Presidential Spokesperson Harry Roque tests positive for COVID-19: “It came as a surprise and as a shock.”

by Jet Hitosis
Mar 15, 2021
Harry Roque COVID-19 positive
Presidential Spokesperson Harry Roque says he is asymptomatic despite testing positive for COVID-19.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office

Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Lunes, March 15, na nagpositibo siya sa COVID-19.

“As of 11:29 this morning, nakuha ko po ang resulta na positibo po ako para sa COVID,” sinabi ni Roque sa bungad ng kanyang regular press briefing mula sa Malacañang ngayong tanghali.

Sa question-and-answer sa Malacañang press, sinabi ni Roque na ikinagulat niya ang pagpopositibo sa virus.

Ito raw kasi ang unang beses na nakakuha siya ng positibong resulta, gayung sa nakalipas na taon ay hanggang tatlong beses siyang sumasailalim sa RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) test sa loob ng isang linggo.

“It came as a surprise and as a shock,” sabi ni Roque. “I followed naman po all the procedures.”

Paglilinaw ni Roque, maayos na maayos ang kanyang pakiramdam.

“Wala po akong nararamdaman. I’m asymptomatic,” aniya.

Harry Roque official statement after being tested positive for COVID

Continue reading below ↓

Ayon kay Roque, sobra-sobra ang pag-iingat niyang mahawahan ng COVID-19 dahil bukod sa kanya, may comorbidities din daw ang kanyang misis.

Sumailalim na rin ngayon sa RT-PCR test ang kanyang asawa at hinihintay pa nila ang resulta nito.

Nakuha raw ni Roque ang resulta ng latest RT-PCR test niya isang oras matapos siyang dumating sa kanyang opisina sa New Executive Building sa Malacañang ngayong Lunes.

Bukod sa kanyang maybahay, tiniyak ni Roque na wala siyang naging exposure sa ibang tao simula ngayong umaga.

“Wala naman po ako masyadong exposure. Nag-iisa ako sa opisina,” aniya.

Tiniyak din ni Roque na wala siyang naging close contact kay Pangulong Rodrigo Duterte sa nakalipas na mga araw.

Dahil asymptomatic naman, sinabi ni Roque na patuloy siyang tutupad sa kanyang trabaho remotely.

Pero magka-quarantine daw si Roque sa isang isolation facility.

“I’m inclined to go to an isolation facility, because we need to walk the talk na dapat nasa quarantine facility tayo.

Continue reading below ↓

“I will continue to discharge my functions. I will join meetings with the president remotely,” sabi ni Roque.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presidential Spokesperson Harry Roque says he is asymptomatic despite testing positive for COVID-19.
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results