totoong kaibigan.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on next boyfriend: "Ayoko na ng celeb, halos lahat ng relasyon ko celebs, e, so try nating hindi.”
PHOTO/S: Courtesy: Bea Alonzo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results