Have Sarah Geronimo and Mommy Divine reconciled? Fans think so!

by Nikko Tuazon
Mar 14, 2021
Sarah Geronimo
Sarah Geronimo and Mommy Divine in an old photo (left). Sarah's Instagram Stories (right) have netizens thinking the singer-actress has reconciled with her mother.
PHOTO/S: Facebook / @justsarahg on Instagram

Nagkaayos na nga ba sina Sarah Geronimo at Mommy Divine?

Ito ang tanong ng mga fans na nakakita sa latest posts ni Sarah sa kanyang Instagram Stories nitong Sabado, March 13, 2021.

Sa limang sunud-sunod na posts, iprinumote ng singer ang organic produce mula sa farm ng ina.

Sa bawat post, nakasulat ang caption na: "Freshly harvested organic fruits and vegetables from my Mama’s farm. Order now."

IG Story: Sarah Geronimo promotes Mommy Divine business

Continue reading below ↓

IG Story: Sarah Geronimo promotes Mommy Divine organic fruits and vegetables

Noong nakaraang taon, naging viral sa social media ang farm sa Tanay, Rizal ng pamilya ni Sarah.

Meron din silang restaurant, ang Geronimo's Cafe and Restaurant, sa Mindanao Avenue, Quezon City, kung saan naman inihahain ang mga organic produce ng kanilang farm.

past feud

Ikinatuwa ng fans at mga netizens ang kanyang posts dahil ito ang unang beses na nabanggit ng Popstar Royalty ang ina sa Instagram mahigit isang taon matapos ng kasal niya kay Mateo Guidicelli.

Continue reading below ↓

Ikinasal sina Sarah at Mateo noong February 20, 2020, sa isang civil wedding ceremony sa Shangri-La at the Fort sa Bonifacio Global City.

Naging headline ang secret wedding ng dalawa dahil sa away na nangyari nang dumating sa venue si Mommy Divine kasama ang bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara.

Simula noon, mas lalong lumaki ang gap sa pagitan ng mag-asawa at sa pamilya ni Sarah.

Samantala, sa isang panayam kay Matteo noong December 2020, sinabi nitong umaasa siyang mapagsasama-sama nila ni Sarah ang kanilang mga pamilya sa isang hapag-kainan balang araw.

Aniya, "Oh, my gosh, I imagine it all the time. I imagine it all the time. Not just for me but, obviously, of course, primarily for my wife. But also for my family, my parents.

"I believe our parents raised us up and worked so hard for us that, one day, they could marry a woman and man, and two families combined, di ba, having a drink together and pasta together.

Continue reading below ↓

"I think that’s our family’s dream. One day, one day it will happen."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo and Mommy Divine in an old photo (left). Sarah's Instagram Stories (right) have netizens thinking the singer-actress has reconciled with her mother.
PHOTO/S: Facebook / @justsarahg on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results